Napakaganda ng pagbungad nitong araw sa akin. Sa Silangang bahagi ng maliwanag na langit ay makikita ito. Ang isang artipisyal naman ay nasa Hilagang-Kanluran noon.
Itinuro sa akin ni Madam ang paraan ng pagbilang ng oras. Nangyayari ang pagbabago sa tuwing anim na araw.
Hindi pantay ang oras ng mismong paglubog o pagsikat nito, dahil bukod sa hindi tansyado ng kung sinong naglagay ang posisyon, kung kaya't tuwing Agosto dito sa amin ay umuusog iyon ng isang milimetro.
Kung mapag-aaralan kong mabuti ang tinatayang sentigrado ng araw na iyon, maaaring mas maging accurate pa ang bilang ko kaysa sa kanila. Hindi ko kaagad sinasabi sa mga tao ngunit, may kaakibat na malaking responsibilidad ang trabaho nito.
Kung ang loob noong tunay na araw ay umaabot ng 27 million degrees Fahrenheit, maaring ang isa ay mas mababa pa ng kaunti doon. Hindi dahil sa mas malaki ng dalawangpung porsyento, kung hindi dahil ang paraang inisip ng gumawa ay ang pagkasunog ng tao.
Nababalanse ng mundo ang init ng araw namin ngayon dahil sa artipisyal din na enerhiya. Maganda ang pagn-nyebe dito sa Grenoveilla.
Madalas na malito ang bawat tao na narito sa tuwing titingin ng diretso sa araw. Hindi nila alam. Hindi ko alam kung isa ako sa iilang kilala ang totoo sa hindi, madaling mahulaan at makita.
Tumalon ng bahagya ang maliit na katawan ko sa tinig mula sa likod.
"Pinagpapantasyahan mo ba ang araw?"
"Hindi. Pasensya na." Napangiwi ako.
Ang gandang termino. Pantasya? Ang mukha ba ng araw ay ang magiging asawa ko?
"N'ung nakaraang linggo, nagsasalita kang mag-isa." Tumawa si Sir Yves. "Ngayon naman ay nanlalaki ang mata mo sa mangha."
"Ngayon ko lang kasi nakita nang malapitan," pagtatapat ko. "Uh, ibig kong sabihin ay mas maganda ang tanawin dito." Mas kita.
Umawang ang labi niya at malalim na tumitig sa akin. "Ngayon lang kita napansin na ganiyan," aniya. "Ngunit, sige. Pinahihintulutan kitang panoorin ang araw kapag dadalhin mo iyong mga gamit dito."
"Hindi na kailanga--"
"Maaari kang tumingin." Muling banat niya.
Napabuntong-hininga ako. Nakakahiya at siya pa itong pinayagan ako. Isang hamak na empleyado lang naman ako sa mga kabilang kumpanya, iyong isa ay kakumpitensya pa niya sa negosyo.
Wala akong nagawa kung hindi tumango. Hindi naman ako basta-basta lang na magtutungo dito dahil gusto, gagawin ko lang ang ilang minutong pagmamasid sa tuwing inuutusan ako.
"Tingin mo ba ay makakapagpahinga ka na sa ganoong paraan?" Tanong ni Sir Yves.
"Hindi. Ngunit, ayos na rin." Ngumiti ako bago bumaling ulit sa nagtataasang istruktura.
Iba ang kahulugan ng pamamahinga sa akin. Kung maaari lang ay sa habang-buhay na. Ayos lang na magkaroon na ako ng pamilya, basta mananatili sa bahay.
Sa ngayon, hindi ko prayoridad iyon. Kahit na ang pagn-nobyo. Inuuna ko ang pamilya, ang mga nakatataas na taong nag-uutos sa akin, at tsaka ang sarili ko.
"Nagpadala ng mensahe ang Madam Silva mo sa akin," lumakad ako patungo sa tapat ng mesa niya. "Sinabi niya ay kailangan ka na doon. Pakidala na lamang ang lahat ng ito sa kanya."
Nakita ko ang mataas ng patong ng mga papeles. Umabot iyon sa anim.
Matalim ang paningin ni Sir Yves noong tumama sa akin. "Dalhin mo ito lahat."
"Hindi ko po kaya iyan ng sabay-sabay," tapat na ani ko.
"Isa-isahin mo." Utos niya. "Dalhin mo ang isa pagkatapos ay bumalik ka ulit dito. Hanggang sa matapos mo." Tumaas ang kanyang kilay.
BINABASA MO ANG
Ruling Me Freely (Side of the Universe #5)
Fiksi IlmiahHaving a wireless chip on her brain makes Sierra suffer from different problems. She is one of those AXC person, or a person living with an artificial intelligence in high-valued XML programming on a wireless chip. Sierra is considered to be the mos...