"B-babe gising! Gising ka na p-please.."
Paulit ulit ko siyang niyugyog pero ni hindi man lang siya kumibo. Tuloy na tuloy bumagsak ang luha ko at hindi ko na malaman ang gagawin ko.
"T-tulong!!" Sumigaw ako ng sobrang lakas at nagbabakasakaling may kahit isang tao ang makarinig ng sigaw ko.
Binalik ko kay Noah ang paningin ko at kahit mahirap ay sinubukan ko siyang buhatin at iupo sa tabi ko. Paulit ulit ko siyang niyugyog at mahina pang sinampal sampal sa pisngi pero wala pa rin siyang kibo. Gamit ang suot niyang t-shirt ay pinunasan ko ang dugo sa nguso niya.
Doon ko lang din nakita ang pamumula ng buong katawan niya. Magkakahalong itim, pula at ube ang kulay niyon at parang lason na bumabalot sa katawan niya.
"N-noah!" Naiiyak ko na namang tawag sa kanya.
Tumayo ako at sinubukan kong buhatin siya! Sobrang bigat niya!!
"Tulong!!! Tulong pooo tulong!!" Sumigaw ako ng sumigaw at kahit mamaos pa ako ngayon ay patulong akong sisigaw "Tulonggggggg!!" Hinabaan ko ang sigaw ko nang hindi ko mabuhat si Noah.
Napaluhod ako sa harapan niya at hinawakan ang kamay niya. Paulit ulit akong umiyak sa kawalan ng magawa. Nanginginig ako sa takot at sa matindeng kabang nararamdaman ko ngayon.
Lord, please.. huwag po ang ama ng anak ko.
"T-tulonggggg tulong... tulonggg!!" Kasabay ng paghikbi ko ay unti unting pamamaos ko.
Pero ayokong tumigil. Hindi ko alam kung saan pa ako huhugot ng lakas pero ayaw kong tumigil sa pagsigaw.
"B-babe... Noah huwag.. h-huwag please.." pa-ulit ulit akong nagmakawa sa kanya habang hawak hawak ang isang kamay niya at hinahaplos sa pisngi ko.
Nakarinig ako ng mga yabag dahilan para may umusbong na pag-asa sa loob loob ko at inintay ang mga taong 'yun na mahanap kami. Kinuha ko ang isang gasera sa tabi ko at tumayo. Tinaas ang isang kamay hawak ang gasera.
"Tulong!! T-tulong!!" Sigaw ko pa kahit parang wala nang lalabas na boses sa bibig ko.
Hindi naman nagtagal ay dalawang lalake at isang ginang ang tumakbo papalapit sa 'min. Nagtataka man ay agad silang nahabag sa iyak ko at sa kay Noah na nakahandusay na sa sahig at wala pa ring kibo.
"Ano ang nangyare, iha??" Lumapit sa 'kin ang ginang pero nanatili kay Noah ang paningin ko.
"Pare, buhatin na natin bilis!" Anas ng isang lalake at sumunod naman ang isa pa.
"May dala ka bang sasakyan, Miss?" Tanong pa ng isang lalake sa 'kin pagkabuhat nila kay Noah. Sunod sunod naman akong tumango.
"S-sundan niyo na lang ako.. s-salamat" sabi ko. Pinahid ang luha at saka dali daling pumasok ng tent at kinuha ang gamit namin doon ni Noah.
Wala nang oras para iligpit pa ang tent kaya naman naisip kong balikan na lang ito. Patuloy pa rin ang pag-agos ng luha ko habang sinusukbit ang bag ni Noah sa likod ko at sinabit ko naman sa leeg ko ang sling bag ko. Hindi ko na alam ang itsura ko at wala na akong pake!
Natataranta akong lumabas nv tent at sinalubong naman ako ng dalawang lalaking buhat buhat kay Noah at sinenyasan silang sumunod na sa 'kin. Sumunod rin ng ginang sa 'min na todo paalala sa dalawang lalake na ingatan si Noah.
Hindi ako makapag-isip ng tama. Paulit ulit tumatakbo sa isip ko ang itsura ni Noah kanina simula pa kaninang umaga.
Napahilamos ako ng mukha ko at nagpahid ng luha. Gusto nang sumuko ng katawan ko para maglumpasay pero kailangan kong kayanin.
YOU ARE READING
Here Without You (EUPHORIA series #4)
RandomEUPHORIA series #4 Two people with different notion in life. But when they entered each other's lives .. they were only given a short time to be together. Life for Coleen Ohales, no longer mattered to her. While life and time for Noah Alarcon, are v...