CHAPTER 36

13 0 0
                                    

While Marco was driving back to his house. He kept a steady gaze on Tracy and Christian, both of whom were fast asleep. Marco only shook his head, unable to believe nasa harap ng sasakyan niya pinaupo si Tracy.

Hindi din siya makapaniwala ilang taon din hindi siya nagpapasok ng ibang tao sa bahay nila.

Lalo na ngayon sa taong hindi niya kilala o saan ito galing, ngunit wala siyang magagawa para sa pamangkin niya.

Hanggang nakarating na sila sa Mansion ng mga De Solvia. Bumukas ang malaking remote control gate. Pumasok ang kanyang sasakyan at dahan-dahan inapakan ang brake ng sasakyan.

Huminto na ito nagkalas ng seatbet si Marco. Tumingin siya sa gawi kay Tracy at Christian. Tulog pa rin ang dalawa. Hihintayin muna niya na magising ito? o gigisingin niya? Tinitigan muna niya hanggang gumalaw si Tracy agad iniwas ni Marco ang kanyang mukha. Dahan-dahang minulat ang kanyang mata napansin niya hindi na gumagalaw ang sasakyan at napaupo siya ng tuwid ng makita niya si Marco na katingin sa labas. Nilibot niya ang kanyang paningin sa paligid. Nasa harap ng malaking bahay nakapark ang sasakyan. Tiningnan niya si Christian tulog pa rin ito. Namanhid ang paa niya dahil sa bigat ni Christian. Nahirapan siyang gumalaw. Ang tansya kung anong oras niya mag alas sais ng gabi na.

"Pa-pasensya nakatulog ako," utal niyang sabi nahihiya siya bakit nakatulog siya, napaka feeling naman niya. Napagod lang talaga siya.

Hindi sumagot si Marco binuksan niya ang kanyang pinto ng sasakyan at lumabas at pumunta sa gawi niya. Gusto niyang igalaw ang sarili pero namanhid talaga sumakit ang hita niya. Kung bakit kasi dito pa sa unahan pinaupo. Bakit hindi doon sa likod pwede naman makaayos pa ng higa si Christian. Binuksan ni Marco ang kanyang pinto tatanggalin na sana ni Marco ang kanyang seatbelt umangal siya "Ako na, kaya ko" Pilit niyang abutin ang seatbelt para e-unlock ito. Parang nahihirapan siya kaya agad rumesponde si Marco. Tiningnan muna niya sa mukha si Tracy bago ito tinanggal ang seatbelt. Nakahinga ng maluwag si Tracy.

Kinuha ni Marco si Christian at binuhat dumeretsong pumasok sa bukana ng pinto ng malaking bahay. Naiwan si Tracy nakatulala. Iniwan siya mag-isa? Aakto na sana siyang bababa ng sasakyan paggalaw niya narakaramdam siya ng sakit.

Hindi pa nakapasok si Marco lumingon ito kay Tracy nakita niya na hindi pa bumaba.

"Ano pa ginagawa mo diyan?" Tanong ni Marco na nakakunot ang noo.

Tumingin lang si Tracy kay Marco. Parusa na ba ito kay Tracy kung bakit kung ano nalang nangyayari sa kanya? Bayad na ba ito sa kasinungalingan niya?

Biglang may lumabas na matanda sa bahay at sinalubong sila Marco at Chrisitian. Sumenyas si Marco na puntahan si Tracy. Napatingin si Manang kay Tracy hidni kasi ito napansin na may ibang tao.

Lumapit si Manang Besing kay Tracy at sinuri siy ang mabuti ulot hanggang paa " Ma'am, goodevening." Bati nito sa kanya parang may katanungan sa mga mata kung sino siya.

"Ah.Manang Tina nalang po. Huwag na pong ma'am" Sab ni Tracy na ininda parin ang sakit ng hita niya.

"Papasukin ka na ni sir, Ms. Tina" Saad nito

"Tina nalang po, masyadong pormal naman kung may Ms po. Tina ok na po komportable po ako" para kay Tracy simple lang kung sa pangalan tawagin. Parang mas gusto niya. Gusto niyang maiba. HIndi tulad ng dati Ma'am, Doc, Daughter of the President at may iba pang tawag na napaka pormal nakakasawa. Ngayon ngumisi siya ta napansin ito ni Manang Besing.

"Ah.Tina. Okay ka lang?" Tanong nito na nagtataka dahil nakangisi siya na wala naman rason. Baliw lang?

Kinagat niya ang kanyang labi "Ah. Medyo hindi po akay medyo sumakit po ang aking hita nakaupo kasi si Christian sa akin habang nagmamaneho kaya medyo na manhid po" saad niya pinapakita niya sa ekspresyon ng kanyang mukha na masakit ito.

I Will Take You ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon