Chapter 7

5 0 0
                                    







Nakadilat lang ang mata ko hanggang sa naramdaman kong gumalaw ang labi ni Justin na nagpapikit sa mata ko at sumunod sa galaw niya. Hinawakan niya ako sa likod at inilapit pa lalo sakaniya. Bigla nalang akong napamulat at naitulak siya at doon bumalik ang ilaw.

Nagtatawanan ang iba dahil siguro nahalikan nila ang gusto nilang tao. Nakakunot ang noon i Justin na tumayo. "What was that? You enjoyed the kiss pero bakit kailangan mo pa kong itulak?" nakatingin lang ako kay Justin. Buti nalang at maingay ang music kaya hindi kami ganoon marinig ng mga tao. Umalis ako doon at saka nag punta sa cottage.

Yinakap ko ang sarili ko dahil ang tanga tanga ko. Why can't I just enjoyed that kiss? Pumikit ako at pinakinggan ang boses sa ulo ko. Mabuti ang ginawa mo dahil ikaw na ang nagsabi na hindi ka mahuhulog sakaniya. Wag kang makonsensya, lalake lang yan. As much as possible ay ipagpatuloy mo lang ang ginagawa mo.

Nagpatuloy ang mga tao sa kasiyahan hanggang sa bigla nalang itong tumigil. Sumilip ako sa bintana at nakita ko si Justin sa stage at may hawak na mic. Napatingin ako sa relo ko at 11 p.m. na. So eto 'yong sinasabi niya sakin. Kakanta siya at para sana saakin iyon. Pero mas pinili kong manatili sa kwarto.

Kinaumagahan maingay pa din ang mga tao sa labas paglingon ko sa likod ko ay nasa tabi ko si Justin at tulog na tulog. Hinwakan ko ang buhok niya at sinuklay ito dahil sa sobrang lambot. Aalisin ko n asana ang kamay ko ng hinawakan niya iyon at ibinalik sa buhok niya. So nagustuhan niya ang ginawa ko.

"Please continue.." husky ang kaniyang boses ng sinasabi iyon. Mukhang mas lalo siyang narerelax kaya niya pinapasuklay ang buhok niya. Pero tinigil ko din agad iyon dahil ayokong mahalata niyang may gusto na ako sa kaniya. Damn Sarah what are you doing? Hindi ba dapat wala ka ng pake sa kaniya? Fuck.

Tumayo na agad ako sa kama para magbihis dahil mag eexcersice ako, pag labas ko sa closet ay naka upo ng tuwid si Justin sa kama at diretso ang tingin sakin. "Why do you look so beautiful?" nag taka naman ako sa inakto ni Justin kaya kumunot ang noo ko. "What the hell are you–" "Pero bakit ganon? You're hot n' cold. Minsan natutuwa ka na kasama ako pero in just a split seconds iba ka na agad" umiling nalang ako at iniwan siya sa kwarto. Fuck, hindi kaya alam na niya? Hindi kaya napapansin na niya na may nararamdaman ako sakaniya? Umiling ako at nag patuloy nalang sa pag lalakad.

Binati naman ako ng mga tao doon at nag nod lang ako sakanila. Nag punta ako dun sa may gym sa may likod ng resort at nag simula na. Ilang minuto lang ay nakita ko si Justin na mukhang hinahanap ako. Shit bigla kong dinala yung gamit ko sa cr at nag lock sa loob. Bakit ganito bigla akong kinabahan? Ugh Sarah umayos ka. Napailing nalang ako at tinignan ang sarili ko sa salamin. Huminga ako ng maayos at saka cinompose ang sarili. "Hindi eh, hindi ko pa siya nakikita dito. Sige kuya, I'll let you know. Bye" Wait parang boses ni Avah yun ah? Fuck hindi niya dapat malaman na nandito ako! Agad akong pumasok sa cubicle para mag tago.

Narinig ko namang may lumabas sa cubicle, parang ang tagal naman niyang mag retouch. "Don't worry I won't tell Sarah." Ako ba kausap noon? "This is your business trip right? Come on labas na" dahan dahan naman ako lumabas sa cubicle at tama nga ako si Avah nga iyon.

"You got me heh." "Nakita kita kanina you know? Pag pasok mo palang nakita kita, saka ako pumunta dito. Why is Justin looking for you? Hindi ba inayawan ka na niya? What happened?" Chismosa pala tong kapatid ni Justin. Maganda pa naman sana wala namang manners. "I don't know. Ask your brother about it. My job is just to look sweet in front of your parents and thats it." Binitbit ko yung duffle bag ko at lumabas na ng cr.

Sumakto naman si Justin na papunta doon. Napatingin siya sa akin at ako naman ay napatitig sakaniya. Naramdaman kong lumabas din si Avah sa cr. "Kuya!" Nilagpasan ko nalang silang dalawa at lumabas na ng gym. Kailangan na din ako ng mga tauhan ko dahil may mga prinepare na activities ang iba para sa lahat.

"Okay, nandito kayo lahat dahil mag kakaroon tayo ng different activities prepared by some HR and Accounting department." Binigay ko naman ang floor sakanila para magsalita.

Sa Pag eexplain ng mga taga HR at Accounting ay may kausap ako sa phone. "Ma'am Sarah may problema po tayo." "What is it?" bigla naman akong kinabahan dahil ang assistant lang ng secretary ko ang naiwan doon. "May malaking pera po ang nawala sa company west." "What?!" dahil napalakas ang boses ko ay napatingin silang lahat dito.

"Sorry." Medyo lumayo ako sa kanila at saka ako nagpatuloy. "How the hell did that happened?" "Hindi pa po nila na fifigure out ma'am ang alam po nila may isa po tayong share na nawala." Binaba ko ang tawag at tumakbo agad sa kwarto ko para icheck kung tama nga.

Binuksan ko agad ang laptop ko at agad nag punta sa email na pinakita sa akin. Napakuyom ako ng kamay dahil sa galit. Sinong hinayupak ang aalis sa kumpanya ko para lumipat sa iba. Tinawagan ko ang west company para alamin ang details.

Pagod na pagod akong humiga sa kama. Hapon na pala, hindi ko namalayan. Bumukas ang pinto at iniluwa doon si Justin. "There you are, kanina ka pa ba nandito? Kanina pa kita hinahanap." Napaisip agad ako. Hindi kaya si Justin ang may pakana neto dahil siya ang may hawak ng may pinkamalaking share sa company ko. Hindi kaya? "Ikaw ba ang may gawa noon?" seryoso kong tanong. "What are you talking about Sarah?" Pinakita ko sakaniya ang laptop ko.

Napangiti naman siya agad. "Yes Sarah. I did it. Hanggat hindi tayo nag papakasal ikaw ang mag susuffer sa mga bagay na dapat ako ang nag susuffer–" nasampal ko siya ng malakas sa pisngi. "Why. Why me huh? Dahil ba alam mong hindi mo makukuha ang kumpanya niyo dahil alam mo nang sakin mapupunta ito ha?" nakita kong umusbong ang galit ni Justin pero nagawa pa din niyang maging kalmado.

"Yes Sarah, I told you ikaw ang mag susuffer pag hindi ito napunta sa akin, pero pag napunta ito sa akin, mas malaki ang benifits neto sa company mo at sayo na rin dahil sa impormasyong hawak ko." Ngumiti siya na parang siya ang panalo sa laban. How can you fall for this man Sarah.

Agad kong pinacancel lahat ng activities at binook ang flight namin kinaumagahan agad para maasikaso ang problema agad. Madaming nakiusap sa akin na bakit daw agad agad ang uwi pero ipinaliwanag ko naman sa kanila iyon agad.

Sarah remember, ikaw dapat ang may hawak ng lahat. Siya ang humingi ng tulong sayo kaya dapat hindi siya ang masusunod.

Where it all BegansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon