CHAPTER 28

16 1 0
                                    

TTagaktak ang pawis sa mukha ni Tracy. Hindi siya mapakali sa sarili. Halos hindi siya makahinga. Pilit niyang nilalabanan. Pinilit niyang magising sa isang panaginip. Panaginip na pilit pinapaalala ang nakaraan, nakaraan na ayaw na niyang maalala. Nagising siya sa panaginip. Napaupo siya. sinuklay niya ang kanyang buhok gamit ang dalawang kamay. Tumingin siya sa may gilid na may mesa nakita niya alas tres pa ng madaling araw. Nagising siya sa panaginip. Dati- rati hindi siya nagigising kapag nanaginip nasanay siya na si Caryl ang gigising sa kanya. Buti Ngayon nalabanan niya kung Hindi namatay na siya sa tindi ng bangongot. Kailan kaya mawawala ang pighati sa nakaraan?

Flashback

Pauwi na sila kagagaling sa graduation sa pagiging doctor niya. Ang saya ng boung pamilya. Sa panahon na iyon Senador pa ang kanyang daddy at ang kapatid niya nasa pulitiko na rin.

Hindi niya alam ang araw na iyon ang simula ng lamat sa nuhay niya. Ang Masaya napalitan ng lungkot.

Sabi nga nila hindi niya kasalanan, aksidente ang nangyari. Kahit Anong pilit itatak sa isipan niya na wala siyang kasalanan ngunit nasapawan ito na siya talaga may kasalanan.

They're both Caryl, and they've both completed the Medical degree. Tuwang tuwa Ang magulang niya. Dahil ang pagiging doctor ang gusto ng mommy para sa kanya dahil gusto ng mommy niya pareho sila. Oo, doctor ang mommy niya.

Siya lang kasi ang gustong sumunod sa apak ng mommy niya ang isang magaling na doctor. Isang mabait at matulungin minsan nga hindi na pinababayad ng mommy niya ang iba niyang pasyente na wala itong pambayad kaya maraming gusto sa mommy niya. Marami pa siguro nagawa pa ang mommy kung hindi ito namatay.

Nasa sa bahay na sila sa araw na iyon kagagaling lang sa graduation. Lahat bumati. Soot pa niya ang kanyang toga.

"Congratulations aking bunso" bati ng kanyang mommy.

"Thank you mommy. Ikaw naging inspirasyon ko mom." She replied sabay yakap sa kanyang mommy

Tumikhim ang kanyang daddy at kapatid niya para makuha ang atensyon nilang mag-ina.

Ngumiti Silang mag-ina.

"Ang mommy mo lang ba?" Sabi ng daddy niya na may pagtatampo ang Mukha

"Syempre naman dad. Tampo naman agad kayo dad" bawi niya sabay ngiti.

"Pwede ko din bang mayakap ang anak ko?" tanong nito.

Kumalas sa pagkayakap si Tracy sa mommy niya at yumakap sa daddy niya.

"Dad, naman syempre naman po."

" Congratulations, anak. Natupad na Rin ang pangarap mo maging Isang doctor. proud kami sayo anak"

" Thank you, dad for everything". Sabi niya na hinigpitan niya ang pagkayakap.

"Walang anuman anak." hinagod ng daddy niya ang kanyang likod at kumalas siya dahil narinig niya ang kanyang dalawang kapatid na na parang kumakanta ng Congratulations ngunit tonong Happy Birthday. May bitbit silang cake na may kasamang kandila na sinindihan na ito.

"Congratulations to you, Congratulations to you" Sabay kumanta ang dalawa niyang kapatid na papalapit sa kanila.

"Congratulations, bunso. You make us proud for your achievement." Sabi ng kuya niya.

"Congratulations aking bunso" Sabi ng ate niya sabay halik sa pisngi at yumakap sandali.

Naiiyak na siya dahil sa tuwa. Masaya siya dahil may binigyan siya ng pamiya na mahal na mahal siya at nagmamahalan sila.

Suminghot siya dahil sa babadyang luha " Graduation ko ba talaga? o Birthday?" biro niyang tanong. Inihipan niya ang kandila.

"Congratulations!" sabay bati ng pamilya niya

I Will Take You ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon