CHAPTER 30

17 0 0
                                    

Ilag oras silang naghintay sa kanyang paggising.

Hanggang narinig nila na nagsasalita si Tracy. Tinatawag ang pangalan ng kanyang mommy.

Hindi halos mabuka ang kanyang mga mata.

"Mommy, mommy" sambit niya na hindi mapakali.

"Tracy, anak. Tracy." Pilit siyang ginising ng kanyang daddy.

Narinig niya na na may tumatawag sa kanyang pangalan. Agad napaupo sa kanyang higaan at nagising siya na halos maubusan na siya ng hininga dahil sa panaginip. Ramdam niya rin ang pawis sa noo dahil sa panaginip na 'yun- panaginip na totoo.

Matapos magising ni Tracy sa isang masamang panaginip, malalaman niya na wala na ang kanyang mommy. Hindi lang ito panaginip kundi totoong nangyari. Sana naging panaginip nalang. Paano niya matatanggap na wala na ang mommy niya. kakayanin kaya niya? lalo na siya ang naging dahilan ng lahat.

"Anak. Tracy," Hinagod ang kanyang likod

Hindi pa siya nagsalita napahagolhol sa iyak si Tracy at niyakap na lamang siya ng daddy nya ng mahigpit. " Tama, anak" walang ibang mailabas sa labi ng daddy niya dahil nararamdaman niya ang sakit ng naramdaman ni Tracy. Nagpatuloy sa kanyang pag-iyak si Tracy. Wala na siyang magagawa. Gusto niyang makita ang mommy niya ngunit parang waa siyang mukhang ihaharap. Hindi niya kaya. Hindi man lang niya nakita ang mommy niya. Ang masakit nasa sementeryo nalang niya ito makikita. Sa totoo hindi niya kaya. Hindi.

Kumalas si Tracy sa pagyakap ng kanyang daddy "Dad, sabihin mo sa akin na hindi totoo na wala na si mommy?" isang paniguradong tanong niya. Baka naman panaginip lang talaga ang lahat.

Niyakap ulit si Tracy ng kanyang daddy, "Dad, bakit ayaw mong magsalita? sabihin niyo sa akin dad? na hin di totoo" patuloy niya sa pag-iyak.

"Nagpahinga na ang mommy mo anak" sabi ng daddy niya.

Sa narinig niya agad niyang tinulak ang daddy.

"Hindi dad. Buhay pa si mommy dad. Dad." Sigaw niya

"Tracy, please tama na anak, nakakasama sa iyo." tanging sabi nito na pilit siyang pinakalma

"Kasalan ko dad kung bakit namatay si Mommy. Ako- ako ang may kasalanan dad. Kung hindi ko siya pinilit," Tinakpan niya ang kanyang mukha ng kanyang dalawang palad at napahagolhol siya ng iyak.

Nilapitan siya ng daddy niya at hinwakan ang kanyang pisngi ng dalang kamay nito at pinatingin sa kanya ng deretso " Anak, makinig ka ha, hindi mo kasalanan, Aksidente ang nangyari" Painadiinana niyang sinabi kay Tracy.

"Dad, kahit anong pilit na isipin, pero tumatatak sa isipan ko na ako- ako ang may kasalanan. kahit saan akong tumingin dad, kahit sayo dad kay kuya at ate, hindi ko kayang tingnan dahil hindi kaya ng konsensya ko dad, ako ako may kasalanan." patuloy niya sa pag-iyak

"Huwag kang magsabi ng ganyan anak. Hindi ka namin sinisisi." Hindi tumigil na pinaitindi kay Tracy.

"Madaling sabihin sa inyo dad, madaling bigkasin dad, pero damang-dama ko sa puso ko ang pighati nararamdaman niyo sa pagkawala ni mommy."

Bumuntong hininga ang kanyang daddy. "Anak" hindi na alam ng daddy ni Tracy kung ano pa gagawin para maitindihan ito.

Kinuha ni Tracy ang daawang kamay ng kanyang daddy.

Nakita niya na walang expression sa mukha nakita ng kapatid niya. Hindi man lang ito nagsasalita. Sinisisi ba siya? Galit ba ito sa kanya?

Umiwas siya ng tingin hindi na niya kaya tingnan ang mga tao nasa paligid niya. Gusto niyang matulog na hindi na magising para hindi na siya makadama ng sakit. Biglang lumabas ang ate niya sa silid at sumunod ang kanyang kuya lalong nanlambot ang bou niyang katawan.

I Will Take You ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon