"Saan tayo?"
Nasa loob kami ng sasakyan ngayon ni Noah at ang sabi niya sa 'kin kaninang umaga ay may pupuntahan daw kami.
Kanina pa ako palinga linga sa labas pero panay puno at bangin lang ang nakikita ko. Malayo layo na rin kami at may dalawang oras nang bumabyahe pero hindi niya pa rin sinasagot ang tanong ko.
"How many times should I tell you? I wanna surprise you, babe. So chill.." nakangiti pang sabi niya kaya napatango tango na lang ako.
Hawak niya ang kamay ko habang nag-ddrive siya. Nilalaro laro ko 'yun. May nakita akong nailcutter kaya naman pinutulan ko muna siya ng kuko habang nasa byahe.
"Aww" anas niya pero nagtaka ako dahil kanina pa 'yung huling pagputol ko ng kuko niya.
"Ang tagal mo namang mag-react? Haha" natatawang tanong ko sa kanya.
"N-nakalimutan ko e hehehe" natawa na lang ako sa kanya at binalik na sa lagayan 'yung nailcutter.
Muli akong tumingin sa labas ng bintana at nag-humming.
"Babe? Can you sing for me?" Maya maya'y tanong niya. Nasa daan pa rin ang paningin "Please.."
"H-ha? Anong kanta naman?" Nahihiya pang tanong pero nangiti naman siya ng todo.
"Hmmm.. I'm not really inclined to music.. but I wanna hear you sing. Kahit na ano, babe. I'm sure.. magugustuhan ko 'yan" pang-uuto pa niya pero napangiti pa rin ako.
"Sige.. 'yung unang kanta na lang na natutunan.. okay lang ba?" Tanong ko pa sa kanya.
"Sure, babe!" Nakangiti pang anas niya na humalik pa sa likod ng kamay ko na hawak niya.
Peste talaga 'tong lalaking 'to hahahahahha!
"Ehem.." peke pa akong umubo kaya mahina siyang natawa. Imuwestra ko pa ang isang kamay ko na animong may hawak na mic kaya lalo siyang natawa.
~If ever you wondered
If you touched my soul, yes you do
Since I met you I'm not the same
You bring life to everything I do~Panimula ko at tahimik naman siyang nakinig, kagat pa ang ibabang labi habang nakangiti at bahagyang gumagalaw pa ang ulo niya.
~Just the way you say hello
With one touch I can't let go
Never thought I'd fall in love
With you, yeah yeah~Para magkaroon ako ng beat ay pumapalo palo pa siya sa unahan ng kotse at tatawa tawa naman kaming dalawa habang ginagawa niya 'yun.
~Because of you, my life has changed
Thank you for the love and joy you bring
Because of you, I feel no shame
I'll tell the world it's because of you~Sa chorus ay parehas kaming napatitig sa isa't isa. Pumikit pa ako habang kunot ang noo ko dahil sa damang dama ko ang pagkakakanta ko. Ang sarap sa pakiramdam.
~Because of you, my life has changed
Thank you for the love and joy you bring
Because of you, I feel no shame
I'll tell the world it's because of you...~Mas madamdamin pa ang pagkakanta ko sa huling chorus ng kanta kaya naman matamis ang ngiting bumalatay sa mukha niya.
"Babe.."
"Mmm?"
"I wanna kiss you.."
"Psh.." natatawang singhal ko at mabilis na ginawaran siya ng halik. Nakapikit pa siya ng bitawan ko ang mga labi niya.
YOU ARE READING
Here Without You (EUPHORIA series #4)
De TodoEUPHORIA series #4 Two people with different notion in life. But when they entered each other's lives .. they were only given a short time to be together. Life for Coleen Ohales, no longer mattered to her. While life and time for Noah Alarcon, are v...