Chapter 6

6 0 0
                                    







Outing ng company ngayon kaya't kasama lahat ng empleyado sa private resort na pag mamay ari ko. Tuwang tuwa ang lahat dahil pwede nilang isama ang kanilang pamilya. Hindi ako madamot pagdating sa mga ganito. Isinama ni Justin ang kapatid niya total busy ang mommy at daddy niya sa work. Iyon ang sabi niya.

We're all in a private airplane at may ilan pang iniintay. Nakita kong sumakay si Justin na naka aviators at boarder shorts at polo. Ngumiti siya ng makitang walang tao sa tabi ko. "So nice of you. Pinagsave mo pa talaga ako ng seat." As if naman na isasave ko siya ng seat. "Hindi kita isinave ng seat. Sadyang wala lang umupo sa tabi ko." Nagkibit balikat lang siya at umupo na.

Hindi ko kasalanan kung ayaw nila tumabi sakin. Saka sino bang matinong tao ang makikitabi sa boss nila kesa sa pamilya nila.

Sa tingin ko ay matutulog ito. Kaya natulog na din ako. Dahil mukhang matatagalan kami dahil madami pa ang inaantay. Nagising ako ng may biglang bumagsak sa balikat ko. Nakita kong napasandal pala si Justin sakin. "Sorry" pagkasabi niyang 'yon ay nagsalita ang flight attendant na malapit na daw kami at mag prepare na. Nilabas niya ang phone niya at nanalamin doon. Inayos niya ang buhok niya at nagpagwapo doon. 

Tinignan ko naman siya na nanlalaki ang mata at kunot ang noo. What is he doing? Weirdo.

Nagsi-ingayan naman ang mga tao dahil sa excitement. Mayroong first time dito meron namang hindi dahil nga dito kami napunta lagi pag outing namin. Kung naulan naman, ay doon kami sa ibang place na hindi maulan.

"Didn't know you own one like this." Sabi ni Justin habang tinignan ang kabuoan ng resort. As usual may mga tips yung manager sakanila dito. Maski ako siyempre meron din. "Marami kayong activities na pwedeng itry dito for free so don't worry about the fees because this is my property so it's fine. One thing, at night malakas ang alon dito so wag na kayong sumubok mamangka or do any ocean related activities. So, enjoy your stay"

Naghiyawan naman sila at pumasok nang hotel para mamili ng kanikanilang kwarto. Ako naman ay may sariling stay in kaya doon ako pumunta. Sumunod lang si Justin sakin. "Wait why are you following me? Guests should be in that hotel?" di ako pinansin ni Justin at tumingin tingin lang sa paligid na akala mo walang narinig at feel na feel ang pagiging turista.

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa dumating na kami sa cottage ko. Agad namang sumalampak si Justin sa kama at dumapa lang doon ng matagal. Inayos ko na 'tong mga gamit ko para kukuha nalang ako at yung mga nagamit na, ay ilalagay ko na sa maleta ko. Tatlong araw lang kami dito sa resort at pagkatapos non ay balik na ulit kami sa trabaho. May 2 araw na pahinga dahil weekends para walang hang over.

"Wala ka bang balak ayusin yung gamit mo?" at mukhang nakatulog naman na si Justin dahil hindi na siya gumalaw. Kinuha ko yung phone at laptop ko at nagcheck na muna ng emails sa kama. Dumapa ako at saka nag laptop. Mukha namang walang bago kaya nag social media nalang ako. Nagulat ako nang ginawang unan ni Justin yung pwet ko at yinakap pa ito.

"what the heck Justin!" inalis ko pa yung kamay niya doon pero lalo pa niyang hinigpitan. "mhmm" nag murmur pa siya ng kung ano anong salita na hindi ko naman maintindihan. Napagod din ako kaya't hinayaan ko nalang sa ganoong sitwasyon.

Nakatulog din ako ng nakadapa kaya pag gising ko ay wala akong makitang araw. Gabi na pala. Humarap ako sa kabilang side at nanlaki ang mata ko ng makita ko si Justin na nakatingin sakin at parang aliw na aliw pa siya sakin sa pag tingin. "Hi" ang cute ng pagkakasabi niya non pero hindi ko pinahalata na natutuwa ako sakaniya.

"Andito ka lang simula kanina?" tumango tango siya at saka ulit ako tinignan. "Lalabas muna ako" tatayo sana ako kaso pinigilan niya ko kaya napadapa ulit ako sa kama. "Stay." Ano ako aso? Para utos utusan ako? Mabaho ba hininga netong si Justin kaya siya ganyan magsalita? "Night activities are good. I want to go." Tatayo sana ulit ako kaso pinigilan niya ko kaya napahiga nanaman ako.

"Late night activities are much exciting." Hindi ko pa nasusubukan yung mga pang late nights na activities dito dahil madalas nasa cottage lang ako at naglalaptop. "Stay here until 11 p.m." tinignan ko yung orasan. 8 palang ng gabi tatlong oras pa ang aantayin naming bago maging exciting ang gabi.

Tumayo ako at umupo ng indian sit sa kama saka sumandal nag isip ng pwedeng gawin sa loob ng tatlong oras. "Gusto mag chess?" napatingin naman siya sakin at ngumisi. "What?" "Really Sarah? Chess? Okay, I'll be the one who will think of we wil do while waiting. Come." Hinila niya ko palabas ng kwarto at nakita ko silang lahat ay nag kakasiyahan. Akala ko ba stay, pero bakit nasa labas na kami. Akala ko pupunta kami at makikisaya sakanila pero hindi kami doon nagpunta. "Later on they will all be tired at hindi na nila makikita ang ganda ng resort mo."

Umikot kami at nagpunta sa likod, may mga puno puno kaming nadaanan pero sa huli ay kweba ang sumalubong samin. "I didn't know that there's a cave in here." Ngumiti lang siya at hinila ako papasok. "I usually go here alone and watch the stars or the rock formations. Look" tumingin ako sa taas at namangha ako sa ganda. Sa gitna netong kweba ay nakikita mo ang sinag ng buwan at bituin sa langit. Dahil doon ay kumikinang ang mga bato sa gilid kaya kumikinang ito naparang disco ball.

"Ang ganda. Kailan mo to nadiscover?" tinignan ko siya at nakapikit lang siya at dinadamdam ang lamig ng hangin na pumapasok galing sa taas. Ang una kong nakita ay ang kaniyang jawline na daig pa ang babaeng nag contour sa sobrang pagka-emphasize neto. Ang ilong niyang minumura ang ilong ko sa sobrang tangos neto at ang kilay niyang makapal na every girls dream. At ang adams apple niya na halos lumuwa sa sobrang laki neto. Pagkadilat ng mata niya ay bumungad sakin ang kaniyang kulay abo na mata niya. Na lalo pang nagpaganda dahil malalim ang kaniyang mata. Napatingin siya sakin saka ngumiti.

"Well last year ko lang 'to natuklasan dahil wala akong magawa kaya naisipan kong mag libot. Then I found this cave." Binalik niya ulit yung tingin niya sa taas at ganoon din ako. Isinandal niya ang ulo niya sakin at saka naman ako tumayo, dahilan para siya ay matumba. "What the hell?" umalis na ko doon sa kweba at bumalik nalang ulit sa nagkakasiyahan na mga empleyado ko. Nag hi naman sila sakin nung dumaan ako ngiti lang ang isinukli ko sakanila.

Nagpunta ako sa bar malapit sa may puno ng niyog. Umorder ako ng lemonade dahil ayokong mag pakalasing ngayon. Sumunod naman sakin si Justin kaya ayun, magkatabi kami ng upuan. Umorder siya ng kung anong drink na mukhang alcohol dahil normal lang sa lalake ang uminom.

"Hindi mo ba nagustuhan yung kweba na pinakita ko sayo?" Ayoko sumagot dahil wala naman akong maisip na dahilan para di umalis doon. "Okay, you didn't like it. I knew it. You're more like a serious person."

Inisip ko, ano bang ginagawa ng lalakeng ito at pilit dikit ng dikit sakin. Dahil ba wala siyang malandi dito dahil puro empleyado ko lang ang nandito at walang ibang mga sexy na babae? "You know what its almost night time." Bigla niyang sabi. Tatlongputminuto palang ang lumilipas. Anong malapit doon? "Are you ready for it?" napatingin naman ako sakaniya at nagulat ako ng bigla niya kong hinalikan at namatay lahat ng ilaw.

Where it all BegansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon