Chapter 16 : Rest

21 7 0
                                    

"Ano ka ba?! Hayaan mo 'yun si Kuya Jaid, parang tanga. Ngayon nga lang ulit kita nakasama."

Halos madapa ako sa pagkakahila sa akin ni Nicolette. Kanina pa kami takbo ng takbo ngunit, hindi naman namin alam pareho ang balak na patunguhan.

"Wala ka talagang galang sa akin," napanguso ako lalo nang magbiro. "Mas matanda ako sa iyo ng limang taon. Hindi hamak na mas kagalang-galang ak-- aray..." Natalisod pa ako sa bato.

"Kaya tinatawag kang Lola e." Humagalpak siya ng tawa. "Opo, Ate. Masusunod."

Nakapagtataka. Ang kadalasang nakikita ko ay nawawala ang mata kapag tumatawa. Ang sa kaibigan ko naman ay lalong bumibilog.

"Alam ko na!" Itinaas niya ang hintuturo na animo'y may naisip na magandang ideya. "Magpunta tayo sa museum. Hihi. Maganda d'un."

"Ang gusto kong museum ay iyong may Colosseum sana..." Natawa ako nang umangal siya.

"Maganda kapag kasama mo doon ang nobyo mo," dagdag ni Nicolette. "Ang romantic tingnan. Kaysa naman sa Paris na tinagurian nila dati na The City of Love, ngayon ay replika na lang."

Walang entrance fee dito sa Grenoveilla's Museum. Nag-iisa ang puno ng Acacia na narito. Ipriniserba na nila.

Sinasabi na ang lugar na ito ay dating probinsya. Ang layo na ng narating namin! Kaya't hindi na nakapagtataka na nakawala kami sa distrito.

"Good morning!" Gilalas niya sa nagbabantay. "Wala namang virus dito, hindi ba? Hihi. Nag-iingat ang kaibigan ko. Panis. Goals kami, parehas kaming may chip sa utak."

Napapikit ako sa kadaldalan niya. May balak pa yata siyang i-kwento ang buong buhay ko dito. At isama lahat ng paghihirap ko sa mundo.

"Ay, haha. Me'ron nga?" Pag-uulit niya nang hindi sumagot ang lalaki.

"Wala." Natigilan na lang kami pareho.

Mga artipisyal na tao pala ang nagbabantay dito. Sa panahon ngayon ay mas madalas na silang magtiwala sa peke kaysa sa katotohanan.

Hindi ko maiwasang tanungin ang sarili ko. Ganito din ba ang mga tao sa nakaraan? Mas may tiwala nga ba sila sa isang tao na... peke?

"Hi." Kumaway si Nicolette sa mga taong nakasasalubong namin.

"Kilala mo ba sila?"

"Hindi."

"Bakit mo kinakawayan?"

"Gusto ko lang silang batiin."

Sobrang pala-kaibigan niya. Ngunit, sadyang nakakahiya ang ginagawa.

"Ang ganda ng puno..." Puri niya maya-maya pa.

Berdeng-berde ang dahon, napakaganda. Masagana ang punong ito.

"Taong 2018 ay ganito na ang itsura ng Acacia na ito?" Takang tanong ni Nicolette habang binabasa ang nakasulat sa ibabang bahagi. "Iyon ang taon na binalikan ni Khyler. Ang galing!"

Sinilip ko din ng bahagya ang nakasulat upang basahin. Awtomatikong nag-translate iyon sa lenggwahe namin kahit na nakakaintindi naman ako ng Ingles.

'Ang puno ng Acacia na nagmula sa dating probinsya ng Elara o Rasalas kung tawagin ng iba. Nagmula ang ngalan ng kanilang probinsya sa Prinsesa ng isang palasyo na namatay sa hindi tukoy na sakit, kinalaunan ay napag-alaman nila na bukod sa ipinarating ng palasyong pinamumunuan ng kanyang mga magulang na nakahahawa ang sakit nito, (na walang katotohanan at lubos lamang na pinaniwalaan) kanila rin itong ginigipit at tila hinayaan na lang na maghirap sa kumakalat na sugat sa kanyang katawan. Pinaniniwalaang siya'y namatay sa tuluyang pagdaloy niyon.

Ruling Me Freely (Side of the Universe #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon