CHAPTER 17

14 0 0
                                    

Hindi muna umuwi si Tracy. Sinabihan niya ang taxi sa isang lugar - Baywalk, Manila.

Pumunta siya sa may baywalk na pinupuntahan nila ni Oliver. Pagkarating niya ay may iilang tao pang nandoon.

Nang dumating na siya sa lugar agad siya pumasok sa loob ng dolomite beach. Nasa loob na siya hinubad niya ang soot na sandals at naglalakad lakad sa baybayin ramdam niya ang lamig ng tubig sa mga paa niya at dinig na dinig niya pa ang paghampas ang hindi kalakasan na alon sa baybayin nang mga sandaling iyon. Tumatama ang liwanag ng buwan nito sa tubig dahilan para lalong gumanda pagmasdan ang tubig dagdag pa dito ang puting buhangin purong-puro na ramdam niya bawat apak ng kanyang mga paa.

Nang mapagod na siyang maglakad.

Umupo siya sa may buhangin at pinagdikit ang dalawa niyang hita. Nilagay niya ang kanyang bag at sandals sa kanyang gilid. Unti- unting naalala niya lahat ang mga masasayang araw nila ni Oliver.

Gusto niyang maalala ang araw na iyon na magkasama sila ni Oliver.

Ganon na ba siya katanga?

Sa ngayon iniisip din ba siya  ni Oliver tulad ginagawa niya sa ngayon?

Kailangan niya ba talaga bumitaw na?

Parang andaling sabihin pero sa totoo parang ang hirap. Unang pag-ibig niya, sawi pa.

Hindi siya makapaniwala na mag-isa nalang siya pupunta parang may tumusok bigla sa puso niya dahil ramdam niya at naalala niya bawat salita na binibigkas ni Oliver para sa kanya mga pangako na pinanghahawakan niya tila parang hangin na bigla nalang nawawala. ramdam niya ang sakit at pait sa puso niya.

Ang sakit sakit dahil yung taong akalamo ay syana ang makakasama mo habang buhay ay iniwan ka na.

" Oliver, Bakit? Hindi ba ako sapat? Bakit," She muttered to herself.

Dami niyang itanong sa sarili nagkulang ba siya sa dalawang taon? Why?

Tears slowly streamed down her cheeks. Pinahiran niya ang mga luha sa kanyang kamay at niyuko niya ang kanyang ulo.

-----------------------------------------------------------

Nag hire pa talaga siya ng imbestigador para sa ipahanap ang babae. Bou na ang kanyang desisiyon . Sigurado na siya. Even if he pays a hefty sum, he don't care. At this point, all he wants is to see and know the woman.

Sa isang exclusive club sa Taguig nakipag kita si Marco sa imbestigador na kanyang ini-hire. Dinig niya ang malakas na tunog ng music sa loob ng bar kahit nasa exclusibong kwarto siya pero hindi naman nakabibingi ang tunog para ngang sumasabay pa nga ang katawan niya sa togtog. Matagal- tagal na rin na siyang hindi nakapunta ng bar.

Habang hinihintay niya ang katagpo, nagsalin ng alak sa isang baso si Marco pagkatapos deretsa niya itong ininom. Mayat-maya dumating ito.

Tumayo si Marco para makipag kamay imbestigador at pinauunlakan naman siya nito, inanyayahan niya itong umupo, umupo na rin siya sa isang pang isahang sofa.

May hinihintay pa siya si Bernard. Tinawagan niya ito para makipagkita na rin. Gusto niyang kitain ang kaibigan dahil uuwi siya sa Butuan City dahil nakapagdesisyon niyang mamalagi muna siya sa probinsiya kumbaga doon muna siya mag-oopisina siguro luluwas lang siya ng Manila kung may importante at emergency sa kompanya.

Pwede naman siyang makipag meeting thru virtual, dahil sa ngayon babantayan muna niya kanyang pamangkin at ate baka bigla nalang sisipot ang walang kwentang lalaki na iyon. Nangako siya sa sarili na hindi na ito makakalapit sa kanyang mag-ina. Wala na itong babalikan.

Nag ipis ulit ng alak si Marco at binigay sa imbestigador. Bumukas ang pinto at niluwa si Bernard.

Napalingon si Marco para tingnan kung sino ang pumasok. Umupo si Bernard.

I Will Take You ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon