Walang pag-aalinlangan kong dinampot ang apat na maliliit na pusa sa kalsada. Ginamit ko ang mga daliri sa kaliwang kamay upang bitbitin sila ng sabay-sabay.
Tanging ang pagngiwi ni Sierra ang una kong nakita.
"Tsk. Sinong softie-softie ngayon?" Panggagago niya.
I pouted. "Is there something wrong? Kawawa sila... mukhang gutom na."
"Subukan mong hawakan." Inilapit ko ang apat na pusa sa kanya.
Ganoon na lang ang kanyang paglayo at sunod-sunod na pag-iling.
Kakaiba ang kanyang ugali ngayon. Maybe it's because, ngayon lang ulit siya napahintulutan na lumabas dahil bahagya nang umaayos ang katawan.
Actually, hindi naman talaga kami pinahintulutan. Tumakas lang kami. But, we wanted to make sure that she's safe. Lalo na ang mga nakakasalamuha niya. Wala na naman ang contact lens niya, at iniiwasan na lang na tumingin sa iba.
"Ang cute n'ung isa," pagturo niya sa pinakapaborito kong kulay ng pusang hawak.
"Hindi ba't ayaw mo? Akin na silang lahat." Iniwas ko iyon agad.
Isa-isa kong pinagmasdan ang hawak ko. Ang kaninang pumukaw ng atensyon ko ay ang pagulong-gulong na pusa sa daanan na puting-puti ang balahibo. Kabaligtaran naman iyon ng dumagan sa kanya na itim. Habang ang dalawa, may pagkakaparehas sa kulay ng balahibo. It was fawn and the other one was cinnamon. Hindi ko tukoy kung bakit sila nakakalat lang d'yan sa daan.
Napatitig ako sa mata ng puti na pusa nang makita ang pagkinang niyon ng bahagya.
"Sierra, parehas kayo," wala sa sariling natawa ako. "Robot--"
"Hindi ako robot." Suntok ang nakuha ko mula doon. "Idadamay mo pa ako sa pusang iyan."
"Hindi ka ba naaawa sa kanila? Magkakasama sila kanina na nakahiga diyan sa daan. Buti ay hindi natatapakan ng tao." Binungisngisan ko ang isa nang tumingala ng tingin sa akin. "Ang liit-liit mo..." Bulong ko sa kanya.
"I can meow too." She whispered.
"It'll be better if you moan, instead."
"Do you want me to moan... here?"
"You can do it later on my office." I assured.
Kasyang-kasya ang bawat isa sa palad ko. Hindi ako makapaniwala na makatatagpo ako ng ganitong pusa sa daan bigla-bigla! Wala akong maalagaan dahil itinatapon ni Papa sa labas. Pasalamat siya at mabait-bait pa ako, hindi ko pinalayas 'yung kabit niya sa bahay ko noong bata pa lang. Kung alam ko noon pa man, magmamakaawa siya na pabalikin ko iyon.
"Pumili ka nang para sa 'yo," inalok ko ulit siya sa hawak.
Matagal-tagal siyang nag-isip. Nangusap pa ang kanyang mga mata bago ako binigyan ng paheras na kasagutan.
"Baka hindi ko sila maalagaan, Yves," mahinang aniya. "Marami akong trabaho. Hindi ko sila mapagtutuunan ng pansin. Baka makatakas lang ulit."
Wala akong nagawa kung hindi tumango. Siguro ay aalagaan ko na lang muna sila. O tuluyan nang kukupkupin. Napakalambot ng kanilang balahibo, lalo na ng artipisyal na pusa na ito.
Minsan lang ako mapangiti ng ganito. Sa mga hayop pa talaga malambot ang puso ko. Pero syempre, matagal nang liban si Clifford at Harrison sa mga hayop na iyon.
Napahikab si Sierra sa pagkabagot, hindi ko namalayan na masyado na akong natutuwa sa pakikipaglaro sa mga pusa.
"Uuwi na ako, Yves..." She whispered on my ears.
"Let's go. Napagod ka sa sobrang inis?" I laughed slightly.
Ngayon ko lang nakita ang parte niyang ganoon. Napakatapang. Bagay na bagay sa kanya ang titulo bilang Military Officer.
BINABASA MO ANG
Ruling Me Freely (Side of the Universe #5)
Ciencia FicciónHaving a wireless chip on her brain makes Sierra suffer from different problems. She is one of those AXC person, or a person living with an artificial intelligence in high-valued XML programming on a wireless chip. Sierra is considered to be the mos...