Chapter 23 : Flower

17 7 0
                                    

"Ate Salvacion, Ate Salvacion!"

Pinigilan ko ang sarili na maglabas ng sama ng loob sa batang ito. Dire-diretso sa paggilalas si Terrence habang tumatakbo palapit.

"Ate. Hehe."

"Anong kailangan mo?"

"Wala naman. May ginagawa ka ba?"

"Mayroon."

"Ah. Gusto ko lang sanang sabihin na ang ganda n'ung pangalan mo," tumingala siya sa misameng butas at nagmwestra sa kamay. "Salvacion..."

"Manahimik ka na, Terrence. Marami akong ginagawa," saway ko. "Bumalik ka na doon kay Desiree."

"Sasapakin ako n'un." Aniya.

Kung hindi mapipigilan itong batang ito, pwede naman siguro siyang tumulong. Kailangan niya ng lakas kaya't magandang magpabalik-balik ng kinalalagyan. At isa pa, gusto kong malaman kung ano ang pakiramdam ng mga ano ko sa tuwing nag-uutos sila sa akin.

Nagtagumpay ako sa balak ko. Para akong bata na napapangiti sa tuwing inaabot niya sa akin ang lahat ng inuutos ko na nagmumula pa sa isang opisina.

"Parehas kayo ni Ate Mildred ko, ang kaso..." Ngumuso si Terrence. "Mas masungit siya kaysa sa iyo. At sinisinghalan niya ako kapag naglalaro, hindi na daw ako bata."

"Hindi naman kita masisinghalan kung minsa'y isip bata ka kung kumilos," pangaral ko bago magkibit-balikat. "Minsan... parehas tayo."

Ako ang pinagagalitan ni Sir Yves. Si Madam Silva naman ay naging abala na sa ibang bagay sa ibang bansa ngunit, noon ay nasanay na talaga siya sa kilos at pag-iisip ko. Si Sir Louis naman ay mabait at madalas na sumabay sa pagiging isip-bata ko.

Iyong gago kong amo, palagi na lang naiinis sa akin. Pati ang galit niya sa ibang kumpanya ay madalas na maibaling kapag kasama ako. Pero, kapag naman siya ang parang bata na tinatawag ako, hindi ko naman napapagalitan. Hindi patas ang mundo! Masyadong mapili. Napakaarte pa ni Yves.

Masipag pala itong bata. Hindi siya nagrereklamo. Unti-unti akong binabagabag ng konsensiya dahil baka napapagod na siya ngunit, hindi lang sinasabi.

"Gusto mong kumain sa labas, Terrence?" Gulat siya na napatingin sa akin.

"Wala na po ba kayong iuutos?"

Napanganga ako. Kakaiba sa pakiramdam na ganito pala ang itsura nang may mauutusan ka.

"Tapos ko na ito. Si Sir Yves na ang bahala sa lahat, ipinaayos niya lang naman," ngumiti ako. "Halika na... Mukhang gutom ka na."

"Hindi naman ako gutom pero, gusto ko pa rin kumain," napakamot siya ng ulo.

Ginulo ko ang maayos niyang buhok. Wala kasi akong batang lalaki na kapatid na nababatukan, ang mga kapatid ko naman ay napakaaayos sa katawan. Ayaw nila na ginugulo ang buhok dahil iiyak.

Inakbayan ko si Terrence at sinabayan ng lakad. Nasa tapat pa lang kami ng pinto ay kusa nang bumukas iyon.

Hindi pa man nailalantad ang tao, napataas na ng dalawang kamay ang batang kasama ko. Awtomatiko na naitikhom niya ang bibig at bumait na lang bigla ang presensya.

"Babalik na ako, Jaid... Babalik na ako..." Sunod-sunod na sabi niya.

Sa isang iglap, wala na siya sa paningin ko. Sinundan siya ng masamang tingin ni Sir.

"Bakit narito iyon?" Napanguso ako.

Sinusumpong na naman siya ng sakit.

"Tumulong lang siya sa akin. Nautusan ko naman--"

Ruling Me Freely (Side of the Universe #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon