Parating tanong ng mga tao, bakit ako nagagalit sa kanila sa tuwing tinatawag ako sa una kong pangalan?
Pinangalan akong Jaidel ang Mama ko. At ang Yves naman ay pinag-isipan ng Papa ko. It reminds me of him when they call me that way.
I hate my Father, so much. He's a cheater. He used to cheat on my Mother before. At anong ginawa ng Nanay ko? Pinabalik lang siya. Kahit na paulit-ulit na nangyayari sa pagitan nila, siya ang palaging nagtitiis. Umiiyak. Pababalikin. Nothing new. It's the family, all over again. Nangako sa altar na pananatilihin ang legacy ng pamilya sa magdadaang taon, hindi nangako tungkol sa pagiging tapat na asawa sa habang-buhay.
Kaya bata pa lang, nangako ako sa sarili ko. Na sa kahit anong problema ang kaharapin ko oras na mag-asawa, hinding-hindi ako mangangaliwa. Pupunta ako sa harap ng altar at magtatapat ng pag-ibig at pangakong itatak ko sa buong pagkatao ko, hanggang kamatayan.
Now, my girlfriend cheated on me. And heck, I'm aware of it, in the first place! But, guess what? Just like my Mother, I played it dirty.
Noong una pa lang, ang nag-iisang lalaking ipinakilala niya sa akin bilang kaibigan ay hindi ko nakita bilang kaibigan niya lang. Magaling magtago ng sikreto si Heaven, masyado siyang magaling. Alam niya na mahal na mahal ko siya, hindi ko kayang iwan dahil sa tinagal-tagal ng relasyon namin, naging langit ko na siya. Iyong tipong hindi ako makikinig sa sinasabi ng iba tungkol sa kamalian niya, sa kanya ko lang pananatilihin ang pandinig ko.
Matatawag bang pangangaliwa iyon kung sa una pa lang ay alam mo na? Tanong ko sa sarili...
Mali ako. Ngunit, para sa relasyon namin, nagpakatanga ako lalo. Nitong nagdaang oras, hindi niya na siguro natiis ang ginagawa at kusa na lang na napaamin sa akin. Sinabi niya na may mahal siyang iba, ang pinagkaiba lang sa inaasahan ko, hindi niya sinabi kung sino iyong lalaki.
Ano pa nga ba ang silbi? Alam ko kung sino...
Hindi ko akalain na dito mapupunta ang lahat ng taon na naigugol ko sa kanya, bilang nobyo. Gustong-gusto ko siyang bumalik, kahit pa ako iyong masasaktan sa huli... Nagmakaawa ako at halos mapaluhod na sa harapan niya para lang h'wag akong iwan. Patatawarin ko siya, paulit-ulit. Katulad ng ginawa ng magulang ko. Hanggang sa matutunan naming gawing tama ang lahat sa relasyon.
The fvck... Instead of telling her what is the right thing to do, why did I tolerate her? You're such a jerk, Jaidel. You're not a good boyfriend to her... You're worse than every other guy.
"Tinawag ka n'ung empleyado mo na Yves." Tawang-tawa ang kaibigan ko nang makapasok ng opisina.
"Sino doon?"
"Iyong Sierra."
"Hindi ko iyon empleyado," paglilinaw ko.
'Yung babaeng iyon, namumuro na siya sa akin. Hindi ko alam kung anong klaseng parusa ang maaari kong ibigay para matahimik ang bunganga.
"Hmm. Totoo nga." Ani Khyler na parang may nalaman na.
"Hindi niya alam. H'wag kang mag-alala, pagsasabihan ko," paniniguro kong muli.
Mas marami pa ang error niya sa pagt-trabaho kaysa sa nagawang tama sa buong buhay niya. Hindi lumilipas ang araw na hindi ako naaasar sa kanya. Sinabihan na ako ni Silva na mabait at inosente ang babaeng iyon at anong pakialam ko? Matanda na siya. Alam niya na ang tama sa mali ngunit, paulit-ulit pa rin na nangyayari.
Napasinghap ako habang nag-aayos ng papel.
"Weh? Mapagsasabihan mo? Hindi ka magagalit kapag tinawag ka ulit niyang ganoon?" Nagdududang tanong muli ni Khyler.
"Sisiguraduhin kong hindi na mauulit at makararating sa iba pang empleyado." Doon ako tumingala sa kanya. "Bakit?"
"Natatakot kang malaman ng mga empleyado mo na tinatawag ka niya sa ganoong paraan dahil iisipin nila na hindi patas ang ibinibigay mong pagtrato," tumawa siya. "Sila, tatanggalin mo agad sa trabaho. Habang si Sierra, pagsasabihan mo muna."
BINABASA MO ANG
Ruling Me Freely (Side of the Universe #5)
Science-FictionHaving a wireless chip on her brain makes Sierra suffer from different problems. She is one of those AXC person, or a person living with an artificial intelligence in high-valued XML programming on a wireless chip. Sierra is considered to be the mos...