Napapadalas ang paggawa ko ng bulaklak dahil na rin sa kagustuhan ni Yves. Hindi ko inakala na tatanggapin niya ang mga iyon nang walang reklamo. Nakakuha ako ng pagkakataon na gawin ang iba't ibang disenyo lalo na nang makita ko na naka-display ang lahat ng iyon sa lamesa at mismong opisina niya.
Iba-iba naman ang laman ng sulat. Hindi naman palaging paghingi ng paumanhin dahil wala na naman akong nagagawa na ikinaiinis niya. Madalas na isinusulat ko ang tungkol sa trabaho niya, ichi-cheer ko siya sa tuwing maglalayag ang mga barko na kanyang ipinagawa at idinisenyo, o hindi kaya'y aking ic-congratulate sa success sa kanyang trabaho. Mas natutuwa ako kapag nakikita ko na napapangiti ko siya sa simpleng gawa niyon.
Ngayong araw ay nakatakda na naman na maglayag ang isang barkong nagngangalang Grande Salvation. Hindi ko alam kung anong mayroon sa pangalan na iyon ngunit, sa pagkakadinig ko sa sinabi ni Yves, inihalaw niya raw sa pangalan ko.
Isa sa katabi kong maghintay ay iyong Jillian na pinag-uusapan nila. Mukha naman siyang mabait ngunit, hindi ko kinakausap dahil nga... parang delikado siya para sa akin. Hindi ko alam... Hindi nga idinidikta ng aking isipan, nararamdaman ko naman.
"I don't get the point," aniya. "Bakit narito ka? Hindi ka naman nagt-trabaho dito. And one thing is for sure, isa sa rules ay walang ibang pwedeng dumalaw dito na artipisyal na tao kung hindi iyong mga tauhan lang sa barko."
Napatikhom ako bago iniwas ang tingin. Napakadami niyang sinasabi. Hindi ko nga siya kilala. At isa pa, wala akong pakialam.
Ngunit, bilang paggalang, maayos ako na tumugon. "Si Sir Yves kasi ang nagsabi."
"Sir Yves?" Pag-uulit niya. Maya-maya lang ay nakita ko siya na tumatawa. "Really, ha? Sir Yves? Bakit hindi ka pa namamatay?"
Pakakasalan ko pa daw siya e. O kung mamamatay man ako, isasama ko si Yves para masaya sa kabilang-buhay.
"You know what, robot, Jaid is a bit different." Ngumisi si Jill. "Baka kung ano-ano na naman ang iniisip mo d'yan. Personal Assistant ka lang niya."
Ayos pala itong babaeng ito. Nagagawa niya akong insultuhin kahit na hindi niya naman ako kilala? Ano kaya ang mararamdaman niya sa oras na malaman na kaya ko ding gawin iyon sa kanya ngunit, sadyang limitado ang salita ko at ayaw ko na sayangin?
Pinili kong mas maging tahimik. Hindi ko na pinakinggan ang sinasabi niya. Hindi ko alam kung nagmamalaki din ba siya dati dahil dati siyang Sekretarya ng amo ko, ngunit, ngayon ay may sarili nang kumpanya.
"You look disgusting. Hindi ko alam kung ano ang mararating mo," sambit muli ni Jillian. "Pero, as former a Secretary niya, at bilang paggalang na din sa 'yo na empleyado ni Jaidel, keep it up. May mararating ka naman siguro."
Magalang na siya sa lagay na iyan? Ayos lang naman sa akin kung pasimple niya akong iinsultuhin dahil kahit na naaapektuhan ako, hindi ko sasabihin. Ngunit, kapag sinabi niya na bilang paggalang ay magpapaalala ka at wala namang nagbago sa paraan ng pagkakasabi, siya na ang dapat na mainsulto sa sarili niya.
Inaamin ko, naaapektuhan ako sa mga bagay-bagay. Dahil pinag-aaralan ko pa lang na pakialaman ang sarili. Mas madalas kong iniisip ang kalagayan ng iba sa mga ginagawa ko kaysa sa sariling kabutihan. Kahit na nakasasama iyon sa akin ay ipinagpapatuloy ko upang makatulong. Wala e, ako pa rin ang talo sa huli. Ako pa rin ang naiinsulto at natatapakan.
Sabi nga ni Sir, kahit anong mangyari, walang ibang magpapahalaga sa akin kung hindi ang sarili ko lang... at... siya din daw.
Desisyon siya sa lahat ng bagay. Gusto niya daw na manligaw pero, tinatamad din siya. Sa pagiging nobyo ko lang naman daw siya mapupunta kaya kami na kaagad. Hindi ko naman magawang pumalag dahil hindi ako makapagsalita ng maayos kapag iyon ang pinag-uusapan naming dalawa.
BINABASA MO ANG
Ruling Me Freely (Side of the Universe #5)
Fiksi IlmiahHaving a wireless chip on her brain makes Sierra suffer from different problems. She is one of those AXC person, or a person living with an artificial intelligence in high-valued XML programming on a wireless chip. Sierra is considered to be the mos...