Sa nagdaang gabi, kapansin-pansin ang paninibago ng katawan ko sa pagtulog. Mas naging mahirap sa akin na kalimutan ang lahat ng nangyayari sa buhay ko ngayon.
Unti-unti na akong kinakain ng pagsisisi.
"Alam mo ba ang totoong pangalan mo?"
Itinikhom ko ang bibig sa harap ni Sir Yves. Hindi ko akalain na makikipagkita siya sa akin kahit na may kakaibang dulot sa amin parehas ang nangyari noong araw na iyon.
"Sierra Buencamino l-lang po, Sir." Ganoon kasimple.
Alam niya naman iyon, dati pa. Sa application form ko sa bawat kumpanyang pinapasukan ay iyon ang gamit kong pangalan dahil nakasanayan ko na simula pagkabata. Wala naman ibang sinasabi sa akin sina Ama tungkol sa pangalan ko. Kaya iyon na ang ginamit ko.
"Hindi." Sunod-sunod siyang umiling.
"Po?" Ano ang ibig niyang sabihin?
"Hindi iyon ang buo mong pangalan..." Aniya.
Natahimik ako sa gilid. Sierra Biencamino, ganoon ang ngalan na nakilala ko. Hindi ang pangalan na sinambit niya sa akin ngayon habang nakatitig.
"Salvacion Alore Biencamino."
Tumaas ang aking kilay. Nakapagtataka na ang hawak niyang papel ay tila binabasa niya lang. Niloloko niya ba ako?
Hindi nagtagal, siya ang unang sumuko sa pagtingin. Inilahad sa akin ni Sir Yves ang papel sa kanyang kamay. Nag-aalala man sa kalalabasan niyon ay tinanggap ko pa rin.
Bakit hindi ko ito alam simula pagkabata kung ganoon nga? Dahil ba nakikilala ang mga artipisyal na tao sa code name o palayaw lamang? Kaya ba... Sierra lang ang ipinaalam sa akin na gamitin?
Ang ilang pahina niyon ay naglalaman ng impormasyon tungkol sa akin. Animo'y ang application form ko nga dati ngunit mas marami nga lang ang importanteng bagay. Katulad ng kung saan ako ipinanganak at iyong buhay ko sa pagt-trabaho simula noon.
"Bakit hindi mo alam ang totoong pangalan mo?" Binasag ni Sir Yves ang katahimikan sa pagitan namin.
"Pasensya na po. Hindi ko akalain na... iyon ang pangalan ko," wala sa sariling tumayo ako.
Maingat kong isinauli sa kanya ang papel. Dire-diretso akong lumabas, hindi kinibo ang mahinang pagtawag niya.
Sa mahigit dalawang dekada ng pamumuhay ko ay ginagamit ko ang maling pangalan? Sisiguraduhin ko na bago matapos ang araw na ito ay maaayos ko ang lahat.
Para kong niloko ang sarili ko. Bigat ang nararamdaman ko sa katawan. Gusto kong malaman ang dahilan kung bakit itinago ito sa akin ng mga magulang ko. Para ba sa kaligtasan ko o gusto lang nila? Alam ko na mababaw na bagay lang ito. Pero, gusto ko pa ring ayusin ang lahat. Babaguhin ko ang impormasyon sa system ko, sa lahat ng nakalagay. Kahit na maapektuhan nito ang buong buhay ko.
Hindi ko alam kung bakit sa labas ako dinala ng paa ko. Imbes na makisama ngayon ay mas lalong gumulo ang iniisip ko.
Isinikreto nila ang totoong katauhan ko... Itinago nila sa loob ng maraming taon... Paano nila nakayanan na gawin iyon sa loob ng mahabang panahon?
Napaupo ako sa lupa. Pinagtitinginan na ako ng mga tao ngunit ngayon ay wala akong pakialam sa kanila. Kahit ngayon ay sarili ko lang muna.
"Salvacion Alore daw ang pangalan ko..." Bulong ko sa sarili habang nagp-proseso ang system. "Hindi ko talaga kilala ang sarili ko."
Humabol si Sir Yves sa akin para pigilan ako. Wala rin siyang magagawa.
"Hindi mo kasalanan kung ginawa ng mga magulang mo iyon..."
BINABASA MO ANG
Ruling Me Freely (Side of the Universe #5)
Science FictionHaving a wireless chip on her brain makes Sierra suffer from different problems. She is one of those AXC person, or a person living with an artificial intelligence in high-valued XML programming on a wireless chip. Sierra is considered to be the mos...