"Nabalitaan ko ang intensyon mo kanina. Alam mo sa sarili mo na may pandemya dahil naranasan mo iyon ngunit, bakit mo tinakot ang lahat ng tao? Intensyon mo ba iyon upang lalong sumikat ka?"
Sunod-sunod akong umiling habang pinapanatili ang paningin sa kanya. Kita ang inis at pagkasarkastiko, hindi pa man siya nagsasalita kanina.
"Paano kung pati ang mga artificial doctors and nurses ay natakot mo at sumugod sa hospital sa baba ng kumpanya ng anak ko, e 'di nagkahawa-hawa din sila?" Mahinahong tanong ni Ma'am Jenline. "Nakaperwisyo ka pa, dumagdag sa sakit ng ulo."
Alam ko naman na mahihirapan ang iba na gamutin din sila. Ngunit, hindi naman kailangang sabihin na dagdag sila sa sakit ng ulo dahil lang na-infect ng virus. Maaari namang sabihin sa maayos na paraan.
Inayos ko ang pagkakatayo at tumingala ng bahagya sa langit.
"Hindi ko po intensyon iyon, Ma'am. Hindi ko po kasalanan kung ang militar ang may kagustuhan nito noon pa man. But, for some instances, hindi nila magawa." Dahil sa pera na ibinayad. "Nilinaw ko naman po noong una na ang mga tao lang po ang makikipagtulungan--"
Naputol ang lahat ng sinasabi ko sa pagtawa niya. Tinaasan ako ng kilay ni Madam Jenline na animo'y hindi pinaniniwalaan ang pagtatapat ko.
"Isa ka sa pinakamatalinong tao sa buong mundo, at wala akong laban doon," nagtaas pa siya ng kamay na parang sumusuko. "Pero, kaya kong patunayan na hindi ikaw."
"Sa galaw mo pa lang, wala ka nang karangyaan kahit sa sarili. Akala mo ba'y hindi ko malalaman na pineke mo ang resulta ng pangalawa mong IQ test? Dahil mas tumaas? Kapag ito ay naiparating ko sa buong lungsod, masisira ka lalo, Biencamino."
"Matagal na po akong sira sa iba. Kaya wala na akong dapat pakiala--"
"At madadamay pa ang anak ko!" Sigaw ni Ma'am Jenline. "Balak mo ba talagang sirain ang pinaghirapan ng pamilya namin?"
Ilang beses niya akong sininghalan ng paulit-ulit, maraming beses na akong nainsulto at napagalitan. Doble sa nakasanayan ko mula sa kanya.
Hindi mo alam ang sinasabi mo, Ma'am... Mas inilalagay ninyo sa bingit ang sarili niyo. Ayaw ko na tuparin ang hiniling ng nobyo ko.
Unti-unti na akong nagkakaroon ng pag-asa. Sa pagpasok paglabas niya patungo sa terrace, walang pag-aalinlangan siya na tumabi sa akin.
"Ako na, ako na, Sierra. Ako na ang nakikiusap sa 'yo," umamo ang kanyang mukha. "Ipinapahamak mo ang sarili mo... Layuan mo na ngayon ang anak ko."
Imbes na sagutin siya, nagkatinginan lang kaming dalawa ni Yves. Bigla-bigla na mababago ang kanyang ugali sa hindi malamang dahilan.
"Layuan mo na si Jaidel, hija..." Ngumiti siya.
Naging mitsa sa aming dalawa ang sinasabi. Banta man lalo para sa akin, hindi nag-atubili ang nobyo ko na magtungo sa aking harapan.
Tila nag-iba ang ihip ng hangin na nakapaligid sa aming tatlo. Mula sa likod ni Yves, dinukot ko ang isang pistol na kanyang magmamay-ari. Kusang sumuko siya sa mga kamay ko nang sakalin mula sa likod gamit ang braso.
"Jaidel!" Ramdam ko ang panginginig ng boses ng Nanay niya.
Masyado akong naging handa sa pagbabanta niya at naikasa ko agad ang baril gamit ang natitirang kamay. Itinutok ko ang dulo niyon sa kaliwang bahagi ng sentido ng nobyo ko habang ang kabilang kamay ay ikinukulong ang kanyang leeg. Matalim ako na tumitig sa kaharap.
"Nakakampante ka na masyado sa kakayahan ko, Mrs. Heale," mahinang utas ko na ikinalaki lalo ng kanyang mga mata.
Hindi nanlalaban si Yves, katulad ng inaasahan ko. Hinahayaan niya lang ako na unti-unti siyang patayin sa sariling kamay.
![](https://img.wattpad.com/cover/272154679-288-k585967.jpg)
BINABASA MO ANG
Ruling Me Freely (Side of the Universe #5)
Ciencia FicciónHaving a wireless chip on her brain makes Sierra suffer from different problems. She is one of what they called an 'AXC' person or a person living with an artificial intelligence in high-valued XML programming on a wireless chip. Sierra is considere...