Chapter 19

4 0 0
                                    





Chapter 19

Pagkagising ko ay wala na si Justin sa tabi ko. Kinusot ko ang mata ko at nakita kong umiilaw ang phone ko. Tumatawag pala ang secretary ko. "Yes?"

Pagkababa ko ng phone ay napasapo ako ng ulo. Sobrang late na ako sa trabaho dahil sa mga nangyari. Kailangan ko ng magtrabaho mamaya at ibibigay ko nalang via email sa secreary ko iyon.

Pag baba ko ay nakita kong maingay sa baba. "Goodmorning Sarah" masayang bati sakin ng magasawa. Parang good mood sila ngayon. Tumayo si Tita Lorna at nilapitan ako. "Might want to help Justin?" ngumiti siya na ikinakunot ko ng noo.

Dinala niya ako sa likod ng bahay nila kung saan nagiihaw si Justin sa tabi ng pool. Seryoso siyang nakafocus sa pag luluto doon."Minsan lang namin makitang nagiihaw yan si Justin. Anyways, dadating ang parents ni Lorraine today to visit both of you. Kaya nag luluto si Justin ngayon."

Tinignan lang namin si Justin na hanggang ngayon ay hindi pa din kami napapansin. "Take care of him." sabi niya saka kindat sa akin. Pagkaalis niya ay nilapitan ko na si Justin.

Napalingon siya sa akin at nginitian ako. "Goodmorning! How's your sleep?"

"Uhh good."

"Mind helping me here?" tanong niya. Ibinigay naman niya sa akin yung stick ng barbecue at inilagay ko naman iyon sa lutuan.

"It's 8 o'clock in the morning why are you so early?"

"Well, mamaya aside sa parents ni Lorraine ang dadating ay mag papaparty sila dito sa bahay. It's Tito Jonathan and Tita Jennifer's anniversary today. Napagdesisyunan na din nilang dito na icelebrate since ayaw ka nilang pag byahiin pa dahil mag eeroplano pa tayo bago makarating sakanila. Saka mas malaki ang bahay ni Tito Edgar kesa kila Tito Jonathan."

"Wow. You do have a big family."

Nginitian niya ulit ako at nag patuloy siya sa pagpapahid ng sauce sa barbecue. "Our turn!" nagulat ako nang biglang sumulpot si Avah at Lorraine sa likod namin.

Napatingin naman ako kay Justin na biglang sumimangot ang mukha ng makita si Avah. "Let's go." Initnapon niya ang apron na suot niya at hinawakan ang kamay ko at hinila ako papasok sa bahay.

Binitawan niya ang kamay ko at kumuha siya ng baso para uminom ng tubig. "Why are you still mad at your sister?"

"Why?" hingal niyang sabi pagkatapos niyang uminom. Sumandal naman ako sa counter at humalungkipkip. "Try talking to her Justin."

Napaayos ako ng tayo dahil kinulong niya ko. "And why would I do that?" sabay dila niya sa labi niya. Hindi ako makapagsalita ng maayos. "B-because she is your sister?" hindi ko siguradong sabi sakaniya. Kinakabahan na ako dahil sobrang lapit niya.

Mas lalo pa siyang lumapit dahil yumuko siya. "Alright." sabay ngiti niya. "Oh my I'm sorry." sabay kaming napatingin ni Justin kay Tita Lorna dahil naabutan niya kaming ganon. SInubukan ko siyang itulak pero hindi ko magawa.

Nang makaalis si Tita Lorna ay malakas ko siyang tinulak. "Hey!" matawa tawa niyang sabi.

Nasa loob lang ako ng kwarto sa loob ng apat na oras dahil busy ako sa pagtatrabaho. May kumatok sa pinto at si Avah ang pumasok. "Are you busy?"

Where it all BegansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon