•75

3 0 0
                                    

"Where are we going, babe!?" Pang-pitong tanong niya sa 'kin-- ayon sa pagkakatanda ko simula nang umalis kami sa bahay niya.

Sumama sama pa kasi! Psh.

Naiwan sa bahay 'yung dalawang bata at si Marthy, kahit sila ay walang alam sa nangyayare, wala din akong balak sabihin pa.

Hindi ko na inimik pa si Noah dahil sa sobrang pag-aalala ko! Ako ang pinaka-malapit kay Ella at ako lang din ang may contact sa family niya kaya siguro ako ang kino-contact ng mga kasamahan namin.

"Ikanan mo!" Sabi ko pa kay Noah, mabilis niya namang sinunod 'yun at maya maya lang ay nasa tapat na kami ng ospital kung saan dinala si Ella.

Dali dali akong bumaba ng ospital at sumunod naman agad si Noah.

"Babe, what are we doing here? Sinong dinala sa ospital? Bakit tayo nandito?" Sunod sunod na tanong ni Noah.

"Mamaya.. sasabihin ko sa 'yo lahat, okay?" Pigil ang inis na anas ko.

"Okay, babe.. but i'm sorry I can't go with you inside the hospital.." natigilan ako sa sinabi niya at nang lingunin ko siya ay nakayuko na siya.

"Bakit naman?"

"Nothing.. just go inside, i'll wait you here" tinuro pa niya ang tabi ng kotse niya pero pinakatitigan ko siyang maigi.

"Sige," nasabi ko na lang at muling humarap sa ospital at napapaisip na naglakad papalapit dito.

Bakit naman ayaw niyang pumasok sa ospital? Psh.

Isinantabi ko na muna ang isiping 'yun at dali dali na akong pumasok nang ospital at hinanap agad kung nasaan si Ella. Sa second floor ng ospital ay nakita ko sa dulong bahagi nito sila Nayah, Jen, Arlene at Magdalena na pare parehong hindi mapakali at palakad lakad habang baka sa mga mukha nila ang pag-aalala.

"Coleen!" Si Jen ang unang nakapansin sa 'kin. Natinag naman 'yung tatlong at agad ding lumapit sa 'kin.

"A-anong nangyare?? Kumusta si Ella?" Nag-aalalang tanong ko. Kanina pa sa byahe nanginginig ang kamay ko sa sobrang kaba.

"Inaasikaso na siya.. ang sabi ng doctor kanina, naubusan daw ng lakas si Ella.." parang maiiyak nang kwento ni Jen.

"Bakit? Ano ba talagang nangyare sa kanya!?" Hindi ko napigilang sumigaw pa.

"Hindi rin namin alam.. magkakasama kaming apat sa bahay ni Jen nang kumatok siya do'n.. nagtaka kami sa itsura niya dahil para na siyang mauubusan ng hininga no'n.. hindi rin maayos ang pagkakasuot niya ng damit niya.. hanggang sa himatayin na nga siya" mahabang kwento ni Magda habang napapasapo pa sa noo niya.

Napahilamos ako ng mukha ko kasabay ng pagpahid ng luha sa pisngi ko.

Ano bang nangyare sa 'yo, Ella!??

Hindi nawala ang kabog sa dibdib ko hanggang sa lumabas na ang doctor na nag-asikaso kay Ella at sabay sabay naman kaming tumayo at hinarap ito.

"The patient experiences fatigue.. she's run out of energy that's why she collapsed. Napa-inom na rin namin siya ng modafinil para mabilis na bumalik ang lakas niya.. pahinga ang kailangan ng pasyente ngayon.." ani doctor, sabay sabay naman kaming tumango sa kanya bago siya maglakad paalis.

"Pahinga lang naintindihan ko.." kakamot kamota pa sa ulong anas ni Jen.

"Mahalaga, okay na si bakla." Si Nayah.

"Tara.. pasukin nga natin.." si Magda.

"Wag." Pigil ko "Hindi siya makakapagpahinga kung papasok tayo do'n ngayon.." seryosong aniya ko. Sabay sabay naman silang nag-buntong hininga "Umuwi na rin muna kayo.. ako na bahala kay Ella. Tatawagin ko na rin parents niya.. salamat sa inyo ha" sinserong sabi ko pa. Napangiti naman sila.

Here Without You (EUPHORIA series #4)Where stories live. Discover now