Chapter 23

1 0 0
                                    


Chapter 23

Nang mabasa ko ang text ni Justin ay agad ko namang sinunod iyon. Kinaumagahan ay sinara ko ang mga kurtina at sinubukang hindi makikita ang loob ng bahay. Pagkatapos non ay pinuntahan ko ang bahay namin ni Justin at inaasahang makikita si Manang doon.

"Ay naku Ma'am hindi po dito nag tatrabaho si Manang cecil kila Justin po siya nakatira."

Hindi pa ako nakakapunta sa bahay nila Justin. Usually ay si Justin ang pumupunta sa bahay. Tinawagan ko si Lorraine kung sakaling alam niya.

"Oh my Sarah I'm glad you called! Anong nangyari sa inyo ni Justin? The Baby is it fine?"

"Uh Lorraine I would like to catch up with you but I need to know something."

"Oh sure what is it?"

"You know where do Justin live?"

SInend sa akin ni Lorraine ang address ni Justin at kasalukuyan akong papunta na doon. Iniwan ko na muna si Serene sa mga katulong ko.

Tumigil ako sa isang malaking bahay. Napanganga ako sa laki ng nakita ko. 5 storey ang bahay ang bumungad sa akin. Mas malaki ito kumpara sa bahay na binili ni Justin na bahay namin. Nag doorbell ako at may nag bukas na guard.

"Ma'am Sarah pasok po kayo." masiglang bati sa akin ng guard. First time ko dito at papaanong nakilala ako agad ng guard na to.

"Uh tanong ko lang po andito po ba si Manang Cecil?"

"Ah opo Ma'am dito po." kinailangan pa namin maglakad ng kaunti dahil sa laki ng bakuran nila.

Binuksan ni Manong guard ang pinto at nagpasalamat naman ako sakaniya at iniwan ako sa entrance. Napasinghap naman ako sa nakita ko. Sa gitna ay may painting ng isang babae. I think its their mother. Sa kanan ang staircase. Sa kaliwa naman ay hallway sa tabi ng hallway ay may daanan pa papunta sa kung saan.

Nag click ang takong ng sapatos na suot ko sa marble tile nila dito. Naglakad lakad ako ng kaunti dito at may narinig akong hakbang ng sapatos na patakbo papunta dito.

"Sarah!" masayang bati sa akin ni Manang. Yinakap naman niya ako at yinakap ko din siya. "Nako bakit ka pala nandito?"

"May hihingin po sana akong pabor sa inyo."

"What's the noise about?" napatalon ako sa gulat nang may magsalita sa likod namin. Napanganga ako nang makita ko si Zyrene.

"Oh hello Sarah, what brought you here?" shock pa din ako na nandito si Zyrene sa bahay nila Justin. "Are you looking for my husband?" napangiwi naman ako sa sinabi niya. Husband miya mukha niya.

"I'm not here for--"

"Zy?" napatingin naman ako sa hagdan at nakita ko ang bagong ligong si Justin at naka shorts lang siya at walang damit pangitaas.

Nakita ko sa mukha niya na nagulat din siya. "Oh Justin you're here! I was just asking if Sarah's looking for you." nilapitan niya si Justin at kumapit dito na parang linta.

"Actually I'm here for Manang Cecil."

"Oh for what? For a nanny? But you don't have a baby."

Nang gigigil na ako sa babaeng ito. "I owe her so I just want to treat her." hihilain ko na sana si Manang palabas nang mag salita siya.

Where it all BegansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon