•63

3 0 0
                                    

"I'll see you next time.. bye." Nakangisi pang sabi sa 'kin ng may edad ko ng custumer.

Siya lang ang custumer ko ngayong araw, pinagsarahan na niya ako ng pinto.

Tiningnan ko ang inabot niyang bayad..

Dalawang libo? Ganito na lang ba talaga kababa 'yung halaga ko? Psh.

Pagka-uwi ko ng bahay.. agad akong naligo. Hilod kung hilod, sabon kung sabon, buhos kung buhos--- pero tang ina kahit anong ligo ko.. pakiramdam ko ang dumi dumi ko pa rin!

May ilang taon ko na bang ginagawa 'to!? 6?.. 5 years!? Ilang lalake na 'yung dumaan sa buhay ko.. kahit hindi ko 'to gusto, ginagawa ko!

Pero kanino ko isusumbat lahat ng hirap na nararanasan ko!?

Napasandal ako sa dingding ng cr namin at niyakap ang sarili ko.. nag-umpisang magsibagsakan ang luha sa mga mata ko at hinayaan ko lang itong bumagsak.

H-hanggang kailan pa ba?

"Ate! Ate!!" Napatingin ako sa pintuan ng cr ng kumalampag ito at narinig ko ang boses ni Iyah sa labas.

Dali dali kong tinapal ang tuwalya sa katawan ko at binuksan ang pinto. Umiiyak siyang napatingin sa 'kin dahilan para kumabog ang puso ko sa kaba.

"Iyah.. bakit!??"

"A-ate.. si K-kuya Pao.." umiiyak na sambit niya.

Ramdam ko ang pagdaloy ng matinding kaba sa buong katawan ko at hindi ko namalayang naka-akyat na ako sa taas at nakita ko si Pao na wala sa sariling nangingisay habang nakahandusay sa sahig.

"P-pao! Pao!! Pao.. Pao si Ate 'to. P-pao!! Tulonggg!!! Tulongggg!!" Malakas na sigaw ko sa mga kapit-bahay namin.

"K-kuya.." si Iyah na patuloy pa rin sa pag-iyak.

"Iyah.. Iyah! T-tumawag ka ng tulong sa labas b-bilis!!!" Nanginginig ang buong kalamnan ko at natataranta na ako "Iyah bilis!!" Sigaw ko pa kahit alam kong nakababa na siya.

Patuloy pa rin sa pangingisay si Pao at tumutulo pa ang laway niya. Nanginginig ang mga kamay ko na hinawakan ko siya sa pisngi niya at sinuklay suklay ang buhok niya habang patuloy pa rin siya sa pangingisay.

Nag-umpisa na namang tumulo ang luha ko sa kawalan ng magawa.

"Anong nangyare!? Nasaan? Nasaan?" Narinig kong boses ng mga tao sa baba at maya maya nga lang ay may tatlong lalake ang umakyat dito sa taas at binuhat si Paolo pababa.

"Ingatan niyo! Dalhin natin sa ospital" narinig ko pang sabi nila pero hindi ko na nagawa pang gumalaw sa kinatatayuan ko at napahilamos na lang ako ng mukha ko.

"A-ate..." naramdaman ko ang maliit na kamay ng kapatid kong si Iyah na humawak sa may binti ko.

Pilit ang ngiting pinakita ko sa kanya para hindi na siya mag-alala.

"S-sumabay ka na sa mga kapit-bahay natin papuntang o-ospital ha.. susunod si Ate.. m-maghahanap lang ako ng ip-pangbabayad natin sa ospital.." nanginginig pa ang mga labi kong sambit ko sa kanya.

Tumango lang siya sa 'kin bago bumaba. Naiwan na naman akong mag-isa dito at hindi malaman kung anong gagawin ko. Pero dapat may gawin ako kung hindi, walang mangyayare sa kapatid ko!

Hindi ito ang unang beses na magkagano'n si Paolo. Ang sabi sa 'min ng doctor noon ay pabalik balik daw talaga ang ganung sakit.. epilepsy. May epilepsy ang kapatid ko.

Wala sa sarili akong nagbihis at nag-ayos ng sarili ko. Lumabas ako ng bahay na hindi alam kung saan pupunta.. basta ang alam ko lang, sa lugar kung saan makakakita ako ng pera.

Here Without You (EUPHORIA series #4)Where stories live. Discover now