CHAPTER 6

145 8 4
                                    

Hindi namalayan ni Tracy mag alas dose na, nakaramdam siya ng gutom ngunit wala siya ganang kumain tinoon nalang niya ang kanyang sarili sa trabaho, ng biglang lumapit si Lenny sa kanya para palalahanan siya.

"Excuse me, doc"
Napaangat ang tingin niya

"Yes, lenny?"

"Ahmm. alas dose na po doc"

"Sige lenny kumain ka na, susunod na ako" aniya niya

"Ah, gusto niyo po doc bilhan ko nalang kayo ng lunch"

"Huwag na Lenny, Salamat, Sige na kumain ka na"

"Okay , Doc" sabay tango at tuluyan ng lumabas ng clinic.

Nang sumara ang pinto sa paglabas ni Lenny, huminto siya sa kanyang ginagawa at binitawan ang ballpen, napahawak siya sa kanyang noo at pumikit biglang gumihit sa kanyang isip ang imahe ni Oliver, naalala niya noong sila pa.

"Oliver" tanging ang pangalan ang sambit niya

Inayos niya ang kanyang sarili, para puntahan si Caryl para sumabay mag lunch.

While walking in the corridor of the hospital, she suddenly stopped walking, she saw someone familiar in the lobby, not far from her napa atras siya ng hakbang ng dalawang beses ng nakompirma niya kung sino ang lalaki - the owner of the car she collided with at bumaling siya ng tingin sa kausap nito na parang kasing edad lang ang dalawa na seryosong nag-uusap, napabalikwas siya ng tumingin ang lalaki sa kanyang gawi agad siyang tumalikod at dahan-dahang lumakad at lumiko sa ibang pasilyo na doon na siya nakahinga ng maluwag na may pader na nakaharang, sinandal niya ang boong katawan sa pader at napahawak siya sa dibdib bumilis ang tibok ng puso niya. Hindi niya maiintindihan kung bakit ganon nalang naging reaction niya ng makita ang lalaki.

"Anong ginagawa niya dito? Ganon ba talaga kabilis na mahanap ako? Hindi imposible, Si Mike kaya?" Tanong sa sarili

Kinapa niya ang kanyang bulsa para kunin ang celphone niya para tawagan si Mike ngunit hindi pala niya dala  kaya napakagat nalang siya sa kanyang hinlalaking kuko, ano nalang tumatakbo sa kanyang isipan kung ano mangyayari na malaman ito ng medya, sigurado siya maraming medya umaaligid. Paano na? Anong gagawin niya

"Teka, What I am doing? bakit ako nagtatago? Hindi naman niya ako makilala, hindi naman niya nakita mukha ko,  daig ko pa kriminal nito, " kausap nito ang sarili

Due to her profound thinking, she did not realize that she had been called.
"Doc?, Doc Tracy?" tawag ni Lenny.

Napaitlag siya at napatingin sa tumawag

"Ha?" humigpit ang hawak niya sa pangibabang damit

"Doc anong ginagawa niyo po diyan?" tanong nito

"Ha? ahmm..Lenny tapos ka na bang kumain?" Hindi niya alam kung anong idadahilan niya yon nalang lumabas sa bibig niya

Tango lang ang ganti ni Lenny nagtataka sa kinikilos ni Tracy

"Doc, May naghahanap po sa inyo" saad nito

"Sa akin? Si..sino?" utal niyang sabi na may halong kaba.

"Yong VIP po na pasyente niyo doc, si Mrs Acosta, nakasalubong ko po siya sa lobby, naka schedule po siya ngayon doc, pinasasabi niya doc pupunta na siya sa clinic maya-maya, may bibisitahin lang siyang kaibigan na naka confine dito"

"Okay! Akala ko kung ano na"
Naka hinga siya ng maluwag. Tuluyan ng nawala ang kanyang gutom napalitan ito ng kaba.

"Okay ka lang doc?

"Hmm, o..okay lang..ahmm, ah Lenny sa clinic na ako maghihintay, paki assist mo nalang si Mrs Acosta, mauna na ako"mabilis ang hakbang niya at naiwan si Lenny na nakatayo na blanko ang mukha ngayon lang niya nakita ang doktora na tensyonado.
Maypagtataka sa mukha nito bago umalis pabalik sa clinic nila

I Will Take You ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon