CHAPTER 14

26 0 0
                                    

SHARMAINE

Nagwawala si Sharmaine ng makita ang naka headline. Na may ibang kasamang babae si Marco. Nakatitig siya sa mukha ng babae ngunit hindi niya maklaro ang mukha ng babae. Sa tindi ng inis nanginingig ang kanyang kamay. Tinapon niya ang kanyang cellphone at nagwawala sa kanyang kwarto pinagtatapon niya nag mga gamit niya doon.

"Arghhhhhh. Akin ka lang Marco. Akin ka lang" sigaw ni Sharmaine.

Narinig ito ng katulong at agad binuksan ang pinto.

"Ma'am, tama na!" nanginginig ang tono ng boses ng katulong.

Sinigawan ni Sharmaine ang katulong at napaindak ito dahil sa gulat.

"Get Out!" Sigaw nito at patuloy pinatatapon ang mga unan.

Hindi parin natinag ang katulong nanatiling nakatayo sa pinto.

"Ma'am", tanging sambit ng katulong na nakahawak ang isang kamay sa may door knob.

"I said get out. Get out!" Tinaponan ni Sharmaine ang katulong ng isang maliit na stuff toys sigaw ulit nito sa katulong biglang pumasok ang mommy niya nilapitan at inawat siya nito.

Nilibot ang tingin sa paligid nakakalat ang mga gamit dahil sa pinatatapong gamit. Tumingin si Mrs. Guanzon sa gawi ng katulong.

"Sige na lumabas ka muna. Ako na bahala dito" saad ni Mrs. Guanzon sa katulong at bumaling ito ng tingin kay Sharmaine at hinawakan ang dalawang kamay, "Anak, Sharmaine. Tama na" Pakiusap ng mommy niya at agad bumitiw si Sharmaine sa pagkahawak

Ngunit niyakap si Sharmaine at nagpaubaya nalang ito sa ginawa at sabay haplos sa buhok.

"Mommy! Please help me, " umiiyak nagmamakaawa sa mommy niya.

"Bakit anak anong problema? Bakit ka nagka ganito?" patuloy ang paghaplos ng buhok nito at may pag-alala ang boses

"Mommy, I need Marco, ayoko siyang mapunta sa iba mommy. Akin lang siya mommy." Kumalas ito sa pagkayakap at tinitigan niya ang mata ng mommy niya at may panginginig na boses nito.

"Anak, diba sabi ko sayo na hi-" Hindi natuloy ang kanyang sasabihin dahil binara na ito ni Sharmaine

"No, mommy, gagawa ako ng paraan para maging akin si Marco, I love him mommy, alam mo iyon mommy kaya please, tulungan mo ako mommy.Ayaw ko siyang mapunta sa iba."

Hinawakan niya ang dalawang kamay ng mommy niya para makiusap. Niyakap ulit ni Mrs Guanzon ang anak niya.

"Okay, kaya tahan na."

Walang magawa si Mrs Guanzon kundi sabayan ang sinabi ng anak kaysa mapahamak pa ito o ano pa ang gawin sa sarili.

"Talaga mommy? Nakangisi niyang tanong para mai kompirma ito.

"Yes anak. Everything is okay. Kaya ayusin mo ang sarili mo. Okay!"

Tango ang tugon ni Sharmaine na naniniwala siya na matutulungan siya ng mommy niya.

---------------------

Abala si Tracy sa pag-aayos ng kanyang papeles niya sa pag-alis, kailangan niyang ayusin lahat mga records ng pasyente para mai forward sa doctor, para sa pag-alis niya wala na siyang iniisip bago siya magleave.

Nang matapos niya ito, napa-unat siya ng kanyang dalawang kamay pataas para ma stretch ang boo niyang katawan.Isang segundo lang niya ginawa umupo na siya ng tuwid.

Tinawag niya ang kanyang secretary na si Lenny.

"Lenny" tawag niya agad pumasok si Lenny sa kanyang office at lumapit sa may lamesa at nakatayo na siya sa harap ni Tracy.

I Will Take You ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon