"Ako 'to.. si Kendrick.."
Bakas ang excitement at tuwa sa mukha niya nang makita ako at ako naman ay hindi.
Sino ba 'to?
"Hindi kita kilala, sorry" napapahiyang sabi ko. Ayokong maka-offend pero hindi ko talaga siya kilala.
"Bilis mo namang makalimot.." kunwari pa siyang nalungkot pero natawa din sa huli "Hahahaha biro lang! Makiki-inom lang sana ako.. naubos na kasi 'tong binaon ko na tubig e" aniya sabay pakita sa 'kin ng baunan niya ng tubig "Malayo pa kasi dito 'yung bahay ko kaya naglakas loob na akong kumatok sa bahay na 'to.. na sa 'yo pala hehe" nakangiting dagdag niya. Hindi ko maintindihan kung bakit ganyan ang pakikitungo niya sa 'kin. Para bang ang tagal tagal na naming magkakilala.
"Hindi sa 'kin 'tong bahay.." seryosong saad ko, bahagya naman siyang nagulat kasunod ay nagtaka "Sa boyfriend ko 'to." Nakangiti pang dagdag ko.
Ang ngiti sa mukha niya ay biglang pumait at lumalamlam pa ang mga mata niya.
Ano bang nangyayare sa lalaking 'to? Psh.
"Kuha na kita ng tubig, sandali.." paalam ko pa sa kanya at sinarhan siya ng pinto.
Hindi ko alam kung bastos bang matatawag ang ginawa ko pero ayoko lang na magpapasok ng hindi ko naman kilalang tao sa bahay ni Noah. Lalo pa ngayon na may kasama akong dalawang bata.
Habang kumukuha ng tubig sa ref ay hindi ko maiwasang isipin kung paano niya nalaman ang pangalan ko at kung bakit ganoon siya kung umasta sa harapan ko?
Nang masalinan ko na ng tubig ang baso ay nadaanan ko pa 'yung dalawang bata sa dining na nagpapalitan na naman ng masasamang tingin!
Tatawa tawa kong iniwas ang tingin ko sa kanila at naglakad na ako ulit papalapit sa pinto at binuksan ito. Nakita ko 'yung Kendrick na naka-upo sa tabi ng gatter at inaantay ako.
"Woi.. eto na tubig mo" anas ko.
Tiningnan niya naman ako at nginitian pero hindi siya tumayo at sumenyas pa na lumapit ako.
Ang kapal ng apog ng lalakeng 'to ah! Psh.
"Thanks," aniya ng iabot ko ang baso sa kanya. Uminom na muna siya pero kinalahati lang 'yung inom!
'Ge, king ina patagalin mo pa!
"Ahh!" Nakangiti pang anas niya pagkatapos uminom.
Napakrus lang ako nang braso habang inaantay siyang matapos uminom. Nang maubos niya ay agad kong kinuha sa kanya ang baso pero sinadya niyang hawakan ang mga kamay ko habang diretsong nakatingin sa mga mata ko at matamis pang ngumiti! Pinagkunutan ko lang siya ng noo.
"Bitawan mo nga ako!" Asik ko sabay hila ng kamay ko
Nakakapunyeta na 'tong kalbo'ng 'to! Psh.
"Sorry.. I just miss holding those hands.." nginuso pa niya ang mga kamay ko.
"Woi kalbo!" Dinuro ko siya dahilan para ikagulat niya "Sino ka ba talaga ha!? Bakit ganyan ka magsasalita at magkikilos sa harapan ko?? Sa pagkakatanda ko kasi.. wala pa akong nakasalamuhang kagaya mo." Pinasadahan ko nang tingin ang kabuuan niya habang tinatapik tapik ko pa ang braso ko habang magka-krus ito.
"Awts.." umarte pa siyang parang nasaktan at humawak sa dibdib niya "Bilis mo namang makalimot, Coleen.." aniya sabay matamis na ngumiti "Siguro nga hindi mo na ako natatandaan.. kasi hindi naman ako ganito nang makilala mo dati.." nakangiti pero sinserong usal niya. Lalong kumunot ang noo ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/272430922-288-k127164.jpg)
YOU ARE READING
Here Without You (EUPHORIA series #4)
RandomEUPHORIA series #4 Two people with different notion in life. But when they entered each other's lives .. they were only given a short time to be together. Life for Coleen Ohales, no longer mattered to her. While life and time for Noah Alarcon, are v...