Epilogue

3 0 0
                                    

"Aaaahhhhhhhh!!!"

"Push!! Push!!"

"Aaahhhhhh!!!! Ha... ha... Aaaahhhrrrkkk!"

"Push!!"

"Doc.. 5 minutes na lang.. mawawala na ang bisa ng anesthesia na nilagay natin"

"Turukan niyo ako ulet!!" Sigaw ko. Parang winasak ang buong pagkatao ko sa sobrang sakit manganak!

"We can't do that, misis.. hindi ka na makaka-iri pa dahil sa sobrang pamamanhid.." anang doctora.

Pawis pawisan na ako at mahigit dalawang oras na akong nandito sa delivery room pero ayaw pa rin lumabas ng anak ko!

"Aaahhhhhrrrkkkk!! Ha.. ha.. ha..." ang lalim na ng bawat hiningang nilalabas ko sa sobrang pagod kaka-ire!

"Let's try the water birth.." anas ng doctora. Inalalayan nila akong tumayo sa kama at inilipat sa bath tub. "PUSH!!!"

"Ahhhhrrrkkkkkkkk!!" Mahabang ire ko!

"Pushhh!!! Nakikita ko na ang ulo ng bata.."

"Ulo pa lang!??? Aaahhrrckkkk!!" Malakas na ire ko! Parang puputok na ang litid ko sa leeg kasisigaw.

"Pusshhh!!"

Huminga ako ng malalim bago magpakawala ng isang malakas at mahabang ire!

"Aaaaaaaaaaahhhhhhhhrrrccccckkkkkkkk!! Ha!!.... ha...... ha...." hindi nagtagal ay narinig ko na ang pag-iyak ng anak ko.

Nanlalabo ang mga mata ko pero nagawa ko pa ring makita ang pagkampay ng maliliit na kamay at paa niya.. kahit hingal na hingal ako ay nagawa kong ngumiti ng makita ang anak ko.

B-babe.. our son.

Kasabay nang pagbagsak ng luha sa mata ko ay ang pagbagsak ng talukap ng mata ko.. hindi ko na nakayanan pa at nawalan na ako ng malay.

Pagmulat ng mata ko ay bumungad sa 'kin ang pamilya ko.. sila Mama, Iyah, Pao, Mom, Dad at Kuya Arc. Nasa kanya kanyang sofa sila at masayang nag-uusap.

"She's awake.." si Kuya Arc ang unang nakapansin ng paggalaw ko dahilan para lahat sila ay mapatingin sa 'kin at dali daling lumapit papunta sa kama ko.

"How are you, iha?" Nakangiting tanong ni Mom.

"Ayos lang po," nakangiti kong sagot.

Pinakiramdaman ko ang katawan ko at ramdam ko ang hapdi ng ibaba ko kaya napangiwi ako ng kaunti.

"Nag-alala kami ng sobra, anak.. aba e mahigit tatlong oras ka na sa loob. Mukhang ayaw pa ng apo ko na lumabas ay" bahagya pang natawa ang lahat sa sinabing 'yun ni Mama.

"Sana hindi mo siya kamukha, ate" anas ni Iyah. Sinamaan ko siya ng tingin kaya napa-peace sign siya at nagtawanan ang lahat.

"Nakita niyo na ba siya?" Tanong ko sa kanila.

"Hindi pa, ate.. dadalhin pa lang dito ngayon si baby" si Pao.

"May naisip ka na bang ipangalan sa kanya, iha?" Tanong ni Dad.

Nangiti naman ako bago tumango "Japheth.."

"Japheth?" Sabay sabay pang pag-uulit nila sa sinabi ko. Nakangiti ulit akong tumango.

"He's one of the sons of Noah.. nabasa ko ho sa Hebrew Bible.." nakangiti ko pang sambit, at bumaling kay Mom.

Sa nakaraang buwan ng pag-bubuntis ko ay sila Mama at Mom ang lagi kong kasama. Tinutulungan nila ako kung ano ang mga dapat at hindi dapat gawin ng isang buntis. Grabe silang mag-alaga sa 'kin.. minsan pa ay nagpapaligsahan pa sila ng ipapakain sa 'kin pero hindi naman sila umabot sa punto na kailangan pa nilang magtalo.

Here Without You (EUPHORIA series #4)Where stories live. Discover now