Chapter 3
Agad akong nag ayos ng sarili ko dahil malalate na ako sa business meeting ko. Tinawagan ako ng secretary ko at sinabing andun na daw sila at magsstart na sila in 5 minutes. Napilitan na akong mag motor. Agad kong kinuha ang susi sa big bike ko na nahulog pa sa sahig.
Nagpadulas nalang ako sa staircase para mabilis. Pagdating ko doon ay hingal na hingal ako. Napatingin naman silang lahat sakin. Agad akong nag punta sa upuan para makapagsimula na sila. Binigyan ako ng folder ng secretary ko para may kopya ako sa report. Tinaas ko naman ang kamay ko para siya ay pahintuin.
"That's what you call a report? Huh? I rushed all the way from here to expect a good report coming from you. But then – Im not impressed."
Aangal pa siya ngunit may nagsalita sa isang gilid. "But I liked it. I already signed the papers." Napalingon ako sa nagsalita. Si Justin.
"How can you say so." mukhang hinahamon pa ako ng isang to
"Well for my criteria, he gave his best and the information is well prepared. Hindi ko hanap ang bonggang presentation, all I want is napakita niya lahat ng gusto kong malaman." Aba't talang kinakalaban ako ng lalakeng to.
"I wont sign this." Tumayo na ako at umalis sa conference room. Hinabol pa ko nung lalakeng nag pepresent.
"Miss Sarah pagbigyan niyo na po ako, bigyan niyo pa po ako ng isa pang pagkakataon. Gagawan ko po kayo ng magandang presentation." Hinawakan ko siya sa balikad.
"Alam mo, wala yan sa presentation, una, halata kang kinakabahan, saka halos makalimutan mo na yung sinasabi mo, ang gusto ko lang sabihin, be yourself when reporting, don't make yourself like a fool infront of the board, and lastly, be confident. Come see me at 7 p.m. for another presentation."
Nagpasalamat naman siya sakin na parang buhay na niya ang nakasalalay doon.
Nagutos ako sa secretary ko na mag order ng coffee sa RC Kettles. Makatapos ang ilang minute ay dumating na agad yung pinabili ko. Sarap na sarap ako sa paginom ko ng kape ng may narinig akong kalabog sa labas.Agad akong napatigil at tumingin sa labas."What was the noise about?" natatarantang tumingin sait yung secretary ko at si Justin.
"Ma'am sorry po, pinipilit po kasi ako ni sir Justin na papasukin siya eh wala naman po siyang appointment."
Napatungo naman siya. "Its okay let him in." Umirap ako at saka pumasok sa loob ng office ko.
"Anong kailangan mo?" umupo naman ako sa swivel chair ko at nagpatuloy sa pag tatrabaho. Ngunit wala akong sagot na nakuha. Kaya agad ko siyang tinignan. Tinitignan niya ako na parang aliw na aliw siya sakin habang hinihimas ang balbas niya.
"Let's get married." Para akong nabulunan sa sarili kong laway kaya ako napaubo. Napatawa naman si Justin na sinamaan ko ng tingin. Akal aba niya nakakatuwa siya?
"Okay, let me rephrase it, marry me." Aba't inulit pa talaga. "What the hell are you talking about huh?"
"Well, may kasunduan kami ng family, my sister, dad, and I. Kung sino ang unang magpakasal saming dalawa ni Avah, ay doon mapupunta ang kumpanya, and I want that company mine, only mine."
"So what do I have to do with this? Hindi ba't may girlfriend ka?" napakamot naman siya ng sentido niya.
"Well my family wants a business minded person, yun bang may experience."
"So ako ang napili mo? Kung papayag ako, ano naman ang makukuha ko?" napangiti naman siya ng malawak na parang timang.
"That, I have a good offer, I will put Ten Million in your account, plus, since na we're business partners, you will gain more than me."
What the heck? Mukha ba akong pera sa kaniya? "No deal. Hindi ko gusto ng pera." Agad naman nagiba yung expression niya na parang pinag sakluban ng langit at lupa.
"Wait – What? Sarah please, I need you for my company, uhmm.. A-anong gusto mo para mapapayag kita?"
tumayo ako at ngumiti ng malaki, naglakad naman ako palapit sakaniya at humawak sa binti niya. Napalunok naman siya at napatingin sa dalawang kamay kong nasa binti niya. Lumapit naman ako na para siyang hahalikan, isang dangkal nalang ang lapit naming dalawa at naramdaman ko ang paninigas niya.
Napangiti ako sa ginawa ko."Gusto kong kapalit ay ang lahat ng nalalaman mo tungkol sa nanay ko at bakit gusto mong mapalapit sakin." Nanlaki naman ang mata niya. Siguro nagtataka siya kung paano ko nalaman yung tungkol dun.
Halata namang may pinaplano siya sa akin dahil unang una, nakikita ko siya sa mga board members pero hindi ako pinapansin, pero simula ng namatay ang nanay ko ay inapproach na niya ako.
"S-sarah, I can explain." Sabay lunok niya. "Then let's get married." Lumayo ako at bumalik sa upuan ko para ipagpatuloy yung ginagawa ko kanina. Nandun lang siya na parang tuod dahil hindi makagalaw.
"O-okay then. I'll fix everything for you, all you need to do is wear the dress and walk to the altar and be sweet and say I do."
Alam kong mali 'tong ginawa ko dahil dapat ang kasal ay sagrado at hindi dapat basta basta dahil kung mahal mo ang isang tao sa tingin niyo ay kamatayan lang ang makakapghiwalay sa inyo ay dapat mo siyang pakasalan. Ngunit hindi ko alam kung bakit nawala ang paniniwala kong iyon.
Maski ang Diyos ay pakiramdam ko ay iniwan na din ako dahil sa mga problemang naranasan ko. Hindi ko alam kung nandiyan ba talaga siya para sakin. Napahinga nalang ako ng malalim saka tinignan si Justin na nakalimutan kong nandiyan pala siya.
"Ano pang ginagawa mo dito?"
tumingin siya sakin na parang naaawa na ewan. "I pity you Sarah." Tama ako. Kinakaawaan niya ko. Umalis na siya ng office ko at iniwan akong nakatulala. Why does he pity me?
BINABASA MO ANG
Where it all Begans
Teen Fiction"I hate you, I hate everyone. Don't get near me." -Sarah "I will still love you no matter how much you push me away." -Justin