Chapter 14

2 0 0
                                    




Chapter 14


"What?" masayang tanong ulit sakin ni Justin. Umupo siya sa harap ko at yinakap ako. Hindi ko alam pero hindi ako natutuwa sa konklusyon na ginawa ko.

"I'm going to be a father!" masaya niyang sabi at kulang nalang ay tumalon siya. Pumunta siya sa kwarto at nag pa appoint na agad ng check up para sa akin. Pero nandoon lang ako at nakatulala.

Kinabukasan ay pinakain ako ni Justin ng mga gulay. Yes gulay. Ginawa akong kambing ng isang to. "My god Justin, hindi ako kambing or what para puro gulay ang kainin ko!" naiinis ako.

Ngumisi naman ang loko. "Fine. I understand." tinignan ko lang siya ng masama. "Mood swings." aba't sumagot pa nga.

Umuwi na muna kami ng pinas at nagpahinga daw muna dahil makakasama sa baby kahit hindi pa kumpirmado. 

"Justin hindi naman natin kailangan pang pumunta sa doctor talaga. A pregnancy test will do."

"Sarah, I just need it to be a hundred percent sure. Okay? We'll go tomorrow morning." hinalikan niya ako sa noo at pumunta sa banyo. 

Inayos ko naman ang mga gamit namin at saka humiga sa kama. Nakaramdam kaagad ako ng pagod. Kahit hindi pa ako nakakapag shower ay parang wala na kong energy para gawin iyon.


Kinaumagahan ay gulay nanaman ang ipinakain sa akin ni Justin. "Justin. Ang kulit mo naman eh." tinawanan lang niya ako at nag hubad sa harap ko.

Napatikhim naman ako at binaling ang tingin sa pagkain. Gulat akong lumapit siya sa akin. "Justin, wear your clothes."

"Why? Don't act like you haven't seen this." kita ko parin sa peripheral vision ko yung ano niya kahit na sa mukha ako nakatingin.

Nginisihan niya lang ako at dumeretso na siya sa closet para makapag bihis. "Come on Sarah eat fast and our doctor is waiting for us."

Umiling nalang ako at nagpatuloy sa pagkain.

Pagdating namin sa clinic ng doktorang tinawagan ni Justin para mag pacheck up kung kumpirmado ngang buntis ako, ay hindi na ako mapakali. Para akong nauubusan ng dugo.

"Wow Mr. Lee good to see you here. Akala ko pa naman ay ang huling pagkikita natin ay noong nag karoon ng celebration ang daddy mo. So what brings you here?"

"My wife wants to confirm if she really is pregnant." napalingon naman akong nakakunot ang noo sakaniya. 

Ngumiti naman ng nakakaloko yung doktora. Binigyan niya ako ng pregnancy test box at pinapasok sa cr. Binasa ko ang instructions at sinimulan na. Sabi na nga ba at eto lang din ang ibibigay sa akin.

Hindi ko alam kung gaano katagal akong nakaupo don pero nung kinatok ako ni Justin ay doon ko lang tinignan yung resulta.

Dahan dahan ako lumabas ng cr at si Justin agad ang bumungad sa akin. "So? Am I going to be a father?"

Lumunok naman ako at saka binigay sakaniya yung hawak ko. Nanlaki naman ang mata niya ng makitang dalawang linya ang bumungad sakaniya. Tumalon siya na ikinagulat ko at bigla niya akong yinakap.

"Congratulations Mr. And Mrs. Lee" nginitian ko lang silang dalawa.

Pagkagaling namin don sa clinic ay pumunta na agad kami sa mall para mamili na agad ng gamit para sa kay Jacob daw kung babae naman ay Jennie ang ipapangalan. Natuwa ako sa mga gamit na pangbaby doon kaya nagenjoy na din ako sa pamimili. 

Where it all BegansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon