"A-ahh shit"
Napapikit ako sa sarap lalo pa ng maramdaman ko ang mainit niyang hininga sa dibdib ko.
Iminulat ko ang mga mata ko at nakita kong nakalabas ang mga ngipin niya na pawang nakangiti, pero kunot ang noo niya habang nakapikit.
"M-mm-- a-ahh" ungol pa niya.
Kinabukasan.
Naalimpungatan ako sinag ng araw na tumatama sa talukap ng mata ko. Kunot ang noo kong nagmulat ng mata at pasuray suray pang inilibot ang tingin sa lugar kung nasaan ako ngayon.
Amoy... lalake.
Tumingin ako sa kisame at sa kaliwa ko kung saan nakita ko ang mga damit na nakakalat sa sahig at 'yung bra ko na sumabit pa sa hawakan ng cabinet!
Pinakiramdaman ko ang katawan ko.. ang lamig!
Inangat ko ng bahagya ang kumot na nakapatong sa 'kin at nakita ko namang may suot akong t-shirt na puti.
Pero wala akong suot na panty at bra.
Lilingon na sana ako sa gawing kanan ko ng makita ko ang isang pamilyar na sapatos na nakakalat din sa sahig..
Hmmm luis vitone!
Nakangisi akong lumingon sa kanan at nakita ko nga siya.
Kunot pa ang noo niya habang mariing nakapikit ang mata at nakaawang ang bibig habang mahimbing na natutulog.
Ganyang ganyan siya kagabi hahahaha!
Dahan dahan akong naupo sa kama at sumandal sa head board nito at pinagmasdan ang lalakeng nakasagupaan ko kagabi.
Sinuklay suklay ko pa ang buhok niya gamit ang kamay ko habang pinagmamasdan ang gwapo niyang mukha. May katabaan ang pisngi niya na mamula mula pa, hmmm mistiso. Makapal din ang kilay niya at katamtaman lang ang haba ng pilik mata niya.. matangos ang ilong na parang guhit pa sa gitna ng dalawang butos nito.. at ang labi..
Ang labi niyang hindi mawala sa isip ko kung gaano kalambot.
Napakagat ako sa ibabang labi ko habang pinagmamasdan ang mukha niya. Makapal naman ang buhok niya at nakahati pa sa bandang gitna. Bahagya kong itinaas ang kumot na nakabalot sa katawan niya at muntikan pa akong natawa ng makita kong boxers lang ang suot niya.
Nakuha pa niyang isuot 'yun ha?
Napatingin ako ulit sa suot kong t-shirt at inamoy ito! Amoy lalake!
Ito 'ata 'yung suot niya kagabi. Inamoy amoy ko pa ulit 'yung t-shirt ng may bigla akong naalala.
Biglang nanlaki ang mata ko ng maalala ko kung gaano kalaki ang--
"M-mmm.." nabalik ang tingin ko sa mukha niya ng marinig ko ang pag-ungol niya.
Dahan dahan niyang iminulat ang mga mata niya at nagtama ang paningin namin. Bigla siyang ngumiti na medyo kinabigla ko!
Oo, medyo lang.
"G-good morning.." sabi pa niya gamit ang malalim na boses! 'Yung boses ng mga lalake sa umaga!
Paknangshet!
Hindi ako nagpahalata at nginisihan ko pa siya.
"Good moaning.." pang-aasar ko pa sa kanya at natawa siya.
'Yung tawa na sa loob ng bibig! 'Yung hindi nakabukas 'yung bibig niya pero nakangiti siya ng matamis at 'yung tawa niya... nakakapanghina.
Matamis siyang ngumiti sa 'kin bago humikab ng napakahaba at nagkusot kusot ng mata niya. Tumayo na rin siya at nag-stretching streching pa. Napayakap ako sa mga tuhod ko habang nakasandal pa rin sa head board.

YOU ARE READING
Here Without You (EUPHORIA series #4)
De TodoEUPHORIA series #4 Two people with different notion in life. But when they entered each other's lives .. they were only given a short time to be together. Life for Coleen Ohales, no longer mattered to her. While life and time for Noah Alarcon, are v...