•68

2 0 0
                                    

Pinuntahan ako kanina ni Marthy para sabihing mag-ddinner na raw kami sa baba at sinabi kong susunod na lang ako.

Doble dobleng kahihiyaan na nangyare sa 'king ngayong araw. Pakshet!

Pagbaba ko sa resto nitong hotel ay naabutan ko pang nagbubulungan 'yung dalawa. Rinig na rinig ko ang bungisngis ni Marthy habang iiling iling namang natatawa sa kanya si Noah.

Nang makita nila ako ay agad na tumayo si Noah at nakangiting lumapit sa 'kin.

"Are you mad?" Nakanguso pang tanong niya sa 'kin kaya hindi ko na napigilang matawa.

May karapatan ba ako?

"Oo." Biglang seryosong sabi ko dahilan para manlaki ang mata niya sa gulat.

"I-is that because of--"

"Gutom ako. Wala ako sa mood 'pag gutom ako hehe" pilit pa ang tawang sabi ko at parang nakahinga naman siya ng maluwag dahilan para maiwas ko ang pagtingin ko.

"Okay, then.. kain na tayo?" Nakangiti pang aya niya sa 'kin at naglakad na kami palapit sa table.

Marami ang tao sa restaurant nang ilibot ko ang paningin ko sa loob ng resto. Karamihan ay magkakapamilya ang nandidito dahilan para mapansin ko ang isang babaeng nakatingin din ng diretso sa 'kin--- hindi pala sa 'kin! Kay Noah!

Siya 'yung babaeng na-sprained ankle raw. Psh!

Akmang papaupuin na ako ni Noah sa upuang nakatalikod doon sa babae kaya naman agad akong lumipat sa katabing upuan ni Marthy kung saan makakaharap ko 'yung babae. Gulat naman akong tiningnan nung dalawa.

"A-ahh 'yung aircon kasi, dito nakatapat hehe" pagdadahilan ko pa nang magtaka sila sa inasta ko.

"O-okay.." napapatangong sabi na lang ni Noah at naupo na sa upuang nakatalikod doon sa babae.

Pinasadahan ko ng tingin 'yung babae at ang taas taas na ng kilay niya!

'Ge lang gago. Kahit umabot pa sa bunbunan mo 'yang kilay mo, hindi mo malalandi ang pag-aari ko.

Ay tarantado! Ano bang iniisip ko?

"A-aha ahahahahahahahah" kunot noo kong sinamaan ng tingin si Marthy nang bigla siyang matawa habang umiiling iling pa. Nang makita niya ang masamang tingin ko ay bigla siyang umayos ng upo "T-try niyo po 'to Ma'am.. m-masarap po 'yan hehehe" sabi pa niya sabay hila nung isang plate papalapit sa 'kin.

"Mmm.." tumatango pang sabi ko at nag-umpisa nang kumain.

Ramdam ko ang palitan nang tingin nung dalawa na para bang may mensaheng pinaparating sa bawat isa pero hindi ko na lang sila pinansin hanggang sa matapos na kaming kumain. Nauna akong tumayo.

"Babe.." agad akong hinabol ni Noah at hinawakan pa ang kamay ko "M-may party daw na magaganap maya maya diyan sa labas ng hotel oh.. gusto mo ba sumama?" Nakangiti pang aya niya sa 'kin.

"Masaya 'yon ma'am! Party party hahahaha" si Marthy.

"Ano raw meron? Bakit may party?" Tanong ko sa kanila habang papalabas kami ng resto.

"Bukas na raw ho kasi ang umpisa ng fiesta dito sa laoag, Ma'am. Ano nga tawag sa festival na 'yun ssob?" Baling pa niya kay Noah na napa-isip din.

"Pa.. pa.. what is that again?" Bahagya pang nakatingalang nag-isip si Noah habang pinipisil pisil na naman ang baba niya "Pamu.. pa--"

"Pamulinawen Festival ba?" Sabay sabay kaming napatingin sa nagsalita!

Here Without You (EUPHORIA series #4)Where stories live. Discover now