"Here Without You"
"E, pakyu ka pala e!" Inis na sigaw ko.
"S-sorry na miss.. 'y-yan lang talaga kinita ko n-ngayong araw e" pagdadahilan pa nitong taxi driver na 'to!
"Wala akong pake! Tang ina! Sarap na sarap ka tapos ito lang babayad mo sa 'kin? Um-oh baby baby ka pang hayup ka!" Inis talagang sigaw ko sa kanya.
"D-de bale bukas! Bukas! May k-kita ako ulit.. l-lahat 'yun ibibigay ko sa 'yo! B-basta ba..." nanlaki ang mata ko sa hinihirit niya! Kumakagat kagat pa ng labi ang loko habang nakatingin sa nakalantas kong hita!
"Ay letse! Iisa ka na naman ha!?" Napatungo naman siya "Bwiset! Sing liit ng etits mo 'tong pasensya ko ha! Sibat na ako! Wala naman akong mapapala sa 'yo! Tabe!" Inis ko siyang tinulak at lumabas ng motel na pinag-check-in namin.
Nilabas ko ang pulang lipstick ko at kabugang naglakad sa lobby. Lalabas na sana ako ng may humarang sa 'kin ang isang lalaking clerk.
"Check out na kayo, ma'am?" Tanong pa niya sa 'kin.
"Mukha bang papasok pa lang ako!? Palabas na nga ako, 'di ba?" Sarkastikong sabi ko sa kanya.
"Hindi pa ho kasi kayo bayad." Pigil ang inis na sabi niya sa 'kin. Attitude 'tong gago 'to.
"Gano'n?" Kunwari pang gulat na sambit ko at nilingon 'yung taxi driver na saktong kakalabas lang ng elevator "Kita mo 'yung lalaking 'yun.." sabi ko dun sa clerk sabay turo dun sa taxi driver.
"Bakit ho?"
"Kasama ko siya.. siya ang singilin mo." Mariing sambit ko at hinalikan pa siya sa pisngi na kinagulat niya.
"Ma'am!" Gulat pa siyang napalayo sabay takip sa puson. Iiling iling akong napangisi.
Hinalikan ko lang, tinigasan na. Psh.
Mahina!
Dali dali siyang lumayo sa 'kin at nilapitan 'yung taxi driver na halos lumawa ang mata sa sinabi sa kanya ng clerk na iyon. Nang tingnan niya ako ay nang-aasar ko pa siyang kinawayan, mabuti na lang at malapit na ako sa glass door kaya malaya na akong nakalabas ng motel na ito at nag-abang ng masasakyan pauwi. Mukhang okay naman na ako sa kinita ko ngayon.
Pagsakay ko ng jeep ay napa-iling iling na lang ako sa mga lalaking estudyanteng nakasabay ko na panay ang bulungan at pasimpleng tingin sa 'kin dahil sa suot ko 'to malamang!
Naka-maong shorts lang kasi ako na kita na ang pisngi ng pwet ko at black na sando naman ang suot ko pang-itaas. Mahaba naman ang straight nq buhok ko na ginagawa kong pangtakip sa dede ko.
May bag akong dala dala, kaya nagmumukha akong mayaman. Pero mahal talaga 'tong bag ko, bigay kasi sa 'kin 'to ng isa sa mga kinama ko.
"Manong, para!" Malakas na sigaw ko at agad niya namang inihinto ang jeep.
Sinadya ko pa talagang tumuwad habang pababa dahilan para marinig ko na naman ang kantyawan ng mga estudyante. Nakangisi ko silang nilingon pagbaba ko at isa isa pinakyuhan dahilan para mapatungo sila habang papalayo 'yung jeep sa 'kin.
YOU ARE READING
Here Without You (EUPHORIA series #4)
RandomEUPHORIA series #4 Two people with different notion in life. But when they entered each other's lives .. they were only given a short time to be together. Life for Coleen Ohales, no longer mattered to her. While life and time for Noah Alarcon, are v...