Chapter 14 : Virus

21 7 0
                                        

Dumadalas ang pagpunta ni Ma'am Veron sa opisina namin. Pinahihintulutan siya ni Madam kahit na ang isa sa hinahawakan ni Veron na kumpanya ay kakumpitensya noong sa amo ko, at hindi niya gusto.

Ang diretso niya palagi, kay Sir Yves. Itinatanong niya kung narito ba ang amo ko, kapag wala naman ay umaalis na lang siya. Hindi ko alam kung may iba pa ba silang ginagawa sa kwarto na iyon.

Pero, wala naman akong dapat na pakialaman doon. Kahit na sabihin nating si Madam ang may-ari nito, may sarili pa ring buhay si Sir Yves, ang lugar na iyon ay pagmamay-ari niya kaya't maaari niyang gawin. Isa pa, masyado lamang ako na nag-iisip dahil bago sa paningin ko. Empleyado lang naman ako dito, gusto ko silang i-respeto na dalawa.

Noong lumabas si Ma'am Veron minsan mula sa kwarto niya, padabog siyang umalis. Kita ko ang bahagyang kumalat na lipstick sa labi niya. Medyo gumulo din ang buhok, hindi tulad ng ayos niyon kanina bago siya pumasok.

Pakatapos noon ay lumabas ang amo ko. Tinanong ko kung anong nangyari, dahil hindi ako makatiis sa sobrang kuryosidad.

Tawa lang ang sinagot niya. Tapos ay sinabi na... sinapak niya daw kaya naging ganoon.

Hindi ko alam kung tama ba na tumawa doon. Hindi ko rin kasi alam kung nagbibiro lang siya o seryosong nanapak talaga.

Masyado akong napagod sa pagpapalipad ng jet noong nakaraan kaya nanatili muna ako dito.

"Kung tutuusin ay pagmamay-ari ni Jaid ang buong distrito," paliwanag ni Khyler. "Hindi niya lang ipinapaalam sa mga tao dahil ayaw niya."

Napaisip ako sandali.

"Hindi mo rin alam, 'no?" Tumawa siya.

"Hindi po." Ngayon ko lang narinig ang balitang iyon.

Kahit na bukang-bibig siya ng mga usapin dito, ngayon ko lang nalaman na ganoon pala.

"Siya lang ang may kakayahang mamuno dito sa buong distrito, Ate Sierra." Dagdag ni Terrence na nakakapit sa braso ko. "Ang galing, hindi ba?"

Wala akong naisagot sa inosenteng tanong niya.

Paano niya nagawang makuha ang buong distrito na kinatatayuan namin?

"Tatlo sa limang kumpanya dito ay hawak niya. Kung hindi pagmamay-ari ay kanya namang kontrolado iyon dahil sa napakalaki niyang kontribusyon." Paglilinaw ng pinsan. "Ilang kumpanya ba ang narito? Hm... Mahirap-hirap ding bilangan."

Sa dami nga naman ng nagtatatagang mga kumpanya dito ay hindi na mabibilang ang pag-aari ni Sir Yves. Sadyang nakakagulat, pati ang lupain na kinatatayuan ng mga kaaway niya ay sa kanya.

"Sir Yves!" Panggagaya ni Terrence sa tono ko.

Sinamaan ko siya ng tingin kahit na wala sa akin ang atensyon. Hindi kumibo ang amo ko at dire-diretso lang na pumasok sa opisina, kasunod nila.

Ginagaya nila iyong seryosong pagtawag ko kay Sir. Isang beses lang naman nangyari iyon at hindi na ako umulit. Mukhang mabait-bait siya ngayon dahil hindi pinansin si Terrence, akala ko'y muling tatapatan ng baril.

Nababahala na kami sa kumakalat na virus sa mga system. Hindi ako artipisyal na tao ngunit, madadamay ang akin! Naka-open palagi ang system sa chip ko.

Epidemya na iyon sa isang bansa. Sadyang bumagsak ang kanilang ekonomiya dahil sa sama ng dulot ng virus. Mahirap i-lockdown dahil hindi naman iyon sa mga tao, ang mga robot ay nakakonekta sa iba't iba pang panig ng mundo. Maaapektuhan kami.

Ang lahat ng files na narito sa system ko na nanggaling sa iba pang bansa, binura ko.

Wala akong pakialam kung pagalitan ako ni Ma'am dahil nabura ko ang orihinal na kopya. Ayaw ko lang na madadamay gawa nang sa kanilang virus. Gumawa naman ako ng kopya sa mga importante na hindi naman gaano maapektuhan kung... may kumalat na dito sa bansa.

Ruling Me Freely (Side of the Universe #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon