CHAPTER 35

14 0 0
                                    

Alam naman niya kung ano ibig sabihin ng doctor. Paano ito? sasama siya kung nasaan Christian? Impossible. Hindi pwede paano kung alamin ang background ni Tracy?
Nagsalita bigla si Marco "Doc, ang ibig mong sabihin kailangan makikita niya palagi si-si Ms. Tina?"
"Parang ganon na nga, nakita niyo naman kung ano reaction niya kapag wala sa kanya sa tabi si Ms. Tracy." paliwanag ng doctor
Marco sighed as he abruptly stood up.
"Paano iyon doc? Hindi nga namin kilala si Ms. Tina." saad ni Marco
Umigitng ang tenga ni Tracy sa narinig. Iba talaga ugali hindi makapigil sa sarili. Tumayo na rin si Carlo para pakalmahin si Marco. Hinawakan niya sa isa niyang kamay ang balikat ni Marco
 "Ah.doc. Pasensya na." sabi ni Carlo
"Ang tanging magagawa niyo na pakiusapan si Ms Tina na manatili muna sa tabi ni Christian alang-alang sa pamangkin mo Mr. Desolvia"
Hindi sumagot si Marco sa sinabi ng doctor, paano niya patitirahin ang isang tao na hindi man lang ito kilala kung ano ang background nito. 
Napansin ni Carlo na nakatulog na si Christian sa tabi ni Tracy.
"Ok doc iyon ang gagawin namin alang-alang sa pamangkin namin" biglang napatingin si Marco na nakakunot ang noo kay Carlo dahil sa sinabi ito. Na nangugusap ang kanyang mata. Marahan siya tumingin sa taas at saglit na bumuga ng hangin. "Paano doc, aalis na kami. Salamat doc." dagdag niyang sabi
Tango lang ang naging ganti ng doctor.
Lumapit si Carlo kay Tracy para tulungan siya dahil nakatulog na si Christian ngunit biglang nagising si Christian at humigpit ang hawak sa mga braso ni Tracy. Nagtagpo ang mga mata ni Carlo at Tracy.
"Ako na" Tracy smiled at Carlo and just responded with a nod, " Christian halika na, uwi na tayo" In a soft tone of voice, she said. Tumayo sila at inalalayan niya si Christian na tumayo.
Tracy and Carlo were the first ones out of the dispensary with Chrisitan.
Bumuga ng hangin si Marco at huminga ng malalim saka nirelax ang sarili bago lumabas ng clinic ng doctor. 
Nasa labas na sila ng clinic agad kinausap ni Marco si Carlo. Medyo lumayo sila kina Tracy para hindi marinig ang kanilang pinag-uusapan.
"Carlo, mag-usap tayo." Hindi na maipinta ang mukha niya. Hindi talaga siya makapigil sa sarili. Napameywang siya, " Carl, anong ibig mong sabihin kanina sa doctor? Bakit pumayag ka agad sa sinabi ng doctor?" he added 
"Pinsan, wala tayong magagawa siya ang kailangan ni Christian ngayon. Nakita mo naman diba?" tugon nito. 
"Hindi natin kilala ang tao, ayaw kung magpapatira ng ibang tao sa bahay," Singhal niya. " Baka ngayon lang yan na gusto siya ni Christian" dagdag niyang sabi
"Wala tayong choice o wala kang choice, alang-alang kay Christian. Ito ng matagal mong hinintay diba bumalik sa normal si Christian. Marco, pansamantala lang naman at saka Marco mukha naman mabait si Tina. Niligtas nga niya si Christian diba?" pinagdidiinan ni Carlo na pabor siya sa sinabi ng doctor. Naiitindihan naman niya si Marco na hindi magpapatira ng ibang tao sa bahay nila. Hindi ito sanay na may ibang tao. Simula ang aksidente hindi na ito nag papasok ng ibang tao sa bahay nila.
"Marco, naiitindihan kita, kung nagdududa ka pwede mo naman ipacheck background ni Tina, para maging sigurado ka, maging kampante tayo."
Huminga siya ng malalim bago ulit tiningnan si Tracy at bumaling siya kay Christian. Tama ang kanyang pinsan kay tagal niyang hinintay ito na bumalik sa normal ang pamangkin niya. Tama para makasigurado siya ipa background check niya.
Nagsalita ulit si Carlo " Nag-uusap tayo hindi pa natin alam kung pumapayag ba si Tina sa 'tin. Yan din ang inaalala ko" may pag-alala sa tono ng boses nito.
Muling nalipat ang paningin niya sa pinsan niya. Bakit hindi nila naisip iyon. Nagtatalo na sila hindi pa nila alam kung papayag si Tracy sa gusto nila. 
"Marco, kailangan mo na nating iuwi si Christian, at saka natin kakausapin si Tina" Tinapik niya ang braso ni Marco na senyales na okay na aalis na sila
Naiwan si Marco nakatayo habang pupunta na si Carlo sa banda kung saan nakaupo sina Tracy.
Sumunod na si Marco at lumakad papalapit sa kanila.
"Tina, pwede ba kaming makiusap" sabi ni Carlo kay Tracy
"Oh, ano 'yon?"she responded immediately habang hinhimas-himas niya ang buhok ni Christian. 
"Kung okay lang sayong sumama ka muna sa amin pauwi, alam mo naman diba" Umupo si Carlo sa tabi ni Christian yumuko ito at ioinatong ang dalawang siko sa may hita niya.
Kinagat ni Tracy ang kanyang labi bago siya tumugon sa gusto ni Carlo. "Okay lang ba sa inyo na isama ako? Kakilala niyo pa lang sa akin?" paninigurado niya. 
Ngumisi pabahagya si Carlo sa naging tugon ni Tracy "Natitityak ako mabuting kang tao."
Binukas niya ang kanyang bibig para sumagot sana sa sinabi nito but she frozed when she heard a cold voice.
"Bakit? may hindi ka ba mapagkatiwalaan?" tanong ni Marco na nakataas ang kilay. 
Tracy's forehead creased as a response to what Marco said. Even though no logical word comes out of his mouth.  
Napansin ni Carlo na bangayan na ang punta ng dalawa kaya tumayo siya at nagsalita.
"Ah. Tina, please." nakatingin ito kay Tracy na makikita na nakikiusap ang mga ito.
Tumango lang naging response ni Tracy. Tumayo na siya at hinawakan si Christian. " Christian, uwi na tayo." sabi niya tumingin si Christian sa kanya. "Mommy" tawag ulit sa kanya.
Nanlaki ang mata ni Marco sa narinig. Nasaksihan na niya na nagsalita ang pamangkin niya sa harap niya mismo. Ang sarap sa gaan sa pakiramdam dahil kahit paunti-unti lang nakapagsalita na ito.  
Ilang taon ng nakalipas ang aksidente. Ngayon pabalik na sa normal ang pamangkin niya, kailangan muna niyang tiisin. Nakaktaba sa puso na marinig ulit niya ang boses ng pamangkin niya. Ipinalalangin niya sa Dios na tuloy-tuloy na ang mga magagandang kapalaran sa kaniya at sa kanyang pamilya. At sana maging ang ate niya magising na ito. para maging bou na silang pamilya. Babawi sila sa mga panahon nasayang nila. 
Hinawakan ni Marco si Christian "Bubuhatin ko na siya"
Saglit napahinto si Tracy sa narinig. Nagtagpo ang kanilang mga matang nangungusap. Na gets ni Tracy ang ibig sabihin nito. 
"Christian, bubuhatin ka ng ti-tito mo, huwag kang mag-alala Christian, nandito lang ako, Hindi ako lalayo" dahan-dahan niyang sinabi sa bata. 
Sumenyas si Tracy kay Marco na buhatin ito. Hindi agad na kuha ang ibig sabihin ni Tracy kaya inulit niyang mag seyas na pede na niyang buhatin.
Agad binuhat at inalalayan ni Tracy si Marco na buhatin ito. kaya naman niyang buhatin hindi naman ito mabigat. Sumabay na rin si Tracy sa mga hakbang ni Marco dahil nakahawak siya kay Christian. 
Napatingin siya minsan sa gawi sa mukha ni Marco na deretso lang ang tingin nito.
Nasaisip niya ito ang lalaki nakilala niya na hindi niya inaasahan na maraming pagkakataon nagtagpo ang kanilang landas. As long as fate made its up its mind
Nasa likuran sila Carlo at Minda nakasunod sa kanila. 
Natatawa siya sa sarili para silang pamilya na binubuo ng ina, tatay at anak. Umiking nakng siya ng umiling napansin ito ni Marco 
"Bakit? may problema ba sa mukha ko?" tanong nito
Agad iniwas ni Tracy ang kanyang mata sa ibang gawi, "hi-hindi ko alam sinasabi mo." 
He gave her a cold-eyed stare fast at hindi niya alam kung anong hitsura niya habang tumitingin siya sa paligid na hindi tiyak kung sino tinitingnan siya.
"Alam mo bang, familiar 'yang boses mo" 
Napatingin bigla si Tracy kay Marco at tinitigan niya ito Napapansin ba siya? Nakilala ba ito ang boses niya? 
Tinaas niya ang kilay niya "Pati ba boses ko may issue na rin?"
"Sabi ko familiar lang, pero imposible ikaw 'yon"
"Bakit sino ba iyon?" kunwari niyang tanong gustuhin niyang alamin kung anong isasagot nito.
"Nothing special" tanging sagot na ito. Malapit sila sa kotse nito.
Umismid si Tracy sa naging sagot nito. 
Nasa harap na sila ng kotse kinuha niya ng kanyang ang remote at susi sa kanyang bulsa, ngunit nahihirapan itong kunin.
"Gusto mo ng tulong?" She volunteered to assist Marco na kunin ang susi sa bulsa nito
Tiningnan lang siya ni Marco. Pinilit na kunin ang susi hanggan nakuha na niya ito.
Nasa labas na din si Carlo at Minda.
"Pinsan doon na tayo magkita sa bahay"
Tumango si Marco sa sinabi ni Carlo. Sumakay ito sa kanyang kotse at ganon si Minda nauna silang umalis. 
Ng pinindot ni Marco ang remote to unlock. Binuksan agad ni Tracy ang nasa likuran para doon sila umupo ni Christian.
Aaktong papasok si Tracy sa likuran ngunit umangal si Marco.
"Anong ginagawa mo?" tanong nito na nakatitig sa kanya 
"Sasakay?" 
Ngumisi pabahagya si Marco, "Sigurado ka ba? Hindi ka ba natatakot baka-"
"Bakit naman ako matatakot? Ginawa ko 'to para kay Christian at isa pa sasama ako ngayon tapos uuwi din ako. Siguro kapag makita na niya ang mommy niya maging ok na ang lahat." deretsang sabi ni Tracy. 
"Bumuga ng malakas na hangin sa ere Marco "Buti alam mo" taas kilay sabi nito.
Papasok na sana ulit sa likuran ng upuan si Tracy ng sitahin ulit siya ni Marco.
"Anong ginagawa mo?" tanong ulit nito kay Tracy
"Ano ba talaga problema mo, diba sasakay?" inis na niyang sabi.
"Sasakay nga, pero hindi ako driver mo para diyan ka umupo."
Nanganga si Tracy sa sinabi nito. 
Sumenyas si Marco gamit ang kanyang ulo na doon siya umupo sa frontseat. Tiningnan niya kung saan ito sumenyas. Serious? 
"Ka-kasi si Christian baka mahirapan kung kami dalawa diyan sa frontseat." Hindi niya alam kung bakit nalng ganon biglang tumibok ang puso niya na walang tigil sa pag pintig.
"Bilisan mo, ang dami mo pang sinasabi. "
Agad tumungo si Tracy sa frontseat sumunod sa kanya si Marco buhat parin si Christian na nakatulog na.
Binuksan ni Tracy ang pinto at pumasok na siya. Yumuko si Marco at ipinakandong sa kanya si Christian, agad naman niya itong dinaluhan sa pagalalay na ipaupo ito sa mga hita niya. Kinuha ni Marco ang seatbelt at ng ilagay na ang seatbelt malapit na ang kanilang mga mukha pilit na inalalayo ni Tracy ang kanyang mukha lalong nakalapit ito sa mukha niya dahil nahihirapan itong ikabit he put it to Tracy na kasama si Christian na naka seatbelt. Sa isip ni Tracy baliw talaga ito.
"Bakit ganito, doon nalang kami sa likod ni Christian hin-" Hindi natapos nag kanyang sasabin dahil agad na itong isinira. Aangal pa sana siya ngunit hindi na ito kumibo. 
Hindi na siya nagsalita. Buntong hininga ang magagawa niya. Simula nagtagpo ang landas nila hanggang ngayon pinagtagpo parin sila.  
Hindi niya akalain aabot siya sa ganitong sitwasyon. Pumasok sa sasakyan si Marco at binuhay ang makina at pina usad ang sasakyan nito.
Tahimik na nilalakbay nila ang highway papunta sa bahay nila Marco. Dati nagtatagpo lang sila ngayon makakapasok na siya sa bahay nito na hindi inaasahan. Paano niya ito malulusotan?
Walang imik. Walang tanong. Walang sagot ang nangyari. Tahimik lang. Hanggang unti-unting pumikit ang kanyang mata at nakatulog na siya. 
Napansin ni Marco nakatulog na si Tracy. Umiling na lang siya at tinoon sang pagmamaneho.
You think is a coincidence. Time of life stops and time of love begins. Evey love has its own destiny.
Tuluyan bang magkasama sila sa isang bahay?
Ano ang maging papel ni Tracy sa buhay ni Marco?
Ano maging buhay niya sa pamilya De solvia? 
Tuluyan ba siyang mananatili o hindi?


























I Will Take You ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon