Chapter 22 : Ship

13 7 0
                                    

"Gusto mong sumama sa daungan?"

Ngumisi si Sir Yves habang inaabot ang blueprint para sa mga barko.

"Nais kong sumama ngunit, kailangan ba ako doon?" Mahinang tanong ko.

Matagal na panahon na simula noong maghangad ako na makita ang barkong ginagawa palagi nila Sir Yves. Pero, sa araw na ito ay mayroong pa akong natitirang trabaho para kay Madam. Pati si Harrison ay ume-epal, utos ng utos kahit hindi ko naman amo. Madalas siyang nakatambay sa opisina namin o hindi kaya'y sa rooftop ng kumpanya.

"Sumama ka. Pahihintulutan kita na iudlot ang lahat ng natitirang trabaho mo dito," aniya bago ayusin ang mga gamit. Noong hindi ako sumagot ay bumalik sa akin ang kanyang tingin. "Sumama ka sa akin."

Wala akong nagawa. Pinili kong tumahimik. Sa kagustuhan ko na maibasan ang lubos na pagtataka tungkol sa tunay na trabaho niya ay pumayag ako.

"Magpaalam ka d'un sa Valentine mo," mapait na ani Sir. "Paalam lang, ha? Baka kung ano-ano pang gawin mo doon."

Inirapan niya ako matapos na pagsabihan. Pinilit ko siya na sumama sa akin, kinulit-kulit ko ng kaunti hanggang sa tuluyang pumayag gamit ang isang kondisyon. Sa labas lang daw siya maghihintay dahil baka sunugin niya ang buong opisina ni Sir Louis oras na makita ang pagmumukha niya.

Hindi pa rin nagbabago ang atmospera sa loob ng opisina, kahit na may nagbago sa amo ko. Ang Nanay at Tatay niya ay sinasabing namatay sa aksidente, noong tanungin ko siya ay kinumpirma niya. Marami ang nagsasabi na isa si Clifford Imperial sa may kagagawan noon, isa sa pinakamayaman at itinuturing na pinakamakapangyarihan na tao dito sa lugar namin.

Iyon ang hindi nalinaw ni Sir. Ayaw niya daw na manisi agad. Ngunit, nakikita ko na may kutob din siya doon. Alam ko na isa rin siya sa sinisisi iyong Clifford, mas pinipili lang na manahimik dahil hindi niya kakayanin na lumaban sa kung sino.

"Good morning, Sir..."

"Pasok, Sierra." Kaagad ko na isinarado ang pinto.

"Sir Louis, baka pwede po na hindi muna ako pumasok ngayon," diretsong pagpapaalam ko.

"Bakit?"

"Si Mr. Heale po kasi..."

Tanging sunod-sunod na tango at pagngiti lang ang itinugon niya. Ang sumunod na pag-uusap namin, naging pribado na. Umabot sa punto na kapag may kumakatok, tumatahimik kami at hinahayaan na lang na mawala iyon para makapag-usap muli ng maayos.

Gusot ang mukha ni Yves nang aking madatnan sa labas ng mismong opisina. Lumingon ako sa pinanggalingan habang lumalakad. Nais kong bumalik ngunit, wala na akong pagkakataon. Napakasama ng tingin niya!

"Ah!" Pinitik niya ang noo ko.

"Sabi ko, magpaalam ka lang. Pagkatapos ay umalis ka na kaagad," Mahinahong pangaral niya. "Bakit nakipag-usap ka pa?"

"Napasarap lang ang usapan namin," nasanay na kami sa ganoong paraan.

"Nagmamadali tayo. Pinaghintay mo pa ako ng tatlong oras..."

"Sir... Tatlong minuto lang po iyon."

"Hindi. Tatlong oras iyon."

Napakamot ako ng ulo. Sinasabi niya ba na mali ang pagkakabilang ko kung bawat segundo namang nakatingin sa relo?

Sarkastiko lang siya na tumawa bago ngumisi. Naunang maglakad si Yves palayo, wala siyang pakialam kung saan mapunta ang mga paa. Kahit na pabalik iyon sa pinanggalingan namin kanina.

Sinusundan din naman siya ng paa ko. Mainit na ang ulo niya ngayon kaya't mabuti nang makalayo ng maaga. Mapapasama pa siya.

"Hello?"

Ruling Me Freely (Side of the Universe #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon