CHAPTER 38

14 0 0
                                    

Pumasok si Tracy at dali-daling isinara at inilock 'yung pinto ng toilet. Nagmamadaling kinuha niya ang kanyang cellphone nasa kanyang sling bag. Inilabas niya ang cellphone at hinanap ang number ni Hanna sa contacts at nong makita niya ay agad niyang tinawagan iyon. Nag ring lang ang kabilang linya. Walang sumasagot. Habang nasa tenga niya ang kanyang cellphone napakagat siya sa kanyang labi. Hindi siya mapakali. Nag dial ulit siya. Wala pa ring sumasagot.

Naiinis na siya ngayon na kailangan ito hindi sumasagot. Baka abala lang iyong tao. Kaya nagpadala nalang siya ng text messages. Habang nagtitipa ng message nagulat siya ng nagsalita si Manang Besing.

"Tina, Okay kalang diyan?" tanong nito kay Tracy na sa labas ng toliet.

Napalingon si Tracy sa may pinto. "Opo, Okay lang po ako Manang."at patuloy na nag text ng ma e-send na ito agad niyang binalik sa kanyang bag ang cellphone niya. Lumapit siya sa may inidoro at nag flush siya para kunwari tapos na siyang umihi, pagkatapos lumapit siya sa may sink at binuksan ang gripo para maghugas ng kamay at agad tinuyo ang kanyang kamay sa may drier machine. Kumuha na rin siy ang tissue na nasa gilid.

Dahan niyang pinihit ang busol at bumungad sa kanya si Manang Besing na nakangisi sa kanya.

"Pasensya Manang, natagalan." sabi niya

"Halika kana naghihintay na sila sir. Alam mo ba mahirap 'yon paghintayin" sabi ni Manang Besing na akala niya nagbibiro ito pero nakita niya sa mukha hindi. Sa katandaan ni Mamang alam niya na ang ugali kaya naniniwala siya na totoo ang sinabi nito.

Hindi na siya nagsalita pa ginawaran nalang niya ng ngiti si Manang Besing.

Ng nasa malaking pinto na sila nakita niya na naghihintay sa loob ng sasakyan sina Marco at Carlo. Nag makita siya nito napatingin ang dalawa kay Tracy. Napalunok bigla si Tracy at bilisan siyang lumapit sa may sasakyan at nagpaalam na siya kay Manang Besing. Mabait ang matanda nakakagaan ng loob. Gusto din niya dahil hindi man lang ito nakius-uso kung sino siya, anong ginagawa niya dito. Wala siyang naririnig. Walang paki kung baga. kung matutuloy siyang matrabaho bilang katulong sa pamilya ng mga De Solvia siguro walang kang proproblemahin. Hindi niya lang alam kung paano pakikisamahan si Marco araw-araw dahil sa ugali nito.

"Salamat, Manang. Alis na po ako."Sumenyas ang kanyang kamay para magwave at nagpaalam. Agad niyang binuksan ang pinto ng ikalawang upuan ng sasakyan at pumasok na siya at sunira ang pinto.

"Manang, paki bantay muna si Christian sa kwarto niya babalik din kami" sabi ni Marco nakahawak na sa manobela.

"Opo sir, Mag-iingat po kayo."Sabi ni Manang na nakatayo naghihintay na makaalis ang sasakyan saka na ito papasok sa loob ng bahay.

"Bye Manang" Singit ni Carlo."

Binuhay ni Marco ang makina ng sasakyan at umusad na ito. Agad nakalabas na sila sa malaking bahay. Tahimik lang sila sa loob ng sasakyan. Nakatingin lang si Tracy sa labas. Hanggang nagsalita si Carlo.

"Tina" Sambit ni Carlo

"Sir?" Nakuha ang kanyang atensyon sa pagtawag ng pangalan niya.

"Kailan ka pa 'dyan nag-aaply sa may agency?" Tanong ni Carlo habang si Marco nakatuon ang mga mata niya sa kalsada.

Napa upo ng tuwid di Tracy "Ahm. Bago lang po sir mga isang li-linggo po" totoo naman kakaisang linggo lang niya dito sa Butuan.

"Ah. Bago ka pa lang talaga" sabay tango-tango ito.

Binalik ni Tracy ang kanyang paningin sa labas tinitingnan niya ang mga ilaw na kanilang nadadaanan. Sa isip ni Tracy sana wala ng tanong hindi niya na alam kung masasagot pa niya ito ng kasinungalingan. Mahirap pala magsinungaling. Ngnuit bigla nalang nagtanong si Carlo ulit. "Laging Butuan ka ba talaga Tina?" Sumulyap ng pabahagya si Marco kay Tracy sa kanyang tanong.

Hindi niya alam kung ano ang isasagot niya, simpleng tanong bakit hirap sagutin, "Ah, hindi po sir, sa Maynila po." Biglang napatingin si Marco sa may salamin ng kotse na makikita siya sa likod, nagtagpo ang kanilang mata at agad iniwas ni Tracy ang kanyang tingin at itinoon niya sa labas ng bintana. Kung pwede lang sana gusto niyang buksan ang bintana ng sasakyan para makahinga ng maluwag pero hindi pwede. Anong gagawin niya magfollow-up explanation ba siya? pero sigurado siya na may follow up question din ito kaya tama siya nagtanong ulit si Carlo.

"Maynila?Paano kanapunta dito" Sabi nito na nakakunot ng noo bilang.

" Ka-kasi sir 'yong may-ari ng Agency, ah kibali sir, high school pa lang ako maaga akong naulila kinupkop po ako sa kanila na ako nagtratrabaho, kaya po ako nandito nag request po kasi ako kay ma'am na dito sa probinsya ako ma assign para magtratrabaho." ang lakas ng pintig ng puso niya. Ano ba ang pinagsasabi niya sa sarili pwede na ba siyang maging magaling manunulat nag iimbento na siya sa kanyang mga sasabihin. Patango-tango si Carlo pero si Marco hindi pa rin nagsasalita nakatoon lang sa pagmamaneho.

"Ah. ganon ba, alam mo ba na sayang ang ganda mo sa ganyang trabaho" napatingin si Tracy sa likod ni Carlo dahil sa sinabi nito.

Tumingin din si Marco sa gawi ni Carlo. Napansin ni Carlo ang naging reaksiyon ni Marco sa sinabi niya.

Lumingon si Carlo sa likuran kay Tracy. " Ah, Tina, huwag mong masamain ang sinabi ko, hindi ko naman minamaliit ang trabaho niyo, ang sa- sa akin lang sa nakita ko maganda ka may mas ba-" pinutol ni Tracy ang sasabihin ni Carlo.

"Huwag kang mag-alala sir, Okay lang." Saad ni Tracy sumulyap siya sa banda ni Marco para tingnan ang reaksiyon nito. Walang kabuhay-buhay. Buti nalang tahimik mas malala pa ang bibig pag nagsalita si Marco. Umupo ng tuwid si Carlo at napatingin sa labas at napabuntong hininga ito napansin 'yon ni Tracy. Tinoon nalang niya ang sarili sa paligid malapit na pala sila sa agency ni Hann kaya bigla niyang naisip. Dahan-dahan niyang binuksan ang kanynag sling bag para silipin ang kanyang cellphone kung may reply si Hanna, pero wala. Inayos niya ang kanyang phone at isinara ang kanayng bag. Biglang huminto ang sasakyan. pag-anagt niya ng mukha nandito na sila sa may parking lot ng Agency. Anong gagawin niya? Una ba siyang lalabas? Ang pag-asa nalang niya wala dito si Hanna para may pagkakataon pa siyang kausapin ito.

Narinig niya nagsalita si Marco sa wakas, " Carlo, mauna na kayo. May tatawagan lang ako. Susunod ako" aniya

Tango lang ang naging tugon ni Carlo.

"Halika ka na Tina" Anyaya sa kanya ni Carlo. Binuksan ni Carlo ang ang kanyang pintuan ng sasakyan at lumabs ito. Ngunit si Tracy hindi niya kayang lumabas. Lumunok muna siya bago binuksan ang pinto bago siya bumaba tiningnan muna niya si Marco na abala sa cellphone nito.

Aaktong hahakbang si Carlo agad pinigilan ni Tracy.

"Ah. Sir. ka- kasi baka wala si Ma'am sa ngayon" saad niya.

Tiningnan siya ni Carlo,"Diba matagal nagsasara ang agency niyo? Natakot ka ba? baka mapagalitan ka dahil ngayon ka lang umuwi?" tanong ni Carlo

"Ha?" tanging lumabas sa kanyang bibig

"Huwag kang mag-alala kami na bahala sayo." He smiled to Tracy, " Kaya halika na"

Bumaba si Marco sa sasakyan at ni lock iyon gamit ang automatic remote key control.

"Bakit hindi pa kayo pumasok? may problema ba?" Kunot ang noo sa pagkasabi nito

Napalingon silang dalawa.

"Ah, baka kasi mapagalitan si Tina na ngayon lang nakauwi kaya sinabi ko sa kanya tayo ng bahala mag paliwanag." sabi ni Carlo.

Papasok na sana sila sa pinto ng agency nakita niya si Hanna pababa ng hagdan. Napakamalas nalang talaga ni Tracy. Makakasalubong pa nila si Hanna. Paano kung tawagin siya sa totoo niyang pangalan? Paano kung hindi niya mapigilan ang kaibigan niyang huwag sabihin ang totoo. What if Hanna refused to let Tracy do what she wanted? How will she persuade it? What ways will she use to convince it? Will her friend agree to let her do what she wants?

-------------------------------------------------------























































I Will Take You ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon