Nakaalis na ko sa Ospital at balik na ulit sa dati ang buhay ko at sa susunod na araw na ang kasal ko. Well, kasal kasalan. Sa harap ng magulang ni Justin, isa kaming masayang couple na gusto ng magsama buong buhay pero ang totoo, nag gagamitan lang kami.
"Miss Sarah meeting in 3 minutes." Napahawak ako sa sentido ko. Pagod na pagod ako, hindi ko alam kung bakit. Tumayo na ko para pumunta sa conference room. Wala doon si Justin, kadalasan pag may meeting kami ay nandun siya. Hinayaan ko lang matapos ang meeting ng walang cinocomment o sinasabi na kung ano man. Nagtataka sila dahil kadalasan ay may cinocomment ako sakanila.
Bumalikna kami sa sari sarili naming pwesto at pinapatuloy ang pagtatrabaho. Inantay ko si Justin buong araw pero hindi siya nagpakita. Alam ko sa sarili kong nahulog na ko sakaniya. Kahit ilang linggo palang kami magkakilala ay nahulog na ko. Pero ayoko ipakita iyon sakaniya dahil si Justin ay hindi siya yung typical na lalakeng makikita mo sa lovestory. Siya yung taong, gagawin lahat para sa sarili niya. Ginamit niya yung past girlfriend niya for fame, at ako para sa company.
Siyempre para saakin masakit dahil sino ba namang babae ang gustong maikasal sa lalakeng gusto ka lang ikasal dahil sa pera. Yumuko nalang ako para ipikit ang mata ko para makapagpahinga.
Oras na ng uwian hindi nag pakita si Justin sakin. Ni anino wala. Ano naman kayang ginawa nung lalakeng iyon. Pag uwi ko sa bahay ay binuksan ko ang laptop ko at nag open ng mga emails. Yung iba puro pagpapakilala ng kanilang business na gustong maging partner ko. Napakawalang kwenta naman.
Hindi mo pala maipaliwanag ang pakiramdam ng kaba pag ikaw na ang naglalakad sa altar? Sari saring emosyon ang bumabalot sakin ngayon. Kahit alam kong hindi ito totoong kasal. Pagdating sa simbahan nagkakagulo ng lahat. What the hell is happening? I tried opening the door pero di nila ito hinahayaang buksan ko.
"What the heck? Open this door!" pagkasigaw ko, ay hinayaan naman nila akong lumabas. Galit na galit akong lumabas kahit na mainit at makati tong suot ko. "What is happening here?" natahimik naman silang lahat na parang nakakita ng multo. "Ano walang magsasalita?" "Hindi dumating si Justin Sarah." Sabi nung Avah. Tss that bastard. Sinayang lang niya yung effort kong pag bihis para dito. Ineexpect nilang iiyak ako pero hindi. Pumasok ako sa kotse at sinabing iuwi nalang ako. Nagkagulo nanaman silang lahat. Tinawagan ko si Justin. Nakailang tries ako at saw akas ay sinagot din niya. "Justin where the heck are you? Why did you ditch me huh? Ano nalang sasabihin nila?" "Who's this?" nagulat ako ng hindi si Justin and sumagot. "Well Im Sarah Kang, Justin's fiancé so kindly please bring him back to me. Hindi siya sumipot sa kasal namin. Ano nalang ang sasabihin ng parents niya samin?" hiningal ako matapos kong sabihin yon. "So what if he ditched you? Its not his fault if you're not enough for him." Sabay baba.
Nagdilim ang paningin ko sag alit dun sa babaeng 'yon. Teka nga bat ba ako nagagalit dun sa babae. Dapat kay Justin lang ako magalit dahil nasayang ang oras ko sakaniya! Ang init init pa netong damit! Makalipas ang ilang oras tumawag si Justin sakin. "Hello? Si Justin ka na ba kung hindi bye." "Hey wait wait wait! Its me!" nakahinga naman ako ng maluwag doon dahil lalo akong maiinis kung yung babae ulit ang sasagot. "Sorry Sarah it's urgent so I need to ditch our wedding. But don't worry I'll talk to my lawyer and we'll just do it in the court." Sabay baba niya.
Well, kitang kita naman na wala talagang pake si Justin sa akin. Mindset on, don't care for Justin. Never. Parang bigla nalang nagbago ang ihip ng hangin at nawalan na ko ng emotion kay Justin. Siguro nga natuturuan ang puso.
Pagdating ko sa bahay nandoon si Justin sa bahay. "What are you doing here? Akala ko ba urgent yung pinuntahan mo?" napatayo naman siya at tinignan ako mula ulo hanggang paa. Mukhang nakokonsensiya siya sa ginawa niyang pangiindian sakin.
"Sarah I'm sorry kung di ako sumipot. Saichi really needed me. She needs my help so I went there immediately." Tinignan ko lang siya na parang batang nag susumbong sa nanay pero alam ng nana yang totoo. "So?" nag bago naman ang ekspresyon ng mukha niya at kumunot ang noo. Napatawa siya sa sinabi ko. "What do you mean so? We had our agreement." Agreement nga pero siya mismo ang sumira doon. "Yes Justin. An agreement, pero wala naman akong magagawa kung ayaw mo or gusto mong ipareschedule 'yon dahil impormasyon lang ang kailangan ko hindi ka kasama doon."
Nakita ko sa mukha niyang nasaktan siya sa sinabi ko. "But Sarah, the company, my company." "Well, It's your problem Justin, ikaw ang may hawak ng lahat ng ito. Di ko na problema yan." Umakyat na ko sa kwarto ko at nagbihis. Wala akong ni isang sakit na naramdaman. Dahil narin siguro tinigilan ko na agad yung emosyon ko para kay Justin, dahil hangga't maaga pa ay pwede pang pigilan.
[Sorry for short update hindi ko na kasi alam ilalagay ko for chapter 5 but the rest chapters, mas mahaba na siya :D]
BINABASA MO ANG
Where it all Begans
Teen Fiction"I hate you, I hate everyone. Don't get near me." -Sarah "I will still love you no matter how much you push me away." -Justin