Chapter 35 : Unknown

14 7 0
                                    

Nakakabagot pala kapag umaalis ang mga kasama ko sa ospital. Hindi na napahintulutang magtagal ang kapatid ko, dahil nga bata pa. Maaari silang mahawa ng sakit sa iba lalo na't kulob itong lugar, saradong-sarado ang paglabas-pasok ng hangin. Delikado para sa mga batang iyon.

Hindi ko pa nakikita muli ang sinasabi nilang mga magulang ko ngunit, malakas ang pakiramdam ko tungkol sa kanila... Kung sa pagpapakilala pa lang ng mga kapatid ko ay unti-unti ko na silang nakikilala, paano pa kaya kapag nagkita na kami? Sana'y kapag maaari na akong i-discharge ay makilala ko na sila agad-agad. Mukhang masyado kasi silang abala kaya't hindi magawang dumalaw ngayon, naiintindihan ko naman iyon.

"Maganda ang ipinapakita niyang resulta," ani Doc. sa harap ng mga kasama ko. "Kakaiba nga. Unti-unti niya nang nakikilala ang ibang pamilyar na bagay sa kanya, hindi siya naiilang."

"Tama ka, Doc. Akala ko nga ay makakalimutan niya ang pangalan niya pakagising pero, hindi naman. Kilala niya ang sarili niya." Patukoy sa akin ni Harrison.

Napahilot ako sa sentido ko. Nawala ako sa sarili sandali noong mga panahong gumising ako, sobrang sakit din ng parteng ito ng ulo kong tinahian. Ang payo din ng doktor ay bumalik ako dito sa oras na mamanhid pakalabas ko, doon niya daw unti-unting tatanggalin ang tahi at maayos na il-laser na lang. Hindi ko alam kung mas lalo ko pang mararamdaman ang sakit niyon.

Ang una kong naisip pakagising ko ay kung nasaan ako. Dahil ang huli ko ring naalala ay ang pagpasok ko dito ng kwarto... ang iyong lalaki sa labas. Kasunod niyon ay ang sarili kong pangalan at ugali.

"Napakatalino niyang babae. Ang lahat ng na-operahan ko nang pasyente ay ilang buwan ang tumagal bago nila unti-unting maalala ang kakarampot na detalye sa kanila." Paliwanag pa ng doktor. "Ito ay nagawa niya, wala pang isang araw ang nakalilipas."

"Maraming salamat, Doc. Ngunit... Ano po ba ang pwede naming gawin para masiguro namin na maayos siya?" Kunsulta ni Luigi.

Pakainin niyo ako...

"Sa ngayon, ang tanging paraan lang na maaari niyong gawin ay ang kausapin siya ukol sa iba't ibang bagay pero, h'wag niyong kukulitin kung hindi niya maalala. Kung gusto ninyo na siyang iuwi muna, maaari na naman..." Ngumiti siya sa kasama ko.

"E 'di, tara! Umuwi na tayo." Gilalas ni Harrison.

Matagal ko na rin gustong umalis dito ngunit, hindi ko man lang masabi. Baka isipin nila na nagyayaya ako at dumadagdag lang sa... problema.

Sandaling nagpaalam ang doktor para kumuha ng verification pass namin sa paglabas. Mabilis din siyang nakabalik para ibigay iyon sa amin ng mga kasama ko. Habang pinakikinggan ang ilan pang payo ng doktor, ginayak ko ang lahat ng kagamitan na nakita. Pinigilan nga lang ako ni Harrison nang aktong ilalagay ko sa bag ang vase sa lamesa.

"Gagi, h'wag iyan," tumawa siya.

"Hindi ba ito sa atin?" Kadikit kasi ng mga gamit ko...

"Sa kanila iyan." Sabay simangot.

"Pasensya na..." Napilitan din akong ibalik iyon sa kinalalagyan kanina.

Akala ko kasi ay kasama ito... Kahit ang nakita kong walang laman na syringe sa tabi ko ay inilagay ko rin sa loob ng nakitang bag. Wala... ang ganda kasi n'ung vase.

"Kaya mong maglakad?" Hinawakan ni Luigi ang kamay ko.

Napapaisip pa rin ako oras-oras kung... nobyo ko nga ba talaga siya?

Dire-diretso naman ako na nakatayo. Kung umasta silang dalawa ay animo'y mapapaluhod na lang ako bigla ulit dito. Para namang hindi ko pinagbuksan ng pinto ang mga kapatid ko kahapon.

Ruling Me Freely (Side of the Universe #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon