"Kapag hindi sila magsasara, maaaring maapektuhan ang iba pang katabing negosyo nila."
Si Sir Yves ay pinapangaralan ang kaibigan. Parehas silang nakaupo sa tapat ng mesa ng CEO, nakaharap sa isa't isa.
Si Khyler ay simpleng nakasandal sa upuan habang nakasalikop ang mga kamay, nakapatong sa kanyang hita. Hindi maipinta ang mukha na animo'y nagtitimpi lang sa isang bagay.
Habang ang amo ko ay nakangisi sa hindi malamang dahilan. Naiinis din siya. Patuloy na pinaglalaruan ang panulat sa kamay na nakatukod sa lamesa.
"Tangina nila," tugon ni Khyler.
Natigilan kaming dalawa ni Sir Yves. At agad na nagtama ang paningin. Simple siyang sumenyas na huwag akong maingay.
Galit ba siya? Kung hindi, ayaw kong makampante. Kinikilabutan ako sa salita niya.
Nagulat ako nang dire-diretsong tumayo siya. Kaagad na naalarma ako sa muling pagsenyas ng amo ko.
Ihinarang ko ang sarili sa pinto noong makita siya na aktong lalakad papalabas. Ang dalawang braso ko ay ginawa kong barikada, baka-sakali na mapigilan ko. Ang masamang tingin kanina ay biglang umamo. Dumiretso lang siyang lakad patungo sa akin. Maya-mayang ngumiti.
"Huwag kang aalis..." Bulong ko.
Mapakikiusapan ko pa siya. Baka magpasara na lang siya bigla ng kumpanya! Imbes na tumigil ay mukhang mas naging determinado siya na umalis.
Maingat niya lang na hinawakan ang bewang ko bago lumagpas ng lakad. Napabuntong-hininga si Sir Yves.
"Hindi maganda 'to," aniya.
Naestatwa ako sa kinatatayuan. Parang bata kong nilingon si Khyler ngunit, laking-gulat ko nang wala na siya.
Mas lalo pa akong nataranta noong buhatin ako ni Sir Yves, binago niya ang pwesto ko. Pinatabi sa gilid kahit na nakaamba pa rin ang mga kamay.
Kailangan ni Sir ng katulong sa pagpigil sa kanya. Maaaring maapektuhan ang lahat kapag nangyari iyon!
"Hello, Harrison?" Ani Sir Yves sa linya.
"Ba't?"
"Si Khyler..."
"Hm."
"Pupuntahan niya iyong kakumpitensya ninyo. May balak siyang ipasara." Nag-aalalang saad niya.
"Ano?!" Malakas na sigaw ni Harrison.
Nagpatuloy ako sa pagsunod. Kahit na malapit na akong tumakbo dito sa laki ng hakbang ng amo ko ay hindi ako tumitigil.
"Gago, pigilan mo!" Muling aniya. "Nababaliw na ba siya? Hindi pwede!"
Unang ibinaba ni Sir ang kanyang linya. Pansin ko ang pagkabalisa niya. Hindi ko naman na napigilang magtanong noong makalabas kami.
"Kakumpitensyang kumpanya?" Paglilinaw ko. "Hindi ba't dapat ay matuwa kayo dahil ipasasara niya iyon?"
Mapait siyang ngumiti bago lumiko sa isang kanto. "Kapag tuluyang napaisara iyon ng mga awtoridad, mawawalan ng trabaho ang ibang kumpanya dahil... sa sobrang takot."
Anong ibig niyang sabihin? Matatakot kay Khyler iyong iba kaya mapipilitan na magsara na din? Hindi ko siya maintindihan.
Naabutan pa rin namin siya! Malaki ang pasasalamat ko kahit unti-unti nang nawawalan ng pag-asa.
Alam ko na wala ako sa lugar para pigilan siya. Pero, ang mga inosenteng trabahador at empleyado na katulad ko ay maaaring mawalan ng trabaho. Susubukan kong pigilan siya sa abot nang makakaya.
BINABASA MO ANG
Ruling Me Freely (Side of the Universe #5)
Ciencia FicciónHaving a wireless chip on her brain makes Sierra suffer from different problems. She is one of those AXC person, or a person living with an artificial intelligence in high-valued XML programming on a wireless chip. Sierra is considered to be the mos...