Chapter 40 : Freely

27 7 0
                                        

Mula dito, kitang-kita ko ang babae na nagwawalis ng bakuran. Malimit ako na kinawayan ni Sierra at nginitian.

Paulit-ulit kong tinatanong ang sarili ko. Habang hindi siya nakaaalala dahil sa operasyon, ano nga ba ang iniisip niya tungkol sa akin? Do I look like a creepy guy for her?

Hindi ko maiwasan na mapangiti pabalik sa kanya. At layuan siya para makapagpahinga. Tila ba hindi ako masaya sa lagay niya, ayaw ko na makampante. Sobra-sobra ang pag-aalala ko sa kanya... Nag-oobserba pa rin siya sa galaw ng paligid. Kakaiba para kay Sierra. Minsan ay lumalapit siya sa akin para tanungin kung ayos lang ako. Ang palagi kong sagot ay hindi. Gusto ko nang humingi ng tawad muli, at linawin na masyado akong kinokontrol ng nakapaligid sa akin kaya iyon nangyari. Ako naman itong hinayaan sila na sakupin ang buong pagkatao ko.

Dire-diretso ang pagpasok ni Khyler sa opisina ko. Natagpuan ko ang sarili na napabaligwas sa pagkakasapak niya.

"Putangina mo, Jaid. Anong ginagawa mo sa buhay mo?!" Sigaw niya.

Napayuko ako upang pigilan ang sarili. Kasalanan ko rin naman ito, may karapatan siyang saktan ako bilang kaibigan...

"Nakabuntis ka ng ibang babae habang may nobya ka?! Tangina," napahilot siya sa noo.

Sa tingin niya ba ay ginusto ko na mangyari iyon? Habang wala akong kamalay-malay sa sarili kong katawan?

"Ayusin mo ito... Kapag may nangyaring masama lalo kay Sierra dahil sa pinaggagagawa mo, hindi mo malalaman kung ano ang kalalagyan mo sa akin." Banta niya.

Hindi ko rin alam ang ginagawa ko... Halos wala na akong kontrol sa dating mga bagay na nasa kamay ko. Nawala na ako ng buhay...

Sa ilang linggo nang pagbubuntis ni Jillian, wala akong ibang ginagawa kung hindi at bantayan siya. Ang anak. At ang ipagdasal na lang si Sierra.

Maingat ako na lumakad patungo sa loob ng nag-iisang simbahan sa distritong ito. Hindi ko siya makakausap... Kaya idadaan ko na lang sa pagdarasal.

Tumulo ang sunod-sunod na luha sa mata ko habang nakaluhod sa harap ng altar.

"Hello... Gusto mo bang mag-almusal sa loob muna? Pwede naman kitang ipagpaalam kina Nanay..." Napatitig ako sa seryosong mukha niya.

"Hindi na, Sierra." Mamaya na lang. "Salamat." Hindi ako nakararamdam ng gutom. "May gusto lang akong itanong..."

"Ah. Ganoon ba, Yves?" Tanong muli ni Sierra.

"Sabihin mo lang kung... hindi ka kumportable na narito ako t'wing umaga o hapon. Kapag tinitingnan kita..." Napalunok ako. "Wala akong masamang balak sa iyo..."

Pinunasan ko ng bahagya ang kanyang mukha dahil sa pawis na tumutulo.

"Just rest your body, Jillian." Sabi ng doktor. "Take your vitamins and other supplements."

"Hindi ba ito makakasama sa bata, Doc?"

Tumingala ako sa ilaw mula sa kisame. Payapang naghintay sa labas.

"Hindi naman. Regular lang naman ang vitamins mo at hindi iyon makakaapekto sa panahon ngayon." Paliwanag ng Doctor.

"Thank you po..."

I spoiled her with a lots of stuffs. Madalas akong tumabi sa kanya upang masiguro na ligtas ang anak at kung may kailangan man na ipakuha, nakaamba ako agad.

Napataas ang kilay ko sa sunod na sinabi ng doktor niya.

"That's it. And, uh... Thank you for following my instructions. Ipagpatuloy mo lang dahil 3 months na iyang sa 'yo, sa susunod ay makikita mo lalo ang pagbabago sa katawan mo."

Ruling Me Freely (Side of the Universe #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon