R18.
Read at your own risk.
"Hindi kita kilala! Anong well known pinagsasabi mo dyan?"
"Hayyy mukhang nakalimutan mo na nga.. ang dami na kasing dumaan sa 'yo e, 'no?" Aaminin kong naiinsulto na ako sa paraan ng pagsasalita niya pero hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan!
"A-anong---"
"Buwan ng enero.. may babaeng lumapit sa 'yo para magmakaawang ibalik mo sa kanya ang boyfriend niya na inahas mo! At oo, ako 'yon!" Natigilan ako sa sinabi niya.
Biglang nanumbalik sa alaala ko 'yun. May babaeng lumapit sa 'kin nung nakaraang buwan lang. Sa pagkakatanda ko ay nakasuot pa siya ng nurse uniform no'n.. nagmamakawa siyang ibalik ko raw ang boyfriend niya sa kanya dahil sa pang-aahas ko pero dahil sa dami ng tumatakbo sa utak ko nung mga panahong 'yun ay tinakbuhan ko lang siya.
Mahaba pa ang buhok niya nun kaya naman hindi ko na siya natandaan ngayon. At ibang iba siya sa babaeng nasa harapan ko ngayon sa nakaharap kong babae noon!
"Sa isang gabing kaligayahan na binigay mo sa boyfriend ko--- oopss ex na pala.. kasi inigaw mo e." Mapakla pang aniya "Para sa isang gabing kaligayahan na hindi ko nabigay sa kanya ay iniwan na niya ako! Isang katulad mo lang pala ang kailangan niya.. pokpok?" Patanong pang aniya sabay tawa.
"Hindi ko inagaw ang ex mo. Wala akong inaagawan." Mariin pang sambit ko.
"Talaga? Kaya pala hanggang ngayon hanap hanap ka niya?"
"Hindi ko na problema 'yun"
"Hindi nga.. pero may kasalanan ka pa rin!"
"Wala.. kang.. alam." Madiin ang bawat salitang binitawan ko sa harap niya pero ngingisi ngisi lang siyang natawa.
"I came here to move on.. I want to forget the past.." maya maya'y aniya "Pero nakita kita.. at ang boyfriend mo. Kaya nag-iba ang ihip ng hangin.. parang.. nag-iba na ang plano ko." dagdag pa niya sabay ngisi sa 'kin at pasiring na ibinaling ang tingin kay Noah na nakatungo pa rin at halatang hindi nag-eenjoy sa party.
Ano kayang iniisip niya?
"Aww parang hindi siya nag-eenjoy... hmm lapitan ko kaya--" akmang lalakad na siya palapit kay Noah nang marahas kong hilihan ang kamay niya! "Ouch!"
"Subukan mong lumapit sa kanya... wala pang tatlong hakbang, tumba ka na." Pagbabanta ko pa sa kanya pero tinaasan niya lang ako ng kilay at maarteng humawak pa siya sa dibdib niya at umarteng natatakot sa sinabi ko.
"I'm scared huhubels" pag-iinarte pa niya sabay hila ng kamay niya at naglakad palapit kay Noah!
Sa isip isip ko ay humihiling ako na sana madapa siya-- at ang lakas talaga ng kapit ko sa taas! Nadapa nga siya.
Hahahahhahahahaha!
Pinagtinginan siya ng mga nakakita at pinagtawanan pero hindi sa kanila napunta ang tingin niya kundi sa 'kin! Isang matalim na matalim na tingin ang binigay niya sa 'kin.
"Love.. are you okay?" Bahagya pa siyang nagulat nang marinig ang boses ni Noah na nakatayo na sa likuran niya!
Parang lahat ng dugo ko ay umakyat sa bunbunan ko at gusto ko nang pagsasapakin ang babaeng 'yan!!
Ang kaninang gulat sa mukha niya ay mabilis na napalitan ng ngisi at pag-iinarte na parang na-sprained na naman ang ankle niya! Psh.
"H-hindi ako makatayo.. ouch.." maarte pang aniya.
![](https://img.wattpad.com/cover/272430922-288-k127164.jpg)
YOU ARE READING
Here Without You (EUPHORIA series #4)
De TodoEUPHORIA series #4 Two people with different notion in life. But when they entered each other's lives .. they were only given a short time to be together. Life for Coleen Ohales, no longer mattered to her. While life and time for Noah Alarcon, are v...