Prolouge

100 9 0
                                    

Set You Free.

Ruling Me Freely (SIDE OF THE UNIVERSE #5)

Madalas kong tinatanong ang sarili ko. Artipisyal na talino lang ba ang mayroon ako? Isa akong tao, sa puso, sa dugo, sa katawan, sa ugat at buhay. Hindi ko kailan man naisip na sa ganito hahantong ang sarili ko dahil sa isang bagay na inilagay sa utak ko nang wala akong kaalam-alam.

"Dalhin mo ito kay Harrison," napatitig ako sa kanya. "Sabihin mo na nanggaling sa kakumpitensyang kumpanya nila."

"Maaari ba muna akong magpahinga, Madam?" Pinilit kong maging mahinahon sa salita.

Kita ko ang agad niyang reaksyon. Tila ba nagtitimpi dahil pangatlo ko na itong pagpapaalam at ni isang beses ay hindi niya ako pinayagan. Diretso siyang tumingin sa akin si Madam.

"Ibibigay mo lang iyan doon, walang mahirap na gawa. Ayaw niyang pinaghihintay." Napatikhom siya.

Wala akong nagawa kung hindi buhatin lahat ng papeles at umalis. Sa pagtingin ko dito ay nasa mahigit anim na daang kumpol, hindi ko akalaing makakaya ko ito hanggang sa ibaba.

Isa lamang normal na araw. Tahimik na kapaligiran, malinis na daan. "Magandang araw," bati ng isang babaeng robot sa likod ko.

"Hello po," bahagya akong kumaway na ikinagulat niya. "Magandang araw din."

Tanging pilit na ngiti na lamang ang isinagot niya. Ganoon ang palagi kong isinasagot sa kanila sa tuwing bumabati, sa ganitong paraan ko lang mapatutunayan na tao ako.

Ang mga artipisyal na nilalang o robot dito ay tinuturuan sa pormal na pagbati at pakikipag-usap, maging sa kaanak man o kaibigan. Nakatatak iyon sa katawan nila at sa utak na may kakayahang umintindi ng simpleng mensahe. Nakapagtataka nga lamang na walang diyamante sa kalye ngayon, siguro ay hiniram ng mga bata upang paglaruan. Nais ko sana ay magkaroon kami ng salapi o pera tulad ng nabasa ko sa isang libro, ganoon sila sa nakalipas na panahon.

Siguro ay mas mabilis lang ang transaksyon kung susumahin, dahil ang sa amin ay kailangan pang timbangin ang halaga.

Parang iyong mga naninirahan dito, tinitimbang ang lagay ng buhay kapag may sarili kang kumpanya, sasakyan at tatlong bahay. Iyong kasing taas ng tore noon. Samantalang ako dito ay nagpapagod araw-araw dahil inaasahan ako ng buong pamilya ko.

"Oh?" Takang tanong niya nang mailapag ko sa harap ang papeles. Sinimangutan ko siya.

"Ayan na, Harrison. Siguro naman ay wala ka nang iuutos, tama ba ako?"

"M--"

"Sige, mabuti naman." Agad na putol ko.

Maya-mayang nanlaki ang mata niya nang mapagtanto ang sinabi ko. "At sino ka para tawagin akong Harrison?!"

Kita mo nga naman, hindi na nga ako inalok na umupo man lang, may gana pang magreklamo. "Baka nakakalimutan mong hindi ako empleyado ng kumpanya niyo?"

"Kahit na," lusot niya. "Narito ka sa lupain ko, bitch." Bahagyang umangat ang isa niyang kilay.

"Ano?"

"Wala, sabi ko maganda ka."

"Ah," simpleng tumango ako. "Salamat."

Tila hindi pa siya makapaniwala sa naging tugon ko. Inungusan at inirapan pa ako. Tapat naman ako magsalita, bukal naman sa aking puso na magpasalamat kapag ako'y pinupuri.

"Kumusta si Madam mo?" Aniya habang pinaglalaruan ang pangsulat.

Napanguso ako. Paniguradong magsusumbong siya kapag sumobra ang naikwento ko at mayroong masamang nasabi.

Ruling Me Freely (Side of the Universe #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon