Chapter 10
It's been 2 weeks simula ng nangyari yung kaguluhang iyon. Aaminin ko maski ako naguguluhan parin sa mga nangyayari. Pero gaya nga ng sinabi ni Justin, balik na kami sa dati.
A usual busy day na puro meeting. Exept that he's my husband. I admit comfortable na akong kasama siya pero I don't think maibabalik ko yung kakaunting pagtingin ko sakaniya.
Seeing him present infront of the board makes me smile. Nakakaproud lang, he's a though son. Nagawa niyang ayusin ang buhay niya kasama ang buhay ng tatay niya. Pinakulong niya ang sarili niyang tatay dahil alam niyang mali ang ginagawa niya.
Even Avah was shocked sa narinig niya. She never knew he could do that dahil takot silang lahat sa tatay nila. I may not know his story pero alam ko na may mas mabibigat pa siyang napagdaanan before.
"So Miss Sarah are you going to accept his proposal?" oo nga pala, may gustong ilaunch si Justin na new clothing brand at gusto niyang gawin ito worldwide which need a lot of hardwork dahil hindi biro ang makipag negosasyon sa ibang bansa.
"Why should I say yes?" napairap si Justin na mukhang sinasabing hindi ako nakikinig sa sinabi niya kanina. "Because I am the one proposed it." Mayabang pa niyang sabi. May nag taas ng kamay ang isa sa mga board at nanay ito ng babaeng natitipuhan si Justin.
"As I can see here, hindi ba pwedeng we launch it locally first at kung pumatok naman ay saka tayo mag overseas dahil mukhang suntok sa buwan ang sinasabi mo." I nod as a sign of agreement sa sinabi ng isang board member.
Nag kagulo naman ang mga tao. Tumayo ako at saka sila napatahimik. "Justin and I will talk about this further." Umalis na ako sa meerting room at dumeretso sa office. Sumunod naman siya agad sa akin.
"What are you doing? Is this still part of your father's deal?" halata namang naguluhan siya sa sinasabi ko. But I know what is he doing. Alam niyang hindi maganda iyon sa company pero tinutuloy niya pa din.
"What are you talking about? This isn't about my dad Sarah. I know that woman has a point. Pero di ka ba naniniwala of what your company's name can do? Look, hindi ko naman–"
Napatigil siya sa pag sasalita dahil siguro napansin niyang hindi na ako nakikinig sakaniya. Kanina ko pa nararmdaman to pero isinasawalang bahala ko lang dahil akala ko puyat lang. Pero mukhang hindi.
Kinuha ni Justin yung telephone at tumawag ng guard para tumawag ng ambulansya. Ilang sandali lang ay nag dilim na ang paningin ko.
"Ms. Kang is fine. She's stable actually it's just that she's forcing herself too much in work. I bet she hasn't slept in days? So I recommend if she could atleast a lot a day for her to rest or else there is a posiblity that she could have stroke."
Ayun agad ang bumungad sa akin nang magising ang diwa ko. Damn. Nagsisimula ng bumalik ang pagiging lapitin ko sa kapahamakan. Ayaw na ayaw kong naoospital ako dahil sa oras na maospital ako ay magtutuloy tuloy na ito.
Pinakiramdaman ko ang paligid saka ako dumilat uli. Walang tao sa kwarto pero may note akong nakita. Need to work some errands. Errands? Bakit hindi nalang niya sabihin kung ano ang gagawin niya?
Ilang oras akong nakaulala lang sa kisame ng bumukas ulit ang pinto. "Kuya sent me here to watch you." Right. Ngayon mukha na akong isang batang kailangan bantayan. "Can you just..? Leave?" mukha namang hindi ko siya mapapaalis dahil sa tingin niyang mukhang ewan. Ugh.
Ilang oras na akong nag soscroll ng pictures sa instagram pero hindi pa din ako pinapaalis sa bwisit na kwarto na to.
"Where are my clothes?" gusto kong magpalit dahil ang amoy netong suot kong hospital gown.
"Nope. You're not going anywhere." Damn it.
Wow I didn't know na mag ka-size pala kami ni Avah with her body? Paglabas ko ng hospital nakita ko agad yung car ni Justin at na pahinto na sa harap ko. Agad akong tumakbo papunta sa likod or sa kung saan man tong pinuntahan ko damn it.
Gusto ko lang talaga makatakas! Sana hindi niya ako namukhaan dahil damit naman ni Avah ang suot ko.
Hindi ko alam kung saan ang car park dito! Shit. Naglakad lang ako ng naglakad hanggang sa may humila ng kamay ko. "Where do you think you're going?" Shit. Tamad akong lumingon kay Justin. "I want to go home so if you please, let go of my hand." Hinigit ko pabalik yung kamay ko at naglakad na pabalik sa entrance.
Pero mukhang di ako papbalikin neto dahil hinarangan pa din niya ako doon. Ganoon din ang nangyari paguwi ko hindi niya ako pinapalabas ng bahay!
Isang araw maaga ako nagising at sakto wala pa ang kotse ni Justin sa labas agad naman akong pumunta sa garage para kunin ang kotse ko.
Normal day at the office sucks. Sobrang dami ng gawain ko ngayon. Kung hindi lang ako nagkasakit edi sana onti lang ang gagawin ko.
"Really Sarah? The doctor said your'e not yet ready for work!" tinignan ko siya at agad napatayo sa inuupuan ko. "So what?"
"Damn it Sarah! I care for you okay? I do care for you because I love you!" nagulat ako sa sinabi niya sabay tawa. "You're kidding?"
"No Sarah. I told you kahit dati pa na may gusto na ako sayo."
"Okay look Justin. Its just an illusion." Mukhang mag sasalita pa siya pero hindi ko siya pinasalita "It's not love what you feel for me. Your dad just force you to. If you're expecting me to love you back then you're wrong Justin cause I don't love you and I will never love you."
Inirapan ko siya at umalis sa sarili kong office. Damn it. Pumasok ako sa cr at nilock iyon para walang makapasok. Fuck Sarah, you like him pero hindi mo sinabi sakaniya. Umiyak ako sa loob hanggang sa wala na akong maiyak.
Tinignan ko ang sarili ko sa salamin. I told you, you will only get hurt Sarah. Inayos ko ang sarili ko saka ako lumabas at nakita ko si Justin na nag aabang doon. Tinitigan ko lang siya ng tamad saka umalis. Hinigit niya ang kamay ko palapit sakaniya.
"Why are you like that Sarah? We've kissed. You made me feel like I was so special. Nung outing! Remember? You agreed to make me sleep with you. Wha–what happened. It just turned out you were cold and angry with me."
"You won't understand."
"Fuck Sarah then make me understamd!" tinignan ko siyang umiyak sa harap ko saka hinigit pabalik ang kamay ko. Umiling iling akong umalis sa harap niya. Sorry Justin, love can't change the way I am. I hate everyone, even the one's I cared.
Buti nalang ay hindi niya nahalatang umiyak ako. Pumunta na muna ako sa cafeteria para kumuha ng tubig. Pagkatapos kong bumili ay pumunta na ako sa elevator.
Papunta ako ng parking lot ng makita ko si Lenaia. She looks like she's lost. I was about to greet her but she ignored me. Nilagpasan niya lang ako na parang hindi ako nag eexist sa harap niya. What is happening? At hindi ba dapat nasa mental hospital siya?
Nilingon ko siya at medyo nakalayo na siya. Napasinghap ako ng bigla siyang hinimatay. Lalapit na sana ako ng tumayo siya ulit at naglakad pabalik sa akin. Akala ko ay papansinin na niya ako pero nilagpasan niya ulit ako.
Nagulat pa ako ng may dala pa siyang sasakyan! Hindi siya dapat magdrive mag isa lalo na't ganyan ang kalagayan niya!
Hahabulin ko na sana siya ng nag vibrate ang phone ko. Don't mind her. sino naman 'tong unknown sender na to?
BINABASA MO ANG
Where it all Begans
Novela Juvenil"I hate you, I hate everyone. Don't get near me." -Sarah "I will still love you no matter how much you push me away." -Justin