Chapter 6 : Talk

21 7 0
                                    

Inayos ko ang pagkakatali ng buhok. Itinaas ko ng bahagya upang maganda tingnan.

Nang mapagod ang kamay ay pinili ko na lang na iladlad iyon. Nagpapakahirap ako dito.

Ang ibinigay sa akin ni Madam Silva na damit ay simple lang. Lace trim ruffle blouse, malambot sa katawan at kumportable dahil gawa sa cotton. Maganda ang pagka-dirty white niyon. Inilalim ko ang pang-itaas sa high waisted skirt ko. Agad kong isinunod ang simpleng belt doon.

Maagap kong kinuha ang sling bag kong katerno pa ng suot na palda, light brown. Ang pagmamadali ay hindi ko pinahalata sa mga nakakasalubong na empleyado.

Pinagbigyan ako ni Madam! Ibig kong sabihin ay... binigyan niya ako ng pagkakataon na i-assist si Mr. Perkins dito sa opisina namin.

N'ung kaagad niyang nalaman ang pagdating ay nakakuha kaagad siya ng pagkakataon na kausapin iyon. Inalok niya ito na tingnan ang aming kumpanya at kaagad namang pumayag! Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.

Sinabi pa ni Madam ang ngalan ko sa harap niya. Noong utusan niya ako ay mabilis akong napapayag. Handa akong mapagod para lang i-assist siya ng maayos.

"Magandang araw po..." Tumungo ako ng bahagya sa kanila.

Mayroon siyang kasama na isa pang lalaking mukhang mas bata. Hagip ko kaagad ang inosenteng mukha ni Mr. Perkins.

"Magandang araw din," mahinang bati niya.

Ah! Parang gusto kong magmura bigla.

Kinawayan ko din ng bahagya ang batang lalaki. Ngumiti siya pabalik kaya nawala ang mata.

Parang gusto kong magpalahi, hehe.

Nagtungo ako sa likod ng kanyang kinauupuan. Mula dito ay napaka-gwapo niya pa ring tingnan.

Hindi ako nagsisisi na naging empleyado mo, Madam.

"Hindi pa ba paririto si Jaid?" Napatulala ako sa gilid.

Halos tumalon ang katawan ko noong simple siyang bumaling sa akin.

Ako ba ang tinatanong niya?

"Excuse me?" Aniya, bahagyang itinaas ang kilay. "Uh... Naiintindihan ko." Kaagad na bawi ni Mr. Perkins. "Maaari ko bang malaman ang pangalan mo?"

Pangalan ko daw! "Sierra po, Mr. Perkins." Pinigilan ko ang ngiti.

"Isa ka rin ba sa artipisyal na empleyado ng kumpanyang ito?" Hindi ako nakasagot.

Nananatiling pormal ang pagkakatayo ko. Sunod-sunod akong umiling bilang tugon.

"Pasensya na." Saad niya muli bago bumaling. "Nais ko lang malaman kung nasaan ang amo mo, si Mr. Heale."

Siya ba ang tinutukoy niyan Jaid kanina?

"Uh, hindi ko po amo si Sir Yves." Paglilinaw ko. "Si Madam po ang isa sa katiwala niya. Maya-maya ay narito na siguro siya."

"Ano daw?" Gulat na tanong ng batang lalaki.

"Sir Yves?!" Pag-uulit ni Mr. Perkins.

Muli akong namangha sa kanya nang muling bumaling sa akin. Pinaglaruan ang panulat gamit ang kamay.

"Sir Yves ang tawag mo sa kanya?!" Tanong ni Mr. Perkins. Pasimple akong tumango. "Mabuti at hindi ka sinapak noon?"

Nananapak ba siya ng babae? "Hindi naman. Ngunit, Sir lang ang tawag ko sa kanya madalas. Hindi iyon nasusundan ng kanyang ngalan. Minsan ay Mr. din." Nagkibit-balikat ako. "Nananatili sa isip ko ang pangalan niya."

Hindi ko naman siya tinatawag na Sir Yves harap-harapan. Minsan ay naiisip kong nakakabastos din iyon dahil amo siya ng Madam ko.

Napanganga si Mr. Perkins sa naging tugon ko. Mabilis iyon na nasegundahan ng kanyang kasama.

Ruling Me Freely (Side of the Universe #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon