Chapter 15

4 0 0
                                    




Chapter 15

Hindi ako makapagfocus sa meeting namin kanina dahil sa mga nangyari ngayong nakaraang linggo. Madalas na din akong pinapawisan sa tuwing gumigising tuwing gabi. Alam ko kung gaano kamali ang ginawa ko na pumatay ng isang inosenteng bata. Hindi ko namalayang umiiyak nanaman ako. Agad ko tong pinunasan nang may kumatok sa pintuan.

"Come in." pagkapasok ng secretary ko ay may iniabot siyang folder. Napakunot ang noo ko sa nakita dahil wala naman akong inutos na magdala siya ng kahit anong report sa akin.

Pag buklat ko ng folder ay nagulat ako sa nakita ko. Expected ko nang mangyayari to. Isang kontratang ikinakansela na ang pag memerge ng kompanya namin.

Sa dulo non ay may note na nakalagay. I may not be the perfect guy for you but I'm sure you are not the perfect girl for me.

Napapikit nalang ako sa nakita ko. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isipan ko at bakit ko nagawa iyon. Hinilot ko ang sentido ko at napailing nalang. Alam kong hindi na naging maganda ang pakiramdam ko matapos non.

Umaasa akong babalik pa din si Justin sa akin pero mukhang malabo na dahil sa nabasa ko.

Kaya naisipan kong tumayo para makakain muna pero bigla nalang ako nahilo at biglaang black out ng paligid.

Gising na ako pero hindi ko minumulat ang mga mata ko dahil sa mga boses na naririnig ko.

"She may have a Hodgkin lymphoma, this cancer usually comes from a white blood cells called lymphocytes. This is such a rare case since it is hereditary to whose parents have and HIV or AIDS. There are also symptoms shown such as fever, weight loss and enlarged lymph nodes although it is not yet much visible. The patient could possibly not affected from HIV or AIDS of it's parents. "

Sa lahat ng sinabi ng doctor isa lang ang tumatak sa isip ko. Cancer.

"Is there any cure for this?" Si Justin ba yon? Boses niya ba yon? Pano niyang nalaman na nandito ako. Bakit siya nandito?

"Yes there is. Actually you have three options, chemo which is a long process, radiation therapy and stem cell transplant. I would suggest you do the transplant since mas madaling makahanap ng donor if of course have money."

"Money is not the case here. I want you to cure her as much as possible." biglang tumahimik ang paligid at narinig kong nagbukas at sara ang pinto.

Iniisip na wala ng tao kaya ko binuksan na agad ang mata ko. Una kong nakita si Justin na nasa paanan ko nakatayo at nakahalungkipkip na nakatingin sakin.

Iba ang tingin na pinapakita niya sakin ngayon. Walang emosyon at sa sobrang cold ng aura niya ay parang mapapaso ako.

"Maybe this is the way for God to punish you." biglang nagtaasan ang mga balahibo ko sa sinabi ni Justin sa akin. Hindi ako nag salita pabalik sakaniya kahit ang dami kong tanong na gustong itanong sakaniya.

Siguro nga eto na ang kabayarang ginawa ko sa anak namin ni Justin. Maling mali ang ginawa kong iyon at pinagsisisihan ko yon. For all the ways you could hurt him eto pa ang naisip mo. May luhang tumulo galing sa mata ko ng hindi ko namamalayan. Inayos ko ang sarili ko para makaupo.

"Don't worry your cancer isn't that critical yet. Pwede pang maagapan but the problem is, donor. Who wants to donor a person like you?" alam kong sinasabi niya lang ang mga yan para lalo kong siyang saktan at lalo akong magalit sakaniya.

Where it all BegansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon