Chapter 27 : Perfect

13 7 0
                                    

He deserve someone else. Someone who's... perfect.

Si Yves, napakagaling niyang tao. Propesyonal sa maraming bagay. Imposible na may magugustuhan ang Mama niya na simpleng babae na walang ibang pangarap sa buhay kung hindi ang mabuhay. O ang buhayin ang pamilya.

Dapat ang mapapangasawa niya o ang makakatuwang sa buhay ay isang propesyonal, katulad niya. Mataas ang katayuan sa buhay, may sariling trabaho na pinatatakbo, at normal na tao.

Dahil iyon naman din ang gusto ni Ma'am Jenline.

Tama nga naman. Para sa kinabukasan ng anak niya, para sigurado na maayos ang magiging buhay, walang magpapahirap at maipagpapatuloy ang legacy ng pamilya nila... Mahirap nga naman kung matatapos lang iyon sa simpleng pangyayari. Ganoon lang ang tipo ng babae na naiisip kong tama para makasama ng anak niya.

Sa pagkatok ng nobyo ko sa pinto, nagpanggap ako na tulog. Ang naging desisyon ko noon na hindi siya bigyan ng duplicate nitong susi ko, dahil kabisado ko siya. Kung ginawa ko iyon, dire-diretso na ang pagpasok dito.

Hindi ko alam kung papaano sasabihin sa kanya na maaayos din ang lahat. Gusto ko na lumayo na siya sa akin, dahil iyon ang gusto ng kanyang magulang. Ayaw ko na saktan siya. O isipin niya na pinagtripan ko lang siya kaya ko sinagot. Ngunit, hindi naman maiiwasan iyon. Kahit na anong mangyari, masasaktan at masasaktan kaming pareho.

May punto sila. Sadyang napakahina ko sa maraming bagay kapag nag-iisa lang. Inaamin ko naman na nawawala ang takot ko sa oras na nakikita si Yves sa tabi ko, o hindi kalayuan. Gayunpaman, hindi naman mababago ang katotohanan na mali ang umasa ako sa kanya, araw-araw. Kailangan kong tumayo sa sariling mga paa upang makalakad ng maayos at mapuntahan ang gustong patunguhan.

Bakit nga ba tila napakabilis na dumadaloy ang oras sa tuwing kasama ko siya? Hindi ko na matandaan ang lahat. Hindi ko na maisip kung kailan siya unang nagpahayag sa akin. Kung papaano niya ako nabihag gamit ang mga salita nang ganoon kabilis. Kung papaanong pinahintulutan ko siya na mahalin ako lalo, at ganoon din sa sarili ko na mahalin siya pabalik.

Bakit tila kontrolado ang lahat sa isipan ko? Napakalimitado na nga, ipinagdadamot pa. Kailan ba ako hahayaan ng sarili na kontrolin ang katawan ko? At bakit... bakit ko nga ba hinahayaan na ipagkait ng mga tao sa akin ang karamihan ng bagay?

Dahil kung may matitira man, ang sarili ko na lang. Ako na lang, mag-isa. Palagi.

Pinigilan ko ang pag-iisip ng masasamang bagay. Kung nararapat na maging blanko ang isipan ko habang ginagamot ay gagawin ko. Hindi ko nga lamang tukoy kung papaano. Baka mas lalong lumala itong sakit ko dahil sa pago-overthink.

"Salvacion, Salvacion..." Narinig ko kasunod ang mahinang pagtawa niya sa sariling kanta. "Gising ka ba?"

"Hindi. Bumalik ka na lang mamaya pakagising ko," panggagago ko.

Mahabang katahimikan ang bumalot sa pagitan naming dalawa. Sa sunod-sunod at malalakas na katok ako diretsong napatayo. Halos magiba ang buong kwarto sa sobrang lakas ng pagtawag niya.

Para hindi ako pagalitan, ngiti ang una kong ibinungad. Napawi agad noong titigan niya ako ng masama.

"Ayaw mo akong papasukin dito?" May awtoridad na singhal niya. "May lalaki ba diyan?"

Napanguso ako. Umuwi na naman sina Khyler at Terrence. Nakipaglaro lang sa akin kanina.

"Wala naman," mahinahong tugon ko. "Hindi naman ako katulad mo na kung sino-sinong babae ang hinahayaan na pumasok sa kwarto--"

"Hoy!" Napabaligwas ako sa pagpilit ni Yves sa akin na patalikurin. Itinulak niya nga ako pabalik. "Kailan mo ako nakita na nagdala ng babae sa kwarto ko?"

Ruling Me Freely (Side of the Universe #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon