Chapter 1

20 0 0
                                    

Tumingin ako sa cellphone ko na nag riring. Yung secretary ko lang pala. Tinago ko nalang yung phone ko sa bag ko ng may nakabangga sakin, kaya nahulog yung phone ko sa sahig. Tanga ba to o nanadya?

"Ano ba?! Di ka ba tumitingin sa dinadaanan mo?"

"Ano sa tingin mo?" sabay ngisi neto, aba't sino ba tong lalakeng to para pag salitaan ako ng ganun. Tinignan ko ang nameplate sa coat niya. Justin Lee pala. So siya pala ang anak ng CEO na si Roland Lee. Kaya pala mayabang. Wala rin namang binatbat sakin yang mag ama na yan.

They are my worst enemy but then dahil sakin ipinamana ang kumpanya, isa nalang silang pipitsugin na kumpanya dito.

Naglakad nalang ako papuntang cashier para magbayad para malinis naman ang konsensya ko. "Miss"

Nilingon ko siya at ipinakita niya yung phone ko na nahulog. "Mother mo pala yung nasa operating room pero bakit parang wala lang sayo? Kadalasan mga tao maglulupasay sa sahig o sa pader at iiyakan yung mahal nila sa buhay dahil nga nasa operating room"

Napakachismosong lalake nakakahiya. Umalis nalang ako sa harap niya para pumunta sa parking lot. Para akong nabunutan ng tinik sa lalamunan dahil sa wakas patay na ang nagpahirap sakin sa loob ng maraming taon.

Pag dating ko sa parking lot nakita ko yung driver ko na nangungulangot. Kadiri. Nang makita niya ako agad niya itong ipinunas sa pader saka sa pantalon bago ako pagbuksan. Gawain talaga ng mahihirap. Picking their nose im public. Wala man lang etiquette.

"Tara na" as usual daldal nanaman siya ng daldal tungkol sa traffic sa Pilipinas. Wala naman akong pake dun. Aanhin ko naman ang mga pinagsasasabi niya.

Pag dating sa kumpanya at nagsipag bow naman sila bilang pag galang sa akin. Dapat lang na galangin nila ako dahil ako ang boss nila.

Pag dating ko sa opisina ko ay tambak nanaman ang trabahong kailangan kong tapusin para ngayong araw. Sa kalagitnaan ng pag tatrabaho ko ay may napansin akong maliit na calling card sa tabi ng mouse ko.

At kanino naman ito? Justin Lee? Aba't talagang umabot dito ang kayabangan ng lalaking 'to. Nag ring yung phone ko ata unknown number ang nagflash sa screen at alam ko na kung sino to.

"Hello"

"It says here you're the world famous Sarah Kang who hates everyone even her mother. Wow what a nice trademark for a business woman with an attitude like yours. Anyways, never think of what if your mother is still alive? Breathing? Think of changing--"

"How dare you interfere my personal life? Who ever your private investigator is, well then I congratulate him for having the best information about me."

By hanging up my phone, narealize ko yung sinabi niya. How will my mother be still alive kung nung umalis ako sa hospital ay nag aagaw buhay na siya? Malaki ang chance na hindi na siya mabuhay mula doon. He's lying. I know he is.

"Ms. Sarah private meeting in 5 minutes" shit. Muntikan ko na makalimutan ang responsibilidad ko bilang may ari.

Tumayo na ko para pumunta sa kabilang room para sa isang private meeting. Three people welcomed me in the room. Tss isa na doon ang tatay nung mayabang na yun.

Ano ba ang pinagyayabang nung lalakeng yun. Wala naman hindi ba? Who ever he is yabang lang ang meron wala namang ibubuga.

Salita sila ng salita ng kung ano ano pero kahit anong focus ko lumalabas lang sa kabilang tenga ko. "Uhmm sorry to interrupt, but can we do this in other time? I just--"

"But Miss Sarah we cant re-schedule this. This is urgent!" No matter how hard na makinig ako sa sinasabi niyo kung hindi ko talaga kaya, hindi talaga. Its all about that new project na I'm sure palpak nanaman.

Tuwing sila sila ang nag b-brainstorm at nag popropose ng project sakin, I always reject them napakawalang kwenta.

"I'll let my secretary do this. I have to go." umalis na ko sa conference room at ibinilin sa secretary ko lahat ng kailangan niyang gawin at gawan nalang ako ng report. Para titignan ko nalang ang summary ng sinabi nila.

Sinigaw pa nila ang pangalan ko para pabalikin ako. Wala na silang magagawa kung ayaw ko pumunta. Pag ayaw kong gawin ang isang bagay, ayaw ko talaga. Ayoko panaman yung pinipilit ako sa isang bagay na ayaw ko.

Kinuha ko ang phone at pouch ko para pumunta sa coffee shop na katapat lang ng building.

As usual sa may bintana ako pumwesto. Gustong gusto ko pumwesto dito dahil kita ko lahat. Inorder ko ulit yung coffee na madalas kong inoorder dito.

One day habang nagrerelax ako dito ay may nakita akong mag couple na nag aaway at sa harap ko talaga nag gerahan at eto naman ako enjoy na enjoy sa pinapanood. Samantala, yung mga tao awang awa sa babae, tss kasalanan nila yan, away nila yan bat ko papakialaman?

Mga tao talaga, masyadong tsismoso porket mukhang kaawa awa yung babae eh siya na agad ang kawawa? My god anong pag iisip ang meron ng mga tao ngayon.

Sumagi nanaman sa ulo ko yung sinabi nung Justin. Dahil hindi ako mapakali ay tinawagan ko yung secretary ko para malaman ko kung tama ba talaga yung sinasabi nung Justin na iyon. Nakakabwisit hindi ba pwedeng pinagtitripan lang ako nun?

Nagpatuloy ako sa pag inom ng coffee ko saka bumalik sa kumpanya.

Nakasalubong ko agad yung secretary ko pag bukas palang ng pinto nung elevator. Mukhang alam niyang padating na ako kaya inaantay na ko.

"Miss Sarah eto na po yung report na pinapagawa niyo sakin"

Hinablot ko iyon saka dumeretso sa office ko. Ang bilis talaga gumawa ng secretary kong ito. Nireview ko yung report niya saka nilagyan nh rejected. Umpisa palang alam ko ng palpak.

Napatigil ako sa pag gawa ng trabaho ko ng may sumagi sa isip ko. Hindi kaya hindi ko nanay yung nandun sa emergency room?

Hindi. Impossible alam kong siya 'yon at nararamdaman ko. Hindi na ko makapag hintay kung totoo nga ang sinasabi ng Justin na 'yon. I'm just being too paranoid. Relax.

Napasandal nalang ako sa upuan ko at pinikit ang mga mata. Kaya ang bilis ko tumanda.

Natapos ang araw na to ng maayos. Niligpit ko na ang gamit ko para umuwi. Dalawa ang kotse ko lagi dito yung isa may driver yung isa ako lang sa ngayon ako lang dahil pinauwi ko na yung driver ko. Pababa na ko ng elevator ng bumukas ito sa 3rd floor. Nakita ko yung Justin kasama yung mga body guard niya. Pero isang tao ang napukaw ng pansin ko.

Ang nanay ko kasama si Justin at nakaformal attire pa. What the hell?

Where it all BegansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon