•70

2 0 0
                                    

Madaling araw ng alas dos ay gising pa rin ako habang yakap yakap ang lalaking mahal ko..

Hindi ako makatulog dahil sa lakas ng hilik nya pero na-cu-cute-an ako don! Kapag hihilik kasi sya ay napapakamot pa sya sa ilong nya at ngumingiwi ngiwi pa saka yayakap ulit sa'kin habang nakangiti

Mahimbing syang natutulog habang nakalapat ang pisngi nya sa may bandang dibdib ko. Nakangiti pa sya habang mahimbing na natutulog sa tabi ko..

Hindi ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko habang ramdam na ramdam ko ang magkalapat naming katawan.. basta ang alam ko.. masaya ako.

Pero hindi ko maiwasang matakot.. takot sa posibilidad na ayawan nya ako sa oras na malaman nya kung anong klaseng trabaho ang mayroon ako.

Inalis ko yun sa isipan ko at nakangiti kong pinagmasdan ang gwapo nyang mukha. Suklay suklay ko ang buhok nya gamit ang kamay ko at dinampian ko na naman ng halik ang noo at ilong nya.

Mahigpit ko syang niyakap at naramdaman kong yumakap din sya pabalik dahilan para mapangiti ako lalo at tuluyan ko nang pinikit ang mga mata ko..

Kinabukasan.

Naalimpungatan ako sa sinag ng araw. Unti unti kong minulat ang mga mata ko at dalawang beses pa akong napatingin sa hinigaan ni Noah kagabi pero wala na sya!

Napakurap kurap pa ako pero ako na lang ang mag-isa sa kama. Tiningnan ko pa ang kabuuan ko! Bukod sa white shirt nya ay wala nang ibang saplot ang katawan ko.

Napangiti ako habang inaamoy amoy pa ang t-shirt nya! Pero gulat akong napatingin sa pintuan ng marinig ko ang dahan dahang pagbukas nito kaya naman daglian akong nagtalukbong ng kumot!

"Just put it there.. thank you.." narinig ko pa ang boses ni Noah at ang pagkalansing ng mga metal na bagay

Nang marinig ko ang pagsara ng pinto ay nanatili ako sa pwesto ko at nagtulog tulugan.

"Babe.." malambing pang tawag nya sa'kin pero hindi nya ako inaalog alog para magising. Hinawi nya ang kumot kaya nagkunwari pa akong nasisilaw sa liwanag habang nakapikit pa rin "You're so beautiful babe.. i can't help but to stare at you.. i love you.." naramdaman ko ang pagdampi ng labi nya sa noo ko

Hanggang sa maramdaman ko sa talukap ng mata ko ang mga labi nya..

Sa pisngi..

At sa.. labi!!

Doon na ako nagmulat ng mga mata ko!!

"Mm!" Sabi ko pa dahil magkalapat pa rin ang mga labi naming dalawa. Nagulat din sya ng bahagya ko syang itulak kaya nahihiya kong tinakpan ang mga labi ko! "H-hindi pa ako nag-ttooth brush" natawa naman sya at muling lumapit sa'kin at tinanggal ang mga kamay kong nakatakip sa labi ko

"Hey.. it's okay, babe. Good morning.." at muli na naman nyang inangkin ang mga labi ko.

Nagpasakop naman ako! Hahahahaha

Nararamdaman ko na naman yung ibang kiliti sa tyan ko na sya lang ang nakapagparamdam sa'kin..

Nang bitawan nya ang mga labi ko ay wala sa sariling napahabol pa ako kaya natawa na naman sya sabay pindot pindot sa ilong ko

"Eat your breakfast na.. c'mon" nakangiti pang aniya sabay lapit sa food trolley. Inilapit nya ito sa kama ko at naupo sya sa tabi ko..

"Subuan mo 'ko.." nakanguso pang sabi ko sa kanya

"Okay.." nakangiti pang sabi nya at nangiti rin ako. Sya na ang naghiwa ng pancake at nagtusok nito at hinihipan pa nya bago isubo sa'kin

"Ang sarap.."

Here Without You (EUPHORIA series #4)Where stories live. Discover now