Chapter 18 : Conscience

15 7 0
                                    

"Mr. Yves Heale!"

Gilalas at pagkataranta ng mga tao ang bumungad sa amin sa opisina. Hindi pamilyar na mukha at pangalan ang nahahagip ng mata ko.

"Good afternoon," pormal niya na isinenyas ang kamay para sa katahimikan. "Welcome to YJHEAL, I hope that you're having a great day."

"Oh. And, yeah." Bumaling si Sir sa akin. "This is Sierra, my Personal Assistant and Secretary."

"Good afternoon, everyone." Bati ko.

Ang hirap na makipagplastikan, bwisit. Bakit ba niya pa ako isinama dito? Wala naman akong alam sa pag-uusapan nila.

"Good afternoon, Mr. Heale." Kinamayan siya ng isang matandang bisita, taga-England pa.

Naiilang siya na tinanggap iyon at umirap nang malipat sa akin ang paningin ng lalaki. "Good afternoon, Sierra. You're so beautiful."

Aktong tatanggapin ko ang kanyang kamay nang bigla na lamang iyon na malipat sa aking balikat. Napapahiya ako na ngumiti sa kanya nang haplusin niya ang katawan ko.

"Alam mo, bukod sa gurang ka na, gago ka pa e." Nanlaki ang mga mata ko nang inis na magsalita si Sir.

"Ah. Sir Jaidel, what did you say?" Imbes na magalit ay nginingitian lang siya ng lalaki, hawak pa rin ang braso ko.

Nagkatinginan kami ng mga kasamahan ko sa likod na bahagi. Katulad ko ay hindi rin nila inaasahan ang sinabi ni Sir Yves.

"As I've said, you're handsome..." Ngumisi siya.

"Oh, thank you." Lumingon muli sa akin ang lalaki. "She's so beautiful, can I have her for a minute?"

Nagtitimpi na hinawakan ni Sir ang kamay ko. Unti-unti niyang tinanggal ang kamay ng lalaki sa balikat ko at muling nagpasaring.

"Triple strike, ang puta." Umiwas si Sir ng tingin. "Bukod pala sa gago, putangina ka rin."

Doon na nagtaka ang karamihan sa kasama niya, pati ang lalaki. Ang ibang bisita ay namangha lang sa lutong ng pagkakasabi niya. Habang kami naman dito ay inaatake na ng kaba.

"Sir..."

"Palayasin niyo na nga muna ito." Utos niya sa ilan. "Tangina, ang bastos e."

Napahilot siya sa sentido. Inalalayan ng mga kasamahan ko ang mga bisita na ngumiti lang dahil walang naiintindihan. Ang matandang lalaki na humawak sa akin ay may gana pa na ngumiti.

"Hindi niyo naman po sila siguro papatayin, ano?" Bulong ko nang makaalis sila.

"Huwag mo akong pigilan sa oras na gagawin ko," aniya bago lumakad palayo.

Pasalamat siya dahil hindi marunong umintindi ng wika namin ang bisita na iyon! Minura niya pa ng sunod-sunod.

Nakakabastos talaga iyong paraan ng pagsasalita niya. Pati iyong walang pakundangan niyang paghawak sa balikat ko at paghaplos, tila ba malapit kami sa isa't isa o matagal nang magkakilala. Pero, baka naman mawala ang lahat ng pinaghirapan niya dahil lang sa akin. Maaari pa na manganib ang buhay niya.

"Sir... Mali po ang ginawa niyo kanina. Minura ninyo siya nang walang kamalay-malay," mahinang saway ko.

Alam ko na wala akong karapatan. Gayoon pa man ay nais ko siyang pagsabihan kahit sandali.

"Nabastos ka ba?"

"Po?" Tumaas ang kilay niya. "O-opo... Sir."

"Mas matindi pa ang kaya kong gawin sa kanya, nagpigil lang ako dahil ayaw kong mag-eskandalo." Tugon ni Sir Yves.

Ruling Me Freely (Side of the Universe #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon