A/N: Singit ko lang sa chapter na 'to ang first lead ng story na 'to. Actually, different story sila. Pero itong Here Without You ay continuation or should I say.. inspired sa story ko dati na hindi ko na naituloy. So maisingit ko lang 'yung first lead ng story na 'yun haha!
Magulo ba?
Hayaan mo na!
HAHAHAHHAHAA
--
"So... where's my gift?"
Kunot noo akong napatingin kay Noah ng tanungin niya 'yun. Nasa daan pa rin ang tingin niya.
"Gift?" Takang tanong ko. Doon niya ako nilingon at bigla na lang siyang natawa.
"Today is my birthday, babe.." anas nkya. Nanlaki ang mata ko.
Shit!!
Sa dami ng iniisip ko, nakalimutan ko na!
Ano bang araw ngayon??
"Nakalimutan mo?" Nakangusong tanong niya. Hindi naman ako nakasagot agad.
"S-sorry.."
"Hehehhe it's okay, babe. Bilhan mo na lang ako regalo sa pupuntahan natin" anas niya.
Napangiti ako ulit at hinimas himas ang tyan ko.
Sana maging masaya ka sa regalo ko, babe.
Nagpatuloy ang byahe at katulad dati ay hindi ko na naman alam kung saan kami pupunta ni Noah.
Dahil hindi pa raw nag-bbreakfast si Noah ay nag-drive thru kami sa isang fast food chain.. may kalayuan pa raw kasi ang byahe kaya dito na siya kakain.
Nakapag-agahan naman ako kaya ako na lang ang nagsusubo sa kanya ng in-order niya habang nag-ddrive siya.
"Tissue?" sabi ko pa. Ngumuso naman siya at ako na ang nagpunas ng gilid ng labi niya.
"*burp* hehehe thanks, babe!" Anas niya.
Nilinis ko na muna ang pinagkainan niya at nilagay sa paper bag at saka nilagay sa upuan sa likod. Doon ko napansin ang isang mahabang bag.. kung hindi ako nagkakamali ay lagayan 'yun ng tent.
"Babe? Bakit may tent kang dala?" Tanong ko sa kanya. Mabilis niyang tiningnan 'yun at saka agad na binalik ang tingin sa daan.
"Ah that.. gagabihin kasi tayo, babe.. baka umulan mamaya kaya para lang handa.. nagdala na ako ng tent natin" nakangiting anas niya. Tumango tango naman ako.
Ilang minuto pa ang lumipas at mukhang narating na namin ang destinasyon. Nagdahan dahan na kasi sa pagpapatakbo ng sasakyan si Noah at maya maya lang ay naka-park na kami.
Luminga linga ako sa labas pero puro bundok at bato ang nakikita ko.. may iba ring sasakyan at mga turista ang nandidito pero natuun ang atensyon ko sa mga bundok dito.
Parang nakita ko na 'to online.
"Babe." Natinag ako ng biglang bumakas ang pinto at hindi ko namalayang nakalabas na pala si Noah ng kotse at nandito na siya ngayon sa harapan ko.
Bumaba na rin ako ng kotse at humawak sa braso niya. Habang naglalakad kami ay natutuwa ang mata ko sa magandang tanawing nakikita ko. May mga nakasabay kaming mga foreigner kasama ang kani kanilang mga partner at mga kaibigan.
Pumasok kami sa isang parang kubo at doon kami sinalubong ng receptionist at si Noah ang nakipag-usap dito. Maya maya lang ay binalikan niya na ako at muling hinawakan ang kamay ko.
YOU ARE READING
Here Without You (EUPHORIA series #4)
DiversosEUPHORIA series #4 Two people with different notion in life. But when they entered each other's lives .. they were only given a short time to be together. Life for Coleen Ohales, no longer mattered to her. While life and time for Noah Alarcon, are v...