Chapter 24

1 0 0
                                    





Chapter 24

"Thank you." matapos kong kunin ang coffee na inoder ko ay bumalik na ko sa office ko. Napatigil ako sa paglalakad papunta sa elevator nang makita ko sila Justin at Zyrene na angtatawanan. Agad akong lumiko kung saan nandoon ang hagdanan.

Damn. Mukhang mapapalakad ako neto ng wala sa oras. Inakyat ko na ang hagdan at saka tumigil sa 3rd floor para sumakay ng elevator dahil hindi ko kakayanin lakarin ang 17th floor.

Pag bukas ng elevator ay umakyat na ito. Pero nang dumating ito ng 5th floor ay bumukas ito. May mga pumasok na empleyadong kakakain lang. "Pero mas gusto ko yung dati. Mas bagay silang dalawa."

Hindi naman sa nakikitsismis ako pero dahil naririnig ko ang pinag uusapan nila. Lumabas sila ng elevator nang makarating ito ng 10th floor.

Nakaabang lang akong umakyat itong elevator. Nang makarating na ko sa floor 17 ay dumeretso na ko sa office ko at nagpatuloy na sa pag tatrabaho.

Inaantok na ako at hindi ko na masyado naiintindihan at napoprocess ang ginagawa ko. "Ma'am." kumatok ang secretarya ko saka ito pumasok.

"May nag papabigay po." sinenyasan ko siyang ilagay na muna iyon sa sofa. Inaantok na talaga ako at hindi pa tumatabla ang kape na ininom ko kanina.

Yumuko na muna ako para makatulog.

Nakaramdam ako ng paghaplos sa buhok ko. "Hmm" ang sarap lang sa feeling para tuloy akong lalo inaantok. Iniangat ko ang ulo ko at saka tinignan kung sino yon. "What are you doing here?" nginitian niya lang ako at inayos ang upo niya sa upuang hinila niya sa coffee table.

"I just want to see you." nakangiti pa niyang sabi sa akin. Inirapan ko lang siya at tinignan kung anong oras na.

Niligpit ko na ang mga gamit ko dahil alas singko na. Pinatay ko na ang computer at saka kinuha ang mga gamit ko pati ang binigay ng secretary ko. Pinatay ko ang mga ilaw at saka iniwan siya sa loob. Narinig ko naman ang pagsunod niya sa akin. May iilan pa akong nakitang nag tatrabaho nang papunta ako sa elevator.

"Why are you here? Where's Zyrene." Hindi niya ako sinagot at tinawanan lang ako. Pumasok kaming dalawa sa elevator. Tahimik lang kaming dalawa doon.

Nagulat ako nang bigla akong kinulong ni Justin. Sinandal niya ang dalawang kamay sa dingding ng elevator kaya napasandal ako. "What are you doing?"

Ngumiti naman siya at hinalikan ako. Nanigas naman ako sa kinatatayuan ko. Nag ding ang elevator, lumingon lang si Justin sa pinto nang bumukas iyon. Napatigil naman sa pagtatawanan ang mga empleyado at nahihiyang pumasok sa elevator. Bumalik naman si Justin sa tabi ko at nakangiting nakapamulsa.

Maski ako ay gulat sa ginawa ni Justin. Ramdam ko ang awkwardness sa elevator at nang makarating kami sa ground floor ay inunahan ko na silang lumabas ng elevator. Nang makalabas ako nang building ay doon lang ako nakahinga ng maayos.

"Where are you going?" napahawak naman ako sa dibdib ko nang bigla siyang lumitaw sa likod ko.

"I--" napatigil naman ako nang marealize ko na dapat pala sa parking ako bababa. Babalik sana ako sa loob nang higitin niya ako pabalik.

"Let me go." hihilain ko sana ang kamay ko pabalik pero ako ang hinila niya. Nagpatianod naman ako sa paghila niya sa akin. Sa di kalayuan ay nakita ko na ang mustang niya.

Where it all BegansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon