Chapter 8

2 0 0
                                    



Chapter 8


Nakabalik na ang lahat mula sa bakasyon at balik ulit ang lahat sa trabaho. Sobrang laki ng naging adjustment dahil sa isang shareholder naming umalis–lumipat pala. Sigurado akong inilipat iyon ni Justin sa kumpanya nila para maging proud ang magulang niya para sakaniya para hindi na niya ako kailanganin. Malulugi ako at hindi ko iyon hahayaan, Dugo't pawis ang inilaan ko para dito tapos mapupunta lang sa hayop na iyon ang kumpanya ko?

Agad kong cinontact ang assistant ko na asikasuhin agad ang kasal namin na gaganapin sa loob ng tatlong araw. Maglabas man ako ng malaking pera dahil sa rush ang request ko, wala iyon kumpara sa makukuha sakin.Tinawagan ko si Justin na magkita kami sa office ko sa loob ng 10 minutes.

"What's the rush huh?" "Wedding is on three days, I want you to be ready, kung sino ang invited noong nakaraan ay invited din ngayon, I will make sure now that you will not ditch me this time." Nakita ko namang nanlaki ang mata ni Justin sa sinabi ko. "Wait what the fuck Sarah. Atat ka na bang makuha ang share ko o ang katotohanan mo." Nanatiling matigas ang mukha ko dahil kanina ko pa pinipigilan ang luha ko.

"Both. This is how desperate I am." Kumunot naman ang noo ni Justin at lumambot ang ekspresyon. "Okay, I'll be there I promise. Di lang naman ikaw ang mag bebenifit dito." Sabay alis niya.

Napasapo nalang ako ng ulo dahil sa mga ginagawa ko. Kung una palang sana hindi na ako pumayag edi sana wala akong problemang kinakaharap ngayon. Kayang kaya ko namang alamin yung alam na meron siya.

May kumatok agad sa pinto ng office ko at pinapasok. "Ma'am Sarah board of directors po." Shit. Hindi sila mag papatawag ng meeting ng ganito ka urgent kung walang problema.

Habang nag lalakad ako papasok ay nakatingin at nakakunot ang noo nila sa folders na hawak nila. "Make it fast dahil madami pa kong gagawin."

"Miss Sarah, ano ba itong nang yayari sa company natin? Your company is slowly falling down! Una sa west now we have this new report that east is also having a dilemma of bankruptcy! Fix this as soon as possible or else I will pull out all my stocks to your company!"

Galit na galit na sabi ng matandang panot sa harap ko. Galit na galit ako ngayon sa ginagawa ni Justin. I need to talk to his father.

Agad akong nag punta sa Lee's corporation para magreklamo. Dirediretso lang ang lakad ko hanggang sa hinarang ako ng secretary. "Miss Kang hindi po kayo pwede pumasok–" "Let her in" napatingin ako sa likod at nakita ko doon si Roland.

"Roland let me get this straight, your son is–"

 "I know what is my son is doing. And I am proud of him actually dahil kung hindi mo siya binigyan ng kahinaan he will never think of any move to let you down. This is business Sarah, though your mom is a friend of mine?" What? Kailan pa sila naging magkaibigan ng tatay ni Justin? 

"Oh you don't know yet? Of course you don't wala ka naman pake sa mga ginagawa ng mother mo during her time." Agad akong umalis sa office ni Roland para makahinga. Pag kalabas ko ng company nila ay nakahinga agad ako ng maluwag. Agad dumating ang driver ko para sunduin ako. Gusto ko nalang umuwi.

Weddings ang pinaka pinangangarap ng isang babae sa buong buhay niya. Ito ang panaginip na pwedeng magkatotoo sa totoong buhay ng isang tao. But for me, weddings are just nightmares. Ito ang araw kung saan alam kong talo ako. Sumugal ako dito kahit alam kong walang pag asang manalo ako. Pero isa lang ang nasisigurado ko, babawi ako.

Where it all BegansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon