"Breath in.. breath out.."
Ginawa ko ang sinasabi ni Noah habang kumakampay kampay pa ang kamay niya, pataas-baba.
"Breath in.. *hup* breath out.. *wooh*" n
Nakapikit kami pareho at kaunting kunti na lang ay hahagalpak na ako sa tawa dahil sa kanya!
"Breath in.. *hup* sabayan mo 'ko.." nakanguso pang sabi niya ng imulat ko ang mata ko ng bigla siyang magsalita. Pero nanatiling nakapikit ang mga mata niya dahilan pata mapangiti ako sa ka-cute-an niya!
"Sige na nga!" Kunwari pang napipilitang sabi ko pero hindi ko na pinikit pa ang mga mata ko at tinitigan ko na lang ang mukha niya.
"Breath in... *hup*" nang magsalita siya ulit ay nakisabay na ako "Breath out.. *wooh*"
"Breath in.. *hup* hahahahahahahahaha" hindi ko na napigilan ang tawa ko dahil may muntikan ng pumasok na langaw sa bibig niya haha!
"Hey.. focus!" Sabi pa niya sa 'kin habang nakapikit pa rin at kunot na kunot ang noo niya.
"Hahahahaha tama na! Papasukan ka na ng langaw sa bibig niyan! Halika ka na.." sabi ko sa kanya habang pigil na pigil pa rin ang tawa ko.
Nang imulat niya ang mga mata niya ay ngiting ngiti naman siyang tiningnan ako. Walang sali-salitang niyakap niya ako ng mahigpit.
"It's life.. don't waste it." Emosyonal pang bulong niya sa 'kin habang magkayakap kami, napangiti naman ako.
Sakay ng isang trycicle ay bumalik na kami sa mga bato na bahay at nag-aabang na sa 'min sila Marthy at 'yung tour guide namin na bakas ang pag-aalala sa mga mukha nila.
"Ssob! Ssob! Saan ho ba kayo galing? Kanina pa ho namin kayo hinahanap e.." si Marthy. Nginitian lang siya ni Noah.
"Success ba?" Pang-aasar pa ni Noah dito dahilan para mahina akong matawa.
"Ssob naman e.." kakamot kamot pa sa ulong sabi ni Marthy.
"Paano po? Balik na po tayo sa hotel?" Biglang singit ng tour guide at tumango naman kami sa kanya.
Pagbalik namin sa hotel ay hawak na naman ni Noah ang kamay ko. Sa totoo niyan.. kanina pa ako may inaabangan na gagawin niya.
Alam mo na 'yun. Peste!
'Yun kasi ang sinabi niya sa 'kin, 'di ba? It's part of my.. job.
"Uhmm Coleen?" Bigla akong nilingon ni Noah kaya naman bahagya pa akong nagulat na kinakunot ng noo niya.
"Y-yes?"
"A-are you.. hungry?" Tanong niya.
"H-hindi naman.. magpapahinga na lang ako sa kwarto" tipid naman ang ngiting tumango siya sa 'kin.
Hinatid niya pa ako sa kwarto ko at sinabing bukas na raw ng umaga ang uwi namin sa maynila.
Hindi ko maintindihan ang pakiramdam ko. Para bang.. nakukulangan ako sa oras at kailangan kong sulitin 'yun at makasama ko pa siya ng matagal. Hindi ko alam kung ako lang ba 'yung nag-aantay na may sabihin siya o.. ipagawa sa 'kin?
'Yun naman kasi ang trabaho ko e.. ang magpaligaya. Kaya kung walang mangyayare ngayon, ano'ng ginagawa ko? Wala akong serbisyong nabigay sa kanya. At hindi pwede sa 'kin ang gano'n. Bayad ako.
Nagpahinga lang ako sandali at bumaba na rin. Saktong pagbaba ko sa lobby ay narinig ko ang boses nung dalawa na parang may seryosong pinag-uusapan. May malaking vase at fake flowers naman ang nasa harapan ko na nasa gilid naman nila kaya hindi nila ako makikita dito.
YOU ARE READING
Here Without You (EUPHORIA series #4)
RandomEUPHORIA series #4 Two people with different notion in life. But when they entered each other's lives .. they were only given a short time to be together. Life for Coleen Ohales, no longer mattered to her. While life and time for Noah Alarcon, are v...